Press Release
March 9, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
March 9, 2015, 3:30 P.M.

Q: Anong masasabi ninyo sa refusal ni Gen. Purisima na magcooperate sa BOI at sa Senate din ma'am kasi diba he refused to sign a waiver for the cellphone records?

Sen. Grace Poe: Para sa akin, siyempre hindi magandang mensahe iyan kapag mayroong hindi nakikipagcooperate sa isang fact-finding mission. Para sa akin, dapat siguro, kung anuman yung mga nakalap nilang mga impormasyon o ebidensya, gamitin muna nila ngayon, pero meron siguro silang clause dun na nakalagay dapat na incomplete dahil sa refusal ng iba na magbigay ng testimonya. Para sa akin kasi, katulad din ng BOI, ang Senado ay hindi korte, nakatali din ang isang kamay namin at hindi rin namin sila pwedeng pilitin na magbigay ng salaysay lalong lalo na kapag ang ginagamit nila ay yung privacy issue. Para sa akin, mas lalong lumalaki ang duda kapag mayroong mga hindi nakikipagkaisa para mabigay ang tunay na nangyayari doon sa nalalaman nila.

Q: Sa gagawing committee report, may portion na lalagyan din ng incomplete?

Poe: Ilalagay namin kung ano ang nakalap namin without prejudice to any fact-finding committee at sasabihin din namin na based on what we have and what we feel we should still get, we would perhaps recommend that the court pursue it kasi mas mayroong kapangyarihan ang korte.

Q: Yung mga hinahanap na terrorist suspect sa US pero ayaw pa nilang sabihin kung sino doon, yung napatay sa engkwentro ng government at BIFF.

Poe: Kontrolado iyan ng AFP, yung engkwentro na iyan. Siguro kailangang masuring mabuti kung sino yung mga napatay nila para malaman kung isa ito sa terrorist na tinatago diumano dito ng mga iba't ibang grupo dito sa Mindanao. Kasama iyan sa kanilang operasyon na matunton kung mayroon ba talagang mga terorista na tinatago dito sa ating bansa.

Q: With or without the BOI report, yung pagrelease ninyo ng committee report next week tuloy pa rin?

Poe: Kahit na wala pa ang BOI report, sapat na ang aming mga nakalap para maglabas ng committee report. Mas maganda sana na makuha namin yun para ma-crosscheck din namin yung aming mga nakita. Gayunpaman, sa tingin ko marami na rin kaming mga impormasyon na pwedeng magamit para magrekomenda kung mayroon mang kailangang kasuhan at magrekomenda ng mga batas para hindi na maulit ang ganitong masamang engkwentro na mangyari.

Q: Paghingi ni Gen. Magalong ng extension ang reason nila para maging factual, fair ang report

Poe: Acceptable sana na hindi ganun kabilis maglabas ng report sapagkat ang dami nilang mga dokumentong nakalap subalit nagtataka lang ako kung bakit nung nakaraang linggo sinabi nila kung hindi Biyernes ay Lunes. So para bitawan nila ang salitang iyon siguro sapat na ang kailang nakalap noon. Ano ang nangyari? Ano ang nalaman nila noong weekend na nagpalit ng kanilang isip na isumite sa susunod na tatlong araw? Pero kung sana sa umpisa pa lang sinabi na nila na matatagalan sapagkat ang daming impormasyon na kailangang pagaralan, maiintindihan ko yun. Kaya lang yun nga, bakit pumasok nung bandang huli nalang. Bakit sinabi na nila na handa na sigurado sa Lunes tapos hindi nangyari. Pero bigyan natin sila ng benefit of the doubt sapagkat alam niyo hanggang ngayon sa totoo lang ang dami pang pumapasok na impormasyon, ang dami pang nagsasabi na ganito na ang paraan para makuha natin ang text messages, baka naman gusto nilang malinawan yun.

Q: Nagrequest ang BOI na mainterview din ang Presidente pero walang reply, sa Senate side ba ma'am ano ang tingin ninyo? Nararamdaman niyo bang may sapat na cooperation naman ang Malacanang?

Poe: Kasi kami unang una palang wala kaming pinadalang request na makausap pa siya. Binabase namin ang aming rekomendasyon dun sa mga nakalap na namin. Alalahanin rin ng ating mga kababayan ang gawain namin ay recommendatory sa mga kaso sa ombudsman kung saka-sakali. Ngayon, ayokong pangunahan ang ating report, pero doon sa mga nakikita naming impormasyon, sapat na para makita kung may pagkukulang o may mga tamang ginawa ang mga kalahok dito.

Q: Ma'am, dapat bang ipublicize ang BOI report? Kasi may mga nagsasabi na baka palabas lang daw ang report ng BOI

Poe: Ako, sa tingin ko, kapag inquiry report na ganoon, kailangan malinaw na isasapubliko nila ito. Kung hindi man, pwede nilang sabihin na certain parts of the report have been omitted because of security issues. So pwedeng ilagay iyon. Pero ang kabuuan noon, at least yung mga conclusion noon ay dapat isapubliko nila.

Q: Para pong walang commitment ang MILF to still submit a copy of their report?

Poe: Wala silang commitment, diba? May sinabi sila. At first, tapusin muna nila ang committee report nila mismo itong kina Chairman Iqbal. Tapos narinig naman natin na sinasabi nila na sa Malaysia na nila isusumite. Nakakalungkot. Sana, ipinakita nila na mayroon din silang tiwala sa aming pagkalap ng ebidensiya, pero siguro sa puntong ito, hindi naman namin kakailanganin na iyon. Kung saka-sakali sana, mas maganda, para naman yung panig nila ay marinig din namin. Pero hindi nila ibinibigay ang pagkakataon na iyon kaya kung ano ang mayroon kami ay yun ang gagawin naming basehan para sa rekomendasyon.

Q: Ma'am, bakit hindi makuha ang side ng Presidente considering na siya ang missing piece para mabuo ang picture?

Poe: Unang-una, mayroon tayong executive privilege. Kahit papaano, mayroon ding courtesy yung aming grupo doon sa executive branch. Kung ano man yung nakikita namin na partisipasyon ng pangulo, kinukuha namin iyon sa mga naging resource persons natin. Mas maganda nga sana kung makuha natin yung explanasyon tungkol sa gap ng timeline ng pagtawag natin. Ang dinig ko, but through informal sources, na wala na talagang exchanges between Gen. Purisima and the President. But definitely coming from the President, it would be nice to hear from him directly that there were none.

Q: Ma'am tama po ba na tumanggi si Gen. Purisima na mag-sign ng waiver to release his text messages? Where do we go from there?

Poe: Eto yung problema, since he refuses to give authorization for us with the telcos, we are dealing with a private company. Smart Communications, or any other telecommunications company. Even if we subpoena it, they will always have the recourse to ask the courts to intervene. And even if we have that information, for example, may mga secrets kasing sinasabi na pwede mong kunin secretly yung cellphone ano, may equipment na pwedeng gawin iyon, mailalabas ba namin? Siyempre hindi namin pwedeng ilabas. Kasi, pwede kaming sabihan ng korte na hindi namin pwedeng ilabas iyan sapagkat wala pang authorization galing sa mismong may-ari ng account na iyon. So, even if we issue a subpoena for those phone records, without the approval of the account holder or the subscriber, the company or the telcos can ask for the intervention of the courts.

Q: Give up na po ba yung sa telcos?

Poe: Hindi naman sa give-up. Ang gusto lang namin, maglabas na rin ng report without prejudice to the other fact-finding boards. So if we feel that at a certain point we can still continue to pursue this, if we feel that at that point na narelease na ang phone records and it will show a different scenario from what we have submitted, we will correct our report. And we will update it to include any other factual evidence that we can use to augment the report that we submit. But in the meantime, there are matters there that are already conclusive, which we can already submit to you so the Ombudsman has something to work with, the public has something to analyze.

Q: Ma'am, sa tingin ninyo, may tinatago si Gen. Purisima?

Poe: Sa kaniyang mga kinikilos, sigurado ako. Kasi parang...Maganda na sana na nagpapakita siya sa Senado. Ako ay nagpasalamat sa kaniya. Kasi yung iba hindi nagpapakita pero siya pumunta. Pero yung hindi pagbibigay ng kabuuang mga testimonya sa BOI or phone records, kahit na wala kang duda sana ay mas lalo kang magdududa. Kasi, sinasabi ko nga, kung walang tinatago anong kinakatakot nila? At lalong-lalo na kung kaibigan niya ang pangulo, para sa akin, at nakikita niyang wala o hindi makakasama sa kaniya, dapat ilabas na niya.

News Latest News Feed