Press Release
March 11, 2015

Transcript of Ambush Interview of Senator Nancy Binay

Question: (Unintelligible)

Senator Nancy Binay: Hindi. Kung... If there's truth nga dun sa suspension, nakakalungkot lang because 'yung ang maapektuhan dito 'yung mga kababayan namin sa Makati. So 'yun, balik na naman ulit dun sa talagang ayaw nila na 'yung pamilya namin ay magsisilbi sa ating mga kababayan. So parang 'yun 'yung nakikita kong ano.

Question: So sinong magte-take over? Kasama ba 'yung vice?

Senator Binay: Ay hindi ko alam. Pero sabi ko nga 'di ba, naririnig na naman namin 'yung balita na may balak talagang ano eh, kung baga part nung Oplan Nognog is itong suspension dun sa kapatid ko. True enough, mas mabilis pa sa alas singko eh kung totoo nga na ano na nakakuha siya ng suspension.

Question: Madi-disrupt 'yung maayos na operation sa Makati City Hall...

Senator Binay: Ay siyempre. Kasi siya 'yung mayor, 'di ba, tapos ganun lang eh suspended na siya. So for sure magkakaroon kahit papaano ng disruption 'yan sa delivery of services. 'Di ko alam kasi, may kasama pa ba siyang ibang suspended?

Question: Twenty-two others...

Senator Binay: Twenty-two others. Can you just imagine 22 others na nagta-trabaho sa city hall eh masu-suspend kahit papano 'yung turnover ng trabaho. Hindi naman ganun kadali at kabilis 'di ba?

Question: ...Mabilis 'yung desisyon...

Senator Binay: Hindi ba obvious na obvious? Kasi 'di ba parang last week lang ang balita ay preliminary investigation tapos 'pag nakita ninyo 'yung history ng Ombudsman, bakit 'pag kunyari medyo kaalyado nila... may narinig na ba kayong nasuspend na ganitong kabilis? So for us, kung baga, kung may Oplan Exodus, may Oplan Nognog, 'di ba?

Question: Baka sabihin nila (unintelligible)...

Senator Binay: Pero 'di ba kung titingnan ninyo 'yung history din ng Ombudsman, laging ginagamit 'yan eh. Nung time ni President Arroyo, ginamit 'yang Ombudsman para ipitin 'yung ating Vice President. Tapos ngayon parang ganun pa din. So sabi ko, parang ganun pa din. (laughs)

Question: Did it come as a surprise?

Senator Binay: Hindi. Naririnig na naman namin ito eh. Na part of the Oplan Nognog is to suspend the mayor of Makati. Kasi akala nila 'pag nawala na 'yung kapatid ko dun eh sobrang mapipilayan kami.

Question: Susunod naman po sa order si mayor?

Senator Binay: Hindi ko alam kung ano 'yung ano eh. Siguro, baka nag-uusap sila nung lawyers niya. So I don't know. Dahil hindi ko pa nga siya nakakausap but you know with the, parang nangyayari ngayon, parang I wouldn't be surprised baka sa susunod ako naman ang ano, may effort na kung 'di ako, baka 'yung kapatid ko naman 'di ba? I guess ano eh, baka 'yung dun sa kabila, nakikita nila na kahit anong ginagawa nila ay hindi naniniwala 'yung mga kababayan natin so...

Question: Kabila?

Senator Binay: 'Yung ano, 'yung kabila. (laughs)

Question: (Unintelligible)

Senator Binay: Unang-una, 'pag dating doon sa ating Vice President, if you remember, he is an impeachable officer. Kaya nga nagugulat kami bakit ganito 'yung proseso, 'di ba? Kaya nga sa simula pa lang, 'di ba, sabi ko tingnan ninyo, 'yung kay Chief Justice Corona, 'yung naging proseso sa kaniya, 'di ba, naghain ng impeachment complaint tapos 'yung through the course of the 'yung hearing dito sa Senate parang dun sila, nung natanggal na siya, dun siya nakasuhan, 'di ba? Kasi nga impeachable officer siya. Pero parang sa ating Vice President, baliktad eh. Parang there's no impeachment complaint pero may effort na dun sa Ombudsman to investigate him...

Question: Sa Senate hearing may three more issues pa daw...

Senator Binay: 'Di ba nga nakakita kasi sila ng ano eh, parang medium kung saan parang free publicity and free airtime dito sa Senado.

Question: Pwede bang mag-cause ng gulo sa Makati kung paalisin sina Mayor Junjun Binay?

Senator Binay: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano 'yung nangyayari dun ngayon kasi nga nag-attend ako ng CA hearing so hindi ko pa nakakausap 'yung kapatid ko or even the Vice President, so...

Question: Do you think that this is the worst that could happen?

Senator Binay: Worst? For us, there's more. 'Di ba nga, may Oplan nga eh. So isa lang ito doon sa gagamitin nilang strategy doon sa Oplan Nognog. So, I think yung isang natutunan natin sa ating Vice President is that life is a constant struggle. And this is just one struggle na kailangang malagpasan namin.

Question: Pero Ma'am, magye-yield ba if ever yung brother mo kasi sabi nyo...

Senator Binay: Pagdating nun, I think kausap nya yung mga lawyers, yung mga legal remedies nya if he can get a TRO... Hindi ko alam kung pwedeng option yun eh.

Question: So, pwedeng i-angat sa Korte Suprema po?

Senator Binay: Baka... Hindi ko pa alam. So hopefully, magkausap kami and baka I can give you updates. Hindi pa ba siya nag-iissue ng statement?

Question: Wala pa po.

Senator Binay: Ah, wala pa. Okay.

Question: May hearing pa ulit bukas, Ma'am, eh.

Senator Binay: May hearing ulit? Oo nga, pati next week ulit. Nagugulat nga ako bakit hindi ba dapat today tapos nausog for tomorrow.

Question: (Unintelligible)

Senator Binay: Sana ganito sila kasipag noon sa iba pang dapat i-hearing ng Senado, di ba? Unang-una, for example, katulad nung Mamasapano. Buti pa nga sa Mamasapano, kahit papaano magkakaroon ng closure yung hearing, yung committee magkakaroon ng report. Eh itong sa amin, siguro hanggang filing sa October, Baka tuloy-tuloy yung hearing.

Question: Anong next steps ninyo, Ma'am?

Senator Binay: Ngayon? Hindi ko pa alam. Siguro, mag-uusap-usap muna kaming pamilya and doon sa mga abogado kung ano ang next step namin. Pero para sa akin, kung kailangan naming pagdaanan ito para lang mas makapagsilbi yung ating Vice President eh kaming mga anak nya is willing to go thru this over and over again.

Question: Thank you, Ma'am.

News Latest News Feed