Press Release
May 13, 2015

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Ano yung indication ng pagfreeze ng bank accounts ni VP Binay?

May nakita ang Court of Appeals ng prima facie na merong iligal na activity na konektado don sa paggamit ng mga account o monetary instruments. Hindi na ito simpleng alegasyon na may kinalaman lamang sa politika, para sa akin, dahil involved na ang isang ahensiya at korte pa ng pamahalaan kung saan dapat harapin at ipaliwanag ang bagay at isyung ito, hindi na pwedeng magtago na lamang sa simpleng politika ito at 2016 ito.

Covered ba ng confidentiality itong freeze order na ito?

Ang covered ng confidentiality ay impormasyon na nanggagaling sa bangko tungkol don sa mga accounts at monetary instruments at covered institutions, hindi covered ang mga kautusan ng korte mismo, hindi covered ang mga kautusan ng AMLAC mismo. Pero yung impormasyon na ibibigay ng mga bangko, ng mga covered monetary institutions, yon ang covered ng confidentiality rule ng AMLAC law.

So walang na-violate yung mga media entity na naglabas na ng...

Kung kino-quote lamang ay yung freeze order na nanggaling sa Court of Appeals, public instrument at public document yon, walang paglabag sa batas sa aking pananaw.

Sino ang dapat mag-announce ng breach of confidentiality, yung AMLAC o yung...

Hindi, sang-ayon sa batas pwede itong ireklamo ng kahit na sino dahil bawal, uulitin ko, pinagbabawal ang sinumang empleyado o opisyal ng bangko o monetary o financial institution na covered ng AMLAC na maglabas ng anumAng impormasyon na isusumite nila sa korte man o sa AMLAC, subalit kung ang impormasyon ay nanggagaling mismo sa korte o sa AMLAC, hindi ito saklaw ng batas.

May legal remedy pa na pwedeng (gawin) si VP Binay?

Meron. Ayon sa batas, pwede silAng magreconsideration, pwede rin silAng umakyat sa Korte Suprema dahil Korte Suprema lamang ang pwedeng mga isyu ng TRO laban sa Court of Appeals.

Can the VP cite the bank secrecy law?

Hindi, exemption maliwanag na probisyon ng AMLAC exemption ito sa secrecy of bank deposits law. Nakalagay sa AMLAC law na hindi mag-aapply ang secrecy of bank deposits sa paghingi ng impormasyon kaugnay sa isang imbestigasyong ginagawa ng AMLAC lalo na kapag ka may inisyu ng order ang Court of Appeals.

As a vice president ba pwede ba siyang imbestigahan, can he be sued, wala ba siyang immunity?

Kahit sino pwedeng imbestigahan pero yung isyu ng immunity of suit yon yata yung pending at question ngayon sa Korte Suprema bugso ng mga isinampang kaso ng Ombudsman. Hayaan natin ang Korte Suprema ang magresolba non. Ito kasi ang unang pagkakataon na nangyayari ito.

Sinabihan ka daw ni Senator Grace about her conversation with the President, may napag-usapan daw about 2016 plans?

Sinabi na nya yung kanilang pinag-usapan, mas maganda manggaling sa kanya yon, dahil pagdating sa akin, tulad din sa inyo, sinabihan din nya kayo, hearsay na lamang yon.

Ano yung napag-usapan nyong dalawa ni Sen. Grace? Yung plano nyong dalawa?

Wala. Wala kaming pinag-uusapan pang final na plano kaugnay ng 2016, hindi madaling desisyon yon, tulad na rin nang sinabi ni Senator Grace at hindi rin isang bagay yon na dapat minamadali, sa tama at takdang panahon, pagtakbo man o hindi pagtakbo, pagsuporta kaninuman, yon ay dapat pagpasyahan naming dalawa, o niya rin nang hiwalay, sa tamang panahon at hindi dapat madaliin yon.

Tatakbo kayo, sir, higher post?

Again, wala pa kaming plano, wala kaming usapan kaugnay non. Ako, wala pa ring aktuwal na desisyon o plano kaugnay sa pagtakbo sa 2016. Darating yon.

Mar-Chiz daw o Poe-Chiz?

Lahat yan tsismis lamang sa ngayon at lahat yan kuro-kuro, exciting lang siguro at marami nang excited sa 2016 elections, kaya lumalabas ang iba't-ibang kumbinasyon, pero hangga't wala pang nagpa-file, hindi pa final ang anumang lumalabas na balita sa ngayon.

Si Secretary Roxas magalang daw siya, pag-ini-introduce yung sarili nya Mar-Poe.

Matagal naman na siyang magalang.

May nag-aalok ba? Wala. Walang nag-aalok, walang kumakausap na pormal, puro lamang usapan sa coffee shop at tsismisan sa kanto.

Handa kayo kung magdesisyon si Senator Poe na maging running-mate kayo?

Obvious ba na hindi handa sinuman kaugnay ng 2016 elections dahil kakaunti lamang naman siguro yung may sapat na resources para magdesisyon na tumakbo nang wala ng kailangan pag-isipan pa o pagplanuhan. Sa kaso ko, maliwanag wala akong resources kaugnay ng pagtakbo sa 2016 elcetions kaya dapat pag-aralan nang husto.

News Latest News Feed