Press Release
May 6, 2015

Bam on Pacquiao, PNR, Senior Citizens
(Radio Show Status Update)

On Mayweather-Pacquiao Rematch

Palagay ko, baka naapektuhan si Mayweather sa mga komento sa kanya. Ang lumabas po talaga diyan, si Manny Pacquiao handang lumaban, itong si Mayweather handang tumakbo. In fairness, marami namang nagsabi na nakarami ng suntok si Floyd pero pagdating sa puso ng taumbayan at pagdating sa tapang, siyempre po si Manny Pacquiao ang panalo.

On Additional P1.2 billion Pension Benefit for Indigent Senior Citizens

Iyong ating seniors citizens tama lang po na bigyan ng tulong, bigyan ng aruga, bigyan ng lahat ng kailangan.

Kailangan po na ang ating elderly at ating children, iyong tinatawag na vulnerable, dapat na nabibigyan ng tulong. Ngunit ito'y kailangang indigent.

On PNR's Operations

Ang railway system natin, gaya ng iba pang transportation systems, kailangan talaga ng matindihang pagpaplano, matindihang pagbabago.

In fact, nagkaroon tayo ng hearing dito noong mga nakaraang buwan kung ano ba talaga ang plano.

Inilatag ng DOTC iyong mga gagawing dagdag sa MRT, dagdag na railway at dagdag na highway. Nandiyan naman ang plano pero sana bilis-bilisan nang kaunti dahil kailangan ito ng taumbayan.

Pangalawa, ang Metro Manila talagang sumasabog na. Ang dami nang tao. Kailangan ang affordable transportation.

Isa ho iyang indicator na ang isang bansa ay talagang nagmo-modernize na, kung nagiging affordable at mas efficient ang kanilang transportation mechanism.

Isang blackeye ang PNR na ito na pansamantalang sinuspinde. Sana po bilis-bilisan nila ang pagre-repair.

Sana rin po ang taumbayan ay mag-cooperate kasi sabi ng PNR, nananakaw po ang mga riles.

Kailangan ho, on one hand, kailangang bilis-bilisan po ng gobyerno but on the other hand, ang taumbayan gawin ang kanilang parte at huwag po sanang nakawin.

Alam ninyo, ang ninanakaw niyong iyan, kung madiskaril at maraming maaksidente, kung ano pa po ang mangyari.

News Latest News Feed