Press Release
May 18, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Sen. Grace Poe: Unang-una, ang proseso ng desisyon, diba? Wala pa naman tayo sa punto na matutuloy tayo, pero yung nasabi na Poe-Escudero...Hindi naman maipagkakaila na mahaba na ang pinagsamahan namin, 2004 pa lang magkasama na kami sa tatay ko. Marami na siyang napatunayan sa paninilbihan sa gobyerno.

Question: So, mas kumportable kayo doon kay Sen. Escudero? Kung saka-sakali?

Poe: Kumportable ako kay Sen. Escudero pero hindi naman lamang yun ang magiging basehan kaya...Unang-una, pareho kaming walang partido.

Q: Doon sa lumulutang na tandem, kayo daw po ang for president. Ang magiging vice ay sina Mar o Chiz...

Poe: Hindi ko rin nga alam, eh. Sabi nga nila, mga sinasabing panliligaw, sana tunay na pag-ibig iyan. Parang hindi naman tayo nakakasiguro kung tunay ba iyan o hindi.

Q: Bakit hindi?

Poe: Hindi rin naman natin masasabi kung ano ba talaga ang intensyon ng iba...Basta para sa akin, ang importante ay masagot ng sino man na magkakandidato kung papaano ba talaga sila makakatulong sa bayan. Yun ang kailangang mabuo sa isipan at kalooban ng isang kandidato.

On Citizenship

Q: Dahil po ba dalawa ang passport ninyo kaya hindi kayo makagawa ng desisyon?

Poe: Ito ang gusto kong linawin. Unang-una, itong issue ng citizenship na natapon na rin kay FPJ noon. Hindi ako maglalakas-loob na tumanggap ng posisyon sa gobyerno, sa MTRCB pa lang, kung hindi ako kwalipikado at hindi ako Pilipino. Malinaw po sa mga dokumento, hindi po ito tagong yaman. Ito po ay mga dokumentong naisumite ko na sa mga ahensya na pwede ninyong busisiin. Hindi ko naman po tinatago ang naging buhay ko--na ako'y nanirahan sa ibang bansa, natuto kung papaanong mamuhay. Kaya, doon sa mga nagkukwestyon, hindi po ako tatakbong senador kung ako po ay dual citizen. At hindi po ako maninilbihan sa MTRCB kung ganoon din po.

Q: So, sa makatuwid po, ma'am, hindi po kayo naging American citizen?

Poe: Ako'y naging dual citizen noon, but I had to give it up. Kinailangan kong isuko iyan. Pinapayagan natin ang dual citizen dahil nakikita natin na maraming OFWs na tumitira sa ibang bansa, pero may pagmamahal sa bayan at kailangan pa ring bumalik dito. So may dual citizen. Pero ang kondisyon niyan, kapag ikaw ay maninilbihan sa gobyerno, sa ano mang posisyon, kailangan ay isuko mo kung ano man ang naging isa pang citizenship mo.

Q: Pero, ma'am, ang requirements ng kKonstitusyon sa presidency ay natural born citizen.

Poe: Tama, tama. At ako ay isang natural born citizen.

Q: Ma'am, sinabi ng mga legal luminaries, na kapag nagkaroon ka ng American citizenship, parang in-abandon mo na ang iyong natural--

Poe: Hindi po totoo iyon sapagkat ang dual citizenship law na sinulat mismo nina Sen. Drilon at ng iba pa nating kasama dito--kung ano man ang iyong citizenship prior to your dual citizenship status, pag na-renounce mo iyon, you will revert back to your original status--which is natural born.

Q: So kung nagpupunta man kayo sa America ngayon, ang status ninyo is as a tourist or in an official visit?

Poe: Yes. In fact, pwede kong ipakita ang visa ko. Magmula nang tinanggap ko yung sa MTRCB, kinailangan ko nang kumuha ng visa papunta sa America. Ang America mismo, sinasabi, hindi mo kailangang i-give-up iyan. Sabi ko, batas namin ito. At bakit ako bumalik ng Pilipinas? Balikan natin ang istorya na iyon--2004. Ang nangyari sa tatay ko. Isang madilim na kabanata--hindi lamang sa personal na buhay namin, kundi pati dito sa ating bansa. At nasabi ko nga, kung kailan mahirap para sa aming pamilya, kaya nga ako bumalik dito, sapagkat dapat kong ipagpatuloy kung ano man yung pinaglaban ng tatay ko. Na dapat magkaroon ng electoral reforms, at kung ano-ano pa.

Q: Doon sa isyu ng Constitution, ang natural born citizen...Ang ibig-sabihin ba noon, wala kayong ibang gagawin? Wala kayong ipo-produce na dokumento? Basta dito ako ipinanganak sa Pilipinas?

Poe: Tama.

Q: Pero, kayo ma'am. Nagkaroon kayo ng dual citizenship. Mayroon po ba kayong inasikasong mga dokumento para ma-revert back sa dati?

Poe: Kasi to revert back to Filipino citizenship, ire-renounce mo lang yung US citizenship mo. Yun lang ang ginawa ko. But, yun kasi ay condition ng Dual Citizenship Law. Hindi iyon to-reacquire Philippine citizenship kasi it reverts back to that automatically.

On 2016

Q: Ma'am, kung kumportable na kayo kay Sen. Chiz Escudero, where does that place Poe-Roxas possibilities?

Poe: Hindi ko naman alam. Unang-una, sinasabi nga nila sa LP na kinokonsidera nila na choice si Sec. Roxas. Ayaw ko namang pangunahan maski na sino. Parang ang yabang ko naman para sabihin na ako ang mauuna at sila ang vice president. Pinag-uusapan pa iyan. Mayroon silang partido, kami wala kaming partido, nasa imbitasyon lang iyan, at sa ngayon sinabi ko nga na wala akong desisyon pa.

Q: If ever they ask you, would you tell them Sen. Chiz is your preference?

Poe: There are many reasons why a party will perhaps decide for a running mate. Importante, pinagkakatiwalaan mo ang running mate mo. Pangalawa, siyempre, kailangan din na kung ano man ang magiging desisyon ng grupo na susuporta, iyon ang mananaig. Pero hindi ko nga ipinagkakaila na kahit noong 2013 elections, kami ni Sen. Chiz ang magkasama na nag-iikot. Tinulungan niya kami na makipaglaban noong panahon pa ni FPJ, siya ang spokesperson ni FPJ...Kaya matagal ko na siyang nakilala at nakasama. Pareho silang mabait ni Sec. Mar, pero hindi naman maipagkakaila na mas matagal ko nang nakasama si Sen. Chiz.

Q: Napag-usapan niyo na po ni Sen. Chiz yung pagtakbo?

Poe: Siyempre nagkakantyawan lang minsan, kung sakali. Sabi ko nga matagal na kaming nag-ikot nung 2013, magkasama na kami. Pero sa ngayon ibang level ng pagtakbo ito. Unang una wala naman kaming parehong partido.

Q: Wala pang serious discussion dun sa possibility na Poe-Escudero?

Poe: Marami nang grupo na nagtutulak ng ganyan. Hindi ko naman pinagkakaila pero yung diskusyon talaga na, "o ito ha, tatakbo ka na ng ganito," wala pa.

Q: Nag-express na kasi ng openness si Butch Abad, hindi ba siya magiging consideration the fact na isasacrifice si Mar para piliin mo siya...

Poe: Hindi ko nga alam kasi unang una independent nga ako e, kung saka-sakaling maghahayag sila ng suporta at kung matuloy man ako, siyempre kahit sino namang kandidato ay magpapasalamat sa suporta. Pero yun nga, yung kanilang desisyon sa LP, sa kanila iyon. Hindi naman ako pwedeng makihalo at makialam din.

Q: Hindi rin sila pwedeng mag-negotiate sa iyo?

Poe: Pwede naman nila akong kausapin pero para sa aking sariling desisyon, siyempre kung ano yung kumportable para sa akin, may pinagkakatiwalaan, at isa pa kung matutuloy man ako.

Q: Anong take ninyo sa sinabi kahapon ni VP Binay na yung call niya sa Filipino voters to support the candidacy of only experienced and competent candidates?

Poe: Alam mo totoo, tama naman siya. Kailangan may karanasan at kakayanan pero higit sa lahat, siguro, katapatan. Alam mo sinuportahan nila noon si Pres. Cory na ang unang qualification ay pagiging tapat. Sa tingin ko naman hindi sa haba ng serbisyo ang kailangang batayan kundi ang kalidad ng serbisyo at katapatan.

Q: When you say katapatan...?

Poe: Sinasabi ko, this is a general qualification. Para sa lahat ng kakandidato. Kaya nga po nung tinatanong ako about my citizenship, pinapakita ko sa inyo, hindi ko naman pinagkakaila na tumira ako doon. Para sa ating mga kababayan, ang tunay na Pilipino ay nasa gawa, pamumuhay ng marangal at paninilbihan ng tapat.

Q: Do you think Binay has the quality? Honesty?

Poe: Para sa akin, mapapatunayan niya iyan kung magpakita siya at i-explain niya ang mga paratang laban sa kanya. Hindi lamang yung mga tagapagsalita niya. Kasi kahit ako, hindi maipapagkaila na may pinagsamahan kami pero hindi din namin siya nakakausap tungkol dito. Gusto rin naming malaman, kaya nga ang hirap din mag-attend ng hearing na yung mismong pinaparatangan ay hindi sumasama kasi para bang nagsasalita ka sa likod ng taong iyon. So para sa akin, ang huhusga niyan ay ang mga katibayan at ang ating mga kababayan. Sa pagkakataon din, kung talagang kailangang magkaroon ng katarungan, sarili mo lang ang makakapagbigay ng unang hakbang para makamit mo ang katarungan.

Q: Ma'am naimbestigahan na ba kayo ng AMLC in your life as a public servant?

Poe: Alam mo hindi pag-aaksayahan ng AMLA yung aking account dahil unang-una, baka maawa pa sila sa akin (laughs). Mga P500,000 per transaction ay bihira tayong umabot doon. Pero malinaw naman sa akin, kahit yung mga ganyan. Bukas naman tayo, hindi nga tagong yaman yung issue sa amin pero pagkakataon ng kahit na sino kung may tanong. Kaya nga sinuportahan natin ang Freedom of Information Bill. Para makita na nga kung ano ba ang kailangang makita.

Q: Ma'am feeling nyo kaya sinabi yun ni Binay dahil threatend na siya sa inyo?

Poe: Alam mo hindi ko naman ipagkakaila na kumpara sa marami sa kanila, maikli lang ang karanasan ko sa gobyerno. Maaaring ako, maaaring hindi, pero yung kasagutan ko nga, simple lang, kalidad ng serbisyo, katapatan, kasama na rin ng paglilingkod ng magaling.

Q: Nung sinabi ni VP na kailangan may experience, you second the statement?

Poe: Ang simpleng sagot lang diyan ay kung ikumpara sa kanya, maikli lang ang oras ng aking paninilbihan pero hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, sa ikli ng panahon na nasa gobyerno ako ay sinikap ko namang gumawa ng marami para makatulong lalo na sa mga pinakamahihirap nating mga kababayan na naaapi at hindi nadidinig.

News Latest News Feed