Press Release
March 2, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Q: Is the President liable?

Poe: Yung time on target talagang ginagamit na stratehiya iyan, ang importante kasi kapag mayroon kang time on target ay mayroon kang kasamang plano. Pwede mong ipaalam kunwari hihingi ka ng tulong, ang maliwanag, sinabi ng Pangulo di umano na kailangan alam ng AFP. Ngayon, kung time on target sila sasabihan, dapat may plano, hindi yung tatawagan mo na tapos na halos, rescue operations na lang. So for me, hindi na naging malinaw ang paggawa nila ng kanilang trabaho na time on target. Can you imagine, if they informed the AFP as early as 2 a.m., there would have been enough reinforcement and coordination by the time they did their operation.

Q: So mismong yung time on target di nasunod?

Poe: In principle, they did not plan well. We cannot say that because there was a time on target order that it is wrong to have that type of order. The important thing is at least mayroong contingency back up plan na ginawa nila or mayroon na silang plano na ibigay sa military. It was obvious that I don't think they would have even informed the military unless they needed help at that point. Talagang hindi nila talaga balak sabihin hanggang doon sa nakikita nating coordination nila na kulang-kulang.

Q: Kailangan po ba magpaliwanag ni Presidente kasi sinasabi na nagcreate siya ng panibagong chain of command hindi niya sinunod yung talagang chain?

Poe: Basta sa aming committee, ilalagay naman namin kung anu-ano sana sa dapat mga naging hakbang para maiwasan iyon pero siyempre, ang Presidente naman ay palagi nating hinhingan ng explanasyon lalong-lalo na kung mayroong kaguluhan. Sa tingin ko, kasama na sa responsibilidad ng isang presidente na malinawan natin.

Q: So you think he should give a speech? Another explanation?

Poe: Sa tingin ko hindi naman makakasama na malaman ng ating mga kababayan yung kanyang saloobin tungkol dito.

Q: Pero ma'am, may sinasabi si Senator Serge na he should say sorry? Parang GMA daw.

Poe: Para sa akin, unang-una dapat marinig natin yung punto ng Pangulo dito bago natin sabihin na dapat humingi siya ng paumanhin. Ang malinaw kasi dito, kung mayroon mang pagkukulang ng koordinasyon, ay pwede naman talagang sabihin iyon. Kaya lamang, para sabihin na dapat ay gawin niya iyon [humingi ng sorry], siya lang talaga ang dapat boluntaryong gagawa noon.

Q: Re JPE pushing for house arrest. Kayo po ba, agree doon?

Poe: Ako, naniniwala na dapat he should be accorded the best medical care, kung ano ang ipapayo ng doctor para mas maging maginhawa siya at mas madali siyang mapagaling. Yun ang dapat na sundin natin.

Q: But should the Senate step in? Should they appeal to the Sandiganbayan?

Poe: Sa ngayon hindi ko pa naman naiisip na dapat ganoon. Siguro, individually may mga nagsasabi na ganoon, pero para sa akin mismo yung doctor sa Crame ang magsabi kung ano ang pinakamabuting paraan para siya ay gumaling.

Q: Thank you po.

News Latest News Feed