Press Release
May 13, 2015

Grace Poe interview transcript dzMM with Mr. Ted Failon

ON CARNAPPING

TED FAILON: Mga kaibigan, nasa linya po natin si Senadora Grace Poe! Magandang umaga, madam!

SEN. GRACE POE: Magandang umaga, Manong Ted at sa ating mga tagapakinig, magandang umaga!

FAILON: Ma'am, yun pong pagpapabigat sa kaparusahan po sa kaso po ng carnapping at carjacking ang tinalakay niyo sa Senado kahapon?

POE: Opo. Yan yung isang tinalakay natin sa ating kababayan, itong Anti-carnapping law ay noong 1972 pa. Iilan lang ang mga sasakyan noon at syempre mas lalo ring lumalakas ang loob ng mga kawatan. Kaya ngayon po ang jail term natin ay 20 years na and not more than 30 years pag wala namang violence or wala namang nasaktan doon sa carnapping. Hindi katulad ng 14-17 years noon. Tapos pag meron namang nasaktan, 30-40 years na ngayon ang pagkakakulong, noon kasi 17 years lang. At pag meron namang namatay ay yun naman ay life imprisonment na. Para sa ating mga kababayan, pag dinagdagan mo ng ilang dekada, ano pa ang direktang epekto nun. Ang direktang epekto nun pag may malakas na ebidensya na ikaw talaga yung gumawa ng carnapping, non-bailable na po yan. So pag nahuli po ang isang tao, hindi tulad ng ibang sindikato pag nahuli nakakapagpyansa agad dahil ito ay parang life imprisonment na po, non-bailable na ang magiging hakbang ng ating kapulisan.

FAILON: So basically Ma'am ano, kapag nag-penalty ng maximum, wala na ho itong piyansa?

POE: Wala po basta naka-30 years tayo.

FAILON: Opo. So Ma'am, tutal naman nasa proseso na kayo ng paghubog ng pag-amyenda baka makatulong ang naisipan ng tao na meron din pong karagdagang kaparusahan sa sino man pong nag-ooperate ng talyer na involved sa tampering ng mga chassis number, ng mga--alam nyo pag chop-chop na mga sasakyan na ito, para bang sa illegal drugs kapag ikaw ay nagmamay-ari ng bahay na naging den o kaya ikaw ang caretaker nun, kasama ka doon sa malaking pananagutan. Ito kaya maaari ninyong maisama sa inyong amyenda Ma'am?

POE: Actually noong nag-hearing po kami, isa po yan sa tinanong ni Sen. Lito Lapid dahil sabi nga nya sa lugar nila maraming ganyang chop-chop na parts. Sabi naman namin dito sa PNP, sabi nasa proseso ng paghubog, mag-submit ng kung ano ang makakatulong sa kanila para maka-identify ng parts. Kasi pag sinabi na general parts, maraming parts ang sasakyan. Napakahirap naman kung lahat ng maliliit na parte mate-teknikal tayo dyan. So yun mismong mga makina, halimbawa, na malaking bagay na dapat yung mga serial number kung ano mang number ng sasakyan. Yun po ay talagang tinitingnan natin kung papano natin magagawa para hindi malusutan ang ating batas. Ang isa pa po, Manong Ted. Yung sinasabi nga po, ito nga ang malungkot sapagkat marami, kahit ordinaryong manggagawa ang nag-iipon para makabili ng motorsiklo at doon po tayo talagang nagkakaroon ng pagkukulang...

FAILON: Mga Kapamilya ito ho'y napakaimportante kasi po alam nyo do ho ba dito sa pagdami ng kaso ng carnapping, carjacking, yung mga taxi driver na nakikinig ngayon sa atin, dapat din po maisama yan. Yung usapin na hinoldap ka na, kinuha pa yung auto mo, yung minamaneho mo. So ito hong mga bagay na ito ay napakaimportanteng pag-usapan ho para ho tayo'y makatulong din dito sa pagbuo ng bagong batas na ito. Alright ating balikan si Sen. Grace Poe. Go ahead Madame, naputol tayo dito sa kababayan natin natin na nag-iipon, umuutang para magkaroon ng sasakyan.

SGP: Opo. Nag-iipon. Tumataas ang insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo. At ang sinasabi nila, ginagamit po ang motor nito sa mga bangka sa ibang mga pagkakataon. Kaya nga po mayroon tayong representative galing sa Cavite at dun nga po ginagamit. At ang problema ang sabi namin... "bakit hindi puwedeng hulihin? "e, kasi po jurisdiction na yan ng marina," sabi ng PNP. Sabi naman namin, "Nakaw ay nakaw, kahit na nasa karagatan ka pa. Sabi nga nila e "kasi nga po nakarehistro sa bangka, yun po ay jurisdiksyon ng marina." Mayroon namang bayad o tip ang PNP...

FAILON: Kasi nga po mga kaibigan, yung nga pong usapin na mayroong nasa gobyerno na tumutulong sa mga kawatan na ito. Example, yung pong pagpaparehistro, ki-narjack yan, kinar-nap yan, chi-nap-chop yan, naparehistro. Dito ho, mga kaibigan, sa panukalang ito dapat isama na ang pananagutan ng sinumang taga-LTO na magiging kasapakat ng sindikato para ma-i-rehistro ang alam naman po nilang nakaw na sasakyan o motorsiklo. Ating balikan si Sen. Grace Poe. Okay, go ahead madam, doon po tayo naputol sa motorsiklong makina ginagamit pos a mga bangka.

POE: Opo, yun nga po ang sinasabi ni Mr. Diño. Siguro dapat ay magkaroon ng rehistro na ang makina ay nakasulat kung ano ang mayroon doon sa bangka. Narinig niyo ho ba ang sinabi ko na hindi mahuli ng PNP sapagkat ito ay jurisdiksyon ng Marina? Sa tingin ko malaking kalokohan yon. Ang PNP dapat kung mayrong basehan ay puwede kahit sa karagatan. Pero para maiwasan na yong mahabang proseso dapat may understanding na sila ng Marina. At ayoko din naman kasi na nagbabayad pa ng hiwalay na tip ang ating mga magsasaka sa PNP para lamang marehistro ang kanilang mga makina. Magulo pa po kasi ang proseso na yun.

FAILON: So, madam, baka pupuwede ho. Again, I humbly suggest po na maging comprehensive law ito kasama na nga po lahat dito maging ang pananagutan ng mga taong gobyerno. Oho, alagad nga po ng batas, sampol nga po LTO, na tutulong po sa sinumang sindikato. Para ang isang chi-nap-chop na auto ay mai-parehistro, ma-isyuhan po ng rehistro. Di ba ho yun ma'am aggravating circumstance, ikaw ay taong gobyerno... mga ganon pong bagay.

POE: Alam niyo... isa rin po yan sa sinuggest--na kung ikaw po ay kasapi ng gobyerno ay kailangan mas mataas ang inyong penalty. Ewan ko kung papayag sapagkat mayroong discrimination. On the other hand, dapat may administratibo na nakasulat ukol diyan. Kasi nga po ang LTO tinatanong namin, "meron na ba kayong nahuli na nakapagrehistro ng isang sasakyan na pagmamay-ari ng iba o nakaw?" Ang sagot po nila, "wala." Maniniwala ba naman tayo don? So, ibig sabihin po napakagaling na nang mga kawatan na ito o napakahina po ng ating sistema. Ang pinakamadali talaga diyan dapat balansehin natin talaga ang batas. E, talagang walang awa talaga. Ang kinukuha ay mga salarin tungkol sa carnapping na yan. Sapagkat, marami sa mga may sasakyan, marami pa diyan talagang nagbabayad pa sa bangko. Pag nagbayad ka pa sa insurance hindi ka na makakabili ng katumbas na sasakyan din.

FAILON: Opo. Kasi it's a necessity na magkaroon ng sariling sasakyan ang isang pamilya. Kaya nga po ang lahat nag-iipon para dito. Basically, ma'am ito ho ay isang comprehensive na batas na ang magiging sakop niya po ay motorsiklo, mga sasakyan, pati ho mga truck na kina-car-jack din. So pabibigatin din po ang kaparusahan tapos lalawak po ang mga taong paparusahan ang mga sangkot ditto. Lalo na ho kung ang mga sangkot dito ay sindikato na. Mayroon na hong conspiracy, madam. Yan po ang aming aasahan sa inyo pong ginagawang pag-aaral dito.

POE: Tama po kayo, manong Ted. Kaya nga po para sa ating mga kababayan...Kapag nababahala po tayo. Kasi po sa carnapping nakakalaya rin sila. Ngayon po...wina-warningan po natin ang mga nagbabalak na gumawa ng ganyan. Kapag naipasa ang batas na ito kapag kayo ay nahuli, hindi na kayo makakawala. Kasi yung iba nga sa plunder 'di ba. 'pag more than a certain amount, talagang nakukulong kaya natin nadadala sa hustisya. Ganun din po sa carnapping na sinusulong natin, wala nang bail dahil sobra na talagang ginagamit nila ang proseso para hindi sila makulong.

FAILON: Opo ma'am. Doon po sa punto madame ng ano... ng Anti-Fencing Law na kasalukuyan pong umiiral, ito po ba ma'am ay inyo na ring sinisilip? Panahon na po ba para ito ay i-update?

POE: Alam mo hindi kasama yan sa batas namin pero yun nga yung sinasabi ng Volunteers Against Crime and Corruption. Kasi kung wala ngang bibili, wala rin naming gagawa ng crime na ganyan. So ang Anti-Fencing po kasi napakalawak, iba-ibang mga bagay ang kasama diyan hindi lamang mag kotse so talagang kailangang silipin at kailangan nang i-amend at siguro para mas maging epektibo itong batas namin, ang interes ko dito para ma-amyendahan ay para hindi naman maging inutil kung sakali ibinebenta itong mga nakaw na mga gamit o sasakyan.

FAILON: Opo. Kasi ho ma'am kung may market, may ready-buyer, talagang ano no, aktibo ang mga carnappers na ito kasi nga may pagpapasahan sila. So ma'am, time-table ho nito? Meron ho ba kayong counterpart nito sa House para maipasa ito bago ho matapos ang kasalukuyang Kongreso?

POE: Opo, nagdo-double time kami ng trabaho sapagkat yung nasa House version po ay naipasa na nila so kung matatapos namin ito...andun din yung isang kinatawan ng Kongreso sa aming pagdinig kahapon, kapag napasa po namin...pero siyempre marami pa kaming natututunan, may mga idadagdag pa kami so sana yung bicam namin ay mas mapabilis. So umaasa po ako na sana bago kami matapos ng June ay maipasa ito. I-pepresent pa din po natin ito sa plenary so tingnan po natin.

FAILON: Opo, yes ma'am. How will you call the law ma'am? Comprehensive Anti-Carnapping Law? Papano po?

POE: Well our goal is to make it a comprehensive law, kasi ho ang problema kung marami ngang mga batas pero hindi naman enforceable ay balewala rin. Basta para sa akin ay kailangang matakot ang dapat matakot. Sabi nga nung isang editor ng Top Gear, balewala yan kung wala silang takot. So dapat ang isa sa kakatakutan nila bagama't magaling sila kung makatsamba't mahuli sila, hindi sila makakalaya. So yun po yung atin.

FAILON: Opo, opo. Okay ma'am thank you for your time ho. Ma'am baka ho magtampo yung mga nakikinig sa akin if I don't ask you this question, I hope you don't mind. Ma'am you may or you may not answer the question. Naiintindihan ko po yan. Dito ho ngayon sa usap-usapang ito na talks with the Liberal Party, ang akin po ma'am, I don't want to put you in a hotspot ano ho, o kaya in trouble, kailan o hanggang kailan ho kayo magdedesisyon, mag-iisip tungkol dito?

POE: Sabi po ng Pangulo, gusto nila sometime in June or at the end of June, basta by June meron na po silang naiisip na mga kandidato. Pero alam naman po natin na hindi naman agad nakikita kung ano ang pwedeng mangyari sa darating na mga linggo dahil marami pong mga konsultasyon yan eh. Sa ngayon po, ilang araw nang nakalipas, isang pag-uusap pa lamang at hindi natin alam sa ibaba kung gaano karami ang mga pag-uusap nila, so tingnan na lang po natin. Sabi ko nga po sa ating mga kababayan, malaking desisyon po yan at karangalan na may tiwala ang Pangulo at ginagalang ko rin bagamat marami na kaming pinagdaanan din. Sabi ko nga, I'm a principled ally of the president, kahit po meron kaming mga hindi pagkakaunawaan sa ibang bagay, iginagalang namin ang kanya-kanya naming trabaho. So ang desisyon ko po, hindi naman po sa kung anong partido, sa puntong ito, ang tanong pa lamang ay sasabak ba ako diyan o hindi, sapagkat mahirap din po ang pinagdaaanan ng aking ama. Mahal po niya ang ating bayan at mahal ko rin, pero kinakailangang makita kung sa paanong paraan ba talaga ako makakatulong kung ako ay sasabak diyan dahil ang problema natin talaga ay kahirapan.

FAILON: Kasi ho yan talaga ang unang katanungan dapat eh, bakit ba ako tatakbo? 'Di ba ma'am?

POE: Tama po.

FAILON: Kasi ho ngayon ma'am may mga tatakbo sa pagka-senador for example. Bakit ho tatakbo sa pagka-senador? Kasi, wala siyang matakbuhan na. Alam niyo ho yun? Yung para bagang convenience lang na meron siyang takbuhan na posisyon? You know what I'm saying? Kasi ho talagang ang tanong ho, bakit ba, for example, bakit ba ako tatakbo bilang presidente? Ano ba mithiin ko? Ano ba adhikain ko?

SGP: Alam niyo Manong Ted, may mga nagsasabi sa akin "eh sumabak ka na diyan dahil kapag natalo ka naman babalik ka rin sa Senado." Hindi yun eh, alam niyo, paano ka talaga makakatulong? Yun ang iniiisip mo. Ano ba yung gusto mong gawin? Ano ba yung plano mo sa bayan? Alam niyo po yung iniisip ng iba, ah babae yan. Siguro the least of their worries sa akin na magiging mahina ako, hindi ko alam kung magugustuhan niyo ako sapagkat istrikto po ako. Eh alam niyo naman ho pagdating sa executive...baka hindi pa nila masyadong alam pa yung aking pagkilos pero siguro ay obserbahan na lang nila yung mga nagawa ko noon. Hindi po transactional para sa akin ang isang pagiging pangulo.

FAILON: Yes ma'am, maganda rin sigurong punto ho na pag-isipan ninyo n,o kung saka-sakali po na nasagot na ho ninyo kung bakit ba ako tatakbo? At ano ba ang adhikain ko? At kung ako nga po ay tatakbo, ano bang paraan para ako manalo? If I run, I run to win. Ako ba ay tatakbo sa pamamagitan ng tradisyunal na paraan? O panahon na para sa isang paraan na bago na hindi ko na kinakailangan pa ng mga trapo sa isang partido?

POE: Syempre isa rin po yan sa talagang napakalaking konsiderasyon at gusto ko rin pong sabihin Manong Ted, kahapon, sa isang texter ninyo na sabi 'wag nang sumama dun, basta tulungan nalang ako sa funding ng aking kampanya.' Maraming salamat sa pag-iisip na ganyan, talagang importante talaga ang konsiderasyon o tulong ng mga ordinaryong mamamayan. Dapat talaga ang utang na loob ay sa kanila.

FAILON: Yes Ma'am. So hindi ko na po muna hahabaan pa po itong usapin na ito. Ayan naputol na nga po tayo... Kung saka-sakali pwede mong balikan para sa mga closing words coming from the senator dito sa puntong ito...crucial moment, ano, sa isang indibidwal na nataon po naman na rumerehistro po sa mga survey-survey na ito at inaalok nang kasalukuyang administration party. Alright so atin po lamang dinggin ang ilang pananalita mula kay Sen. Grace Poe sa puntong ito. Kahapon po yata nakikinig sa ating programa si Sen. Grace Poe doon sa may mga nagtetext na willing daw hong magcontribute para sa kanyang kampanya kung saka-sakali daw na sya ay magdesisyon. Atin po lamang hingan ng parting words si Madam Senator, again Ma'am hindi ko po hahabaan na ang ating diskusyon, marami pa hong panahon na darating. Ang amin lang pong dalangin Ma'am may you find wisdom and discernment.

POE: That's the best way as of now sir.

FAILON: Opo. Ano po ang inyong mensahe sa ating kababayan?

POE: Sa ating mga kababayan, talagang dasal, hindi lang po ito sa pagsasalita. Talagang kailangang humingi ng tulong sa Maykapal sapagkat ang ating mga hinaharap na kailangang gawin ay napakalaki. Marami sa ating populasyon ang hindi pa nakakaramdam ng tunay na pag-unlad bagamat marami ring nagawa ang ating administrasyon, talagang maraming kakulangan. Tulungan po ninyo na ang tamang kandidato, hindi lang po na ako, pero kung sino ang tama yun ang manaig. Salamat po Manong Ted at sa lahat ng nakikinig.

FAILON: Senator, again thank you Ma'am and God bless you more.

News Latest News Feed