Press Release
March 10, 2015

GRACE POE AKSYON RADYO INTERVIEW TRANSCRIPT
March 10, 2015, 9 a.m.

Sen. Grace Poe: Magandang umaga po sir Orly at sir Erwin at sa lahat po ng nakikinig.

Orly Mercado: We'd like to ask your comment kasi napanood ko din yung statement niyo kagabi tungkol dito sa delay na ito. Ano ba ang bago bakit ito na-delay. Ano po ba ang reaksyon ninyo nung in-announce ito at humingi sila ng extension?

Poe: Alam niyo po kung saka-sakali man na ma-delay yan, naintindahan natin sa dami ng impormasyon na nakalap nila, kaya lang po kaya nagkaroon ng konting pagduda kasi sinabi po nila noong nakaraang linggo na ito'y magiging handa Biyernes o kung hindi man Biyernes itong nakaraang Lunes. So nagbitaw na po sila ng salita na ito ay magiging handa kaya nga po ang iba ay nag-iisip kung ano po ang nangyari noong Sabado at Linggo na bigla silang nagsabi na kailangan pa nila ng oras. Alam niyo po bago pa magbitiw ng salita, dapat nakakasiguro ka na na halos kumpleto na kung magbibigay ka ng petsa. Kami nga po sa Senado nagsabi kami na magiging handa ang aming report sa linggo ng March 16, hindi nga po namin sinabi yung eksaktong araw dahil yun nga marami ang maaaring mangyari, pero sa kanila po nagbitiw sila ng salita na magiging Lunes nga yun. So hindi nga natin maintindihan. Ayaw nga natin sila pagdudahan kaya lang siyempre we cannot help it, especially kapag naging ganito yung statement.

Mercado: May mga nagtatanong nga kung bakit timing naman kahapon nagsalita ang Presidente tungkol dito sa issue na ito. Merong inaddress na, baka naman related yun, I don't know. Some people are connecting it.

Poe: Well siyempre yung pagdududa hindi naman talaga tayo makakasiguro, pero hindi ko alam kung yung pagsasalita ng Pangulo, dahil hindi nga siya nagbigay ng statement sa BOI diumano, siguro ay pwedeng magamit din ng BOI ang salaysay ng Pangulo doon sa kanyang extemporaneous statement sa kanyang event sa Malacañang.

Mercado: Senadora Grace, do you feel you have sufficient information already to be able to make a report?

Poe: Essentially with what the goal is in the Senate, which is to legislate, feeling ko tamang tama na yung aming mga nakalap. Kasi po, sa ating mga kababayan na nakikinig, sa Senado po, kahit po kami nag-iimbestiga para pong nakatali ang isang kamay namin sa panununtok no. Hindi naman kami pwede magbigay ng hatol. Ang pwede lang namin ibigay ay isang rekomendasyon ung ano dapat ang maging hakbang ng mga iba pang sangay ng gobyerno. Halimbawa ng DOJ o ng Ombudsman. Ito po ay napatunayan na namin noon. Nung aming iniimbestigahan ang diumanong katiwalian ni Gen. Purisima, pagkatapos po ng aming pagdinig, nagbalangkas po ako ng committee report at doon po sa aking committee report ay marahil dapat kasuhan ng Ombudsman base sa aming nakalap itong si Gen. Purisima at nagawa naman po yun.

Erwin Tulfo: Ang katanungan ko lamang kay Senadora Poe, ma'am goodmorning. Ma'am are you satisfied with, kasi kahapon nagpauna na yung head ng Board of Inquiry ng CIDG, mukhang nagpahiwatig na kulang-kulang ang kanilang report dahil may sinasabi siyang yung cellphone daw ay hindi na turnover sa kanya ng AFP, ni Gen. Purisima at may mga questions sana sila kay Pnoy subalit hindi sila napagbigyan so maraming mga kulang. Nakikita na natin ang report initially ma'am na mukhang kulang ho yata. Dahil siyempre kung wala yung mga cellphone, gusto raw nila ipa-forensic ang cellphone, yung mga messages sabi ni Purisima nakapag bigay na raw siya ng kung ano ang messages sa kanya pero ang gusto talaga ng CIDG aside sa text messages ay kung sino pa ang mga tinawagan, pero hindi raw nagawa yun. Hindi sumunod ang AFP, hindi na turnover yung kanilang cellphone, gayundin po ang tanging sumunod nga lang daw ay yung mga nabuhay na SAF members at saka si Napeñas. Other than that wala na raw pong nag-surrender sa Board of Inquiry. Papaano po yun maasahan pa ma'am na 100% complete at balanced ang report nila kung ganitong kulang-kulang ma'am?

Poe: Alam ninyo po, tama po kayo. Talagang tayo'y dapat magduda lalo na kung hindi kumpleto ang kanilang magiging report. Kaya nga po, may iba't ibang sangay ng gobyerno sapagkat may iba't-ibang kapangyarihan. Ngayon, itong BOI, kung ano man ang nakalap nila sa grounds, sa Mamasapano at sa mga survivors, at kung sino-sino pa, pwede nilang isumite iyan sa DOJ at pwedeng DOJ rin ang maging basehan nito. Dahil nga hindi kami korte sa Senado, pwede kaming magpasubpoena. Pero kapag nagpakita doon ang resource person at nag-invoke ng right against self incrimination, o kaya right against privacy, hindi rin po namin sila pwedeng mapigil. Kaya nga po, bagama't hindi namin makukuha ang mga cellphone nila to be able to conduct forensic testing, halimbawa, pwede naman naming ilagay sa report na ito ang mga nakuha namin, but, we will recommend that the court system subpoena the phone records, and not just the phone records, but the actual phone of the resource person so we could do a more exhaustive, investigative work.

Kasi hindi lang naman po parang NBI ang ginagawa ng Senado. We have enough already to be able to plot a legislation that hopefully will be able to prevent such an occurrence. Ibig sabihin, kung ano man ang mga batas na maiwasan yung ganoong uri ng trahedya sa Mamasapano. Pwede rin naman kaming magbigay ng statement, ng mga rekomendasyon, para naman ang budget ng PNP ay mapunta talaga sa mga kailangan nilang kagamitan. Yun pong tanong rin ng ating mga kababayan, yun bang lahat ng may mga kalahok dito ay mababanggit namin? Natural po. Ito po ang may leadership role, operational role, nadiscuss namin ang bawat papel nila. Halimbawa nalang, si Gen. Napenas, si Gen. Purisima, ang Presidente mismo, at masasabi din namin kung mayroon silang liability, if any. Sinasabi kong if any kasi ayaw ko pong pangunahan ang ating committee report bagama't malinaw na rin po sa pag-iisip ng ating mga kababayan ang pagkukulang dito.

Mercado: Isa sa mga inaantabayanan din namin ay kung ano ang mga lessons learned sa isang mas malawakang pananaw. Anong matutunang leksyon sa encounter na ito na tulad ng Mamasapano?

Poe: Tama po kayo. Alam niyo po, hindi lang sa kailangang maparusahan at managot ang mga may sala, pero kailangan din natin matuto dito kung hindi ay masasayang ang pagkakataon na ito. Hindi lamang matuto para maging mas malakas ang ating mga operasyon laban sa mga terorista, kundi matuto rin tayo dito para kung ano man ang makakabuti sa probisyon ng BBL ay yun ang ating masundan, na hindi ito salungat sa ating konstitusyon, at ang tulong na ipaaabot sa sa gobyerno na halos 70B bawat tauhan ay mapunta sa pinakamahihirap nating mga kababayan, at makatulong sa ordinaryong mamamayan sa ARMM at hindi maibulsa, kung saka-sakali, ng mga mamumuno doon.

Mercado: Very well said, Sen. Poe. Maraming salamat po.

News Latest News Feed