Press Release
March 6, 2015

Grace Poe Interview Transcript

Question: Ma'am ano po yung mga pwede ilabas sa executive session?

Sen. Grace Poe: Marami dun yung mga kwento ng mga survivors na ilalabas namin, halos lahat yun. Siyempre hindi lang namin babanggitin ang indibidwal na pangalan nila bagama't nasabi na sa media. Meron din kaming mga ilalabas doon na mga tanong sa mga bagay-bagay, halimbawa sa foreign involvement na nabanggit na rin naman sa public hearing pero mas maayos natin maipresenta dito sa committee report.

Q: Ma'am doon magkakaroon ng prangka na recommendation with names, etc?

Poe: Siyempre yun naman talaga ang pakay natin. Ang pakay natin, unang-una ay maipresenta ang katotohanan. Ang sa amin ay recommendatory, kung ano ba ang sa tingin namin na pagkakamali dito na dapat ay gawan natin ng solusyon para huwag na maulit muli. Katulad ng pagkakaroon ng mga batas na, kung saka-sakali ay maisasaayos ang sistema at kaya pag kasama yun sa mga rekomendasyon at siyempre hindi mo maiiwasan na kunyari merong nagkamali nagkaroon ng judgment errors ay kailangan ay nakalagay doon sa committee report

Q: Sa initial assessment ma'am, hanggaang saang level ang nakikita niyo na dapat ma-correct, yung proseso...

Poe: Basta ganito lang po, lahat ng may kinalaman na nabanggit na liderato ay siyempre kailangang meron kaming tugon ukol sa kanilang partisipasyon at kung ano ang mga naging kakulangan dito. Hanggang sa lahat ng level po na may kinalaman dito sa operasyon na ito ay malalagay sa aming committee report, kung ano ang naging pagkukulang o kung ano ang tamang nagawa.

Q: Ma'am kasama na doon, possibly ang Office of the President?

Poe: Siyempre kasama na doon.

Q: Ma'am sa BOI, hihintayin ba ng komite ang magiging BOI report para ma-incorporate din doon sa committee report.

Poe: Para sa amin, cross checking of figures lang kasi merong mga dokumento kami na ang nagsubmit din ay ang BOI. Ngayon ang BOI ay magsusumite sa Lunes o mamaya. Sa amin, matatapos namin, siyempre irereview din namin ang BOI report, bagama't meron kami ng sarili namin na konklusyon, mas mabuti na rin na pagdating sa mga ebidensya, facts and figures ay meron kaming cross checking. Siguro ang sa amin, the week of the 16th mabibigay namin ang committee report.

Q: March 16?

Poe: The week of the 16th.

Q: Wala nang executive session na mangyayari na for clarification for those?

Poe: Wala ng executive. Nagkaroon kami ng caucus na kung saan ang mga gusto kong ilagay sa committee report na hango sa executive session namin, ay pinagbotohan namin, kung ano ba ang pwedeng ilagay at ano ang hindi pwedeng ilagay. At ang masasabi ko lang sa inyo, ang mga bagay na hindi nila pinayagan ay ang mga bagay na nagdedetalye ng intelligence. Yung mga nagbigay ng tip, kung sino ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa wherabouts ni Usman at ni Marwan. Sapagkat kung saka-sakali kasama sila sa komunidad o sa lugar na yun ay baka matunton sila ng grupo.

Q: Definitely local, legitimate tipster to?

Poe: Hindi ko masasabi kung local o ano, basta tipster.

Q: Bawat senator meron pong nilagay na inputs doon sa committee report?

Poe: Ganito lang yun, bilang chairman ng komite isusulat ko ang aking report, ngayon kung hindi sila papayag, hindi sila pipirma, o kung pipirma man sila, pero meron silang hindi nalilinawan o kaya meron silang tinatanggihan doon or objection, ilalagay nila sa tabi ng pirma nila. But siguro with amendments kung ano man yun. Ang committee report ay hindi naman batas, report lamang yan. So yan ay konsiderasyon ng chairman ng committee. Sila, pwede lang nila iraise ang objection nila but the committee report is the responsibility and also the report of the chairman of the committee.

Q: With recommendation na kakasuhan ito?

Poe: Pwede. Dahil ito naman ang ginawa namin noon kay Gen. Purisima sa aming committee report. Nirekomenda namin sa Ombudsman na dapat ay kasuhan siya. So sa mga pagkakataon na ito, mayroon din kami na mga recommendatory action kung sa DOJ man o kung anong sangay ng gobyerno.

Q: Ma'am, clarification lang po, ilalabas ang committee report on the week of the 16th? May target date ba tayo para ma-iadopt ito sa floor?

Poe: Well, hopefully, kung wala namang problema, kung mapipirmahan na lahat iyan, eh di mapre-present ko na rin sa floor iyan bago mag-adjourn. But if not, basta yung committee report pag napapirmahan na iyan, pwede namang ilabas na at yung interpellation o ano pa man, siguro pagbukas ng session sa May 4. Pero at least the information will be out there for us to be able to scrutinize.

Q: Ma'am, on the would-be report of the BOI. Would you rather see it being disclosed to the public? Or is it confidential?

Poe: I think a report should be made public. Especially as the BOI is about accountability. May mga matters doon na baka national security or diplomatic relations, kailangan may separate report ukol sa mga classified information. Pero the ones that have nothing to do with national security, should be made available to the public.

Q: Will you request the BOI to release it?

Poe: I haven't seen the BOI report. But, without even seeing it, all I can say is that if it does not jeopardize national security, diplomatic relations, or ongoing criminal investigations, or the privacy and safety of an individual, they should be able to release it. So meaning, the liability of officials, for example, in the encounter, their misjudgement should be part of what they are going to report to the public.

Q: How difficult is it to make a committee report?

Poe: Napakahirap. Kasi napakaraming dokumento. Unang-una, may sinasabi ang isang grupo na taliwas doon sa kabila. So titingnan mo, babalikan mo na naman ang transcript na, by the way, 5 public hearings, 5 executive sessions, hindi pa kasama ang ibang caucus, so bibilangin mo kung ilang oras iyon. Ganoon kakapal sa bawat araw ang dokumento ng transcript na babalikan mo. Ngayon, maraming mga imbestigasyon sa Senado ang hindi natatapos agad sa dami ng dokumento, pero alam namin, dahil nakasalalay dito ang hustisya sa ating mga SAF officers, at kasama na rin sa mga kapatid natin sa Mindanao, kailangang mailabas ito para maging basehan din ng ating mga kababayan para malaman ang katotohanan.

Q: Ma'am, mayroon ding mga apprehension na baka daw ma-waterdown ang report, considering that majority of the senators are allied with the president.

Poe: Basta, ganito lang iyon. Kami naman, may kanya-kanyang pananagutan at reputasyon sa ating mga kababayan. Kaya, kung ito ay hindi magagawa ng tama, pangalan rin naman namin ang nakasalalay dito. So para sa akin, report ko ito, eh. Report ng committee ko ito. Kaya, sa tingin ko naman, hindi ako papayag na malabnaw ito sapagkat magiging pananagutan ko ito sa publiko. Pasensya na po sa mga matatamaan, pero trabaho rin ang ginagawa namin. Kung mayroong mga nagkamali sa trabaho nila, ilalagay namin na pagkakamali ito at hindi sinasadya, pero mali pa rin.

Q: Even in the higher levels?

Poe: Lahat nga. Ayoko mag-udyok. Pero lahat ng ma kinalaman sa operasyon na ito ay kailangang mabanggit. Sapagkat, kung hindi babanggitin, walang maniniwala sa report.

Q: Gaano po ito makakaapekto sa Bangsamoro Basic Law?

Poe: Siyempre, ang rekomendasyon ng lahat ay itaguyod ang kapayapaan pero kailangan ay ito ay nasasaayon sa ating konstitusyon at ito ay para sa lahat, hindi lamang para sa iilan. Dapat ito ay makatarungan, inclusive. Para sa amin, hindi man namin babanggitin ang lahat ng probisyon ng BBL--ibang komite na iyon--yung nilalaman ng report namin ay magpapamulat sa mata ng ating mga kababayan kung ano ba dapat ang ating tutukan sa BBL at pag-ingatan.

Q: Thank you.

News Latest News Feed