Press Release
May 19, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with
Senate President Franklin M. Drilon

Q: Dumating na po ba sa inyong tanggapan itong pagpapa-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee sa 17 na nauugnay diumano kay Vice President Binay?

SPFMD: Dumating na kagabi, wala na ako sa opisina nung dumating kaya ngayong umaga, aking titingnan at sa palagay ko pipirmahan natin, dahil iyan ay pagpapatupad lamang ng contempt case, a citation for contempt na pinagpasyahan kahapon ng Blue Ribbon Committee. Kaya mamaya, pagbalik ko sa opisina, akin pong pipirmahan ang order of detention nitong labing pito na nagbalewala sa summons ng Senado.

Q: Labing apat yung bago, may tatlong una na-contempt, so labing pito lahat. May detention facility ba diyan sa Senado?

SPFMD: Hindi ko pa ito masagot, hindi ko pa natatanong ang aking sergeant at arms, ngunit gagawan po natin ng paraan na ma-accommodate lahat sa maayos na kalagayan itong 17 na-cite for contempt. Importante po ito na maipakita natin na dapat sumunod at tumupad doon sa subpoena ng senado, otherwise kung hindi po natin ginawa ito, wala na pong susunod sa mga mga subpoena at hindi po namin magagawa ang aming trabaho dahil ang mga resource persons ay babalewalain ang lahat ng pagpatawag ng senado.

Q: Sir, yung imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Subcommittee sa pamumuno ni Senator Koko, nasa dalawampung hearings na sila sa mga issue ni VP Binay. Nanganganak yung mga issue na yun, kalian po ba maglalabas ng Committee Report?

SPFMD: Ang pagkakaalam ko, maglalabas ng partial committee report sa mga susunod na araw, hindi ko alam kung kalian, but yun po ang report sa akin at ito pong imbestigasyon na ito, palagay ko matatapos na rin at sabi dalawampung hearing na ang nagaganap, at sa palagay ko meron nang sapat na testimony at documentary evidence upang makagawa ng report.

Q: Hinamon po ninyo si DILG Sec. Mar Roxas na maghayag nan g kanyang intensiyon kung nais niyang tumakbo sa 2016 elections. Ano ang kahalagahan nito?

SPFMD: Maraming nagtatanong hanggang ngayon, ang inyo bang presumptive candidate na si Mar Roxas ay tatakbo? Sabi ko, oo, tatakbo yan. Eh bakit hanggang ngayon, wala siyang sinasabi? Sa akin, dapat nang ipahayag ni Secretary Mar Roxas kung tatakbo siya, at sa aking tingin, siya naman ay tatakbo, at ipahayag na niya kung siya ay magpre-presenta sa 2016 bilang kandidato sa pagka-pangulo at sa palagay ko naman ay importante yan, dahilan ay sa ang pag-endorso ng presidente, ay yung kumportable siya na ituloy ang mga reporma na naumpisahan ng pangulo nuong 2010 at marami na pong nagawa ang pangulo na reporma, ngunit hindi pa po tapos, kaya dapat po may continuity ng reporma at sa aking tingin, ang deklarasyon ng pangulo, dapat doon sa kanyang tingin na makaka-continue at makakapagpatuloy ng kanyang reporma.

Sa akin lang, dapat ihayag na ni Mar Roxas na siya ay may intensiyong iharap ang kanyang sarili sa taong bayan sa 2016 sa pagkapangulo.

Q: Sa inyo bang pananaw sir, galing mismo sa loob ng Liberal Party ang standard bearer ng administrasyon?

SPFMD: Sa akin, ang preference ko ay manggagaling sa partido dahilan sa we have enough qualified people ngunit ang opinion ng pangulo at the end of the day, siya po ang aming chairman, siya po ang leader, kung kung ano ang tingin ng pangulo, ngunit ang pinaka-importante, ang kanyang i-eendorse, ay yung sa kanyang tingin, ay makakapagpatuloy ng kanyang repormang inumpisahan ng 2010. Marami na pong nagawa, marami na pong kabutihan sa bansa ang kanyang repormang tuwid na daan. Lumago ang ating ekonomiya. Ang ating anti-corruption drive ay nagbunga na, marami ng, meron pong may nakulong na. Marami na tayong investment sa social services, sa edukasyon, naitaas po natin ang ating buwis sa pamamagitan ng Sin Tax, ito po ay napunta sa ating health sector. Marami na pong na-eenroll sa Philhealth.

Kaya po sa aking tingin, itong mga repormang ito ay dapat ipagpatuloy at kung sino ang makapagpatuloy, the best judge po nito ay ang pangulong Noynoy at sa aming tingin, dapat si Mar Roxas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nga nagdedeklara ang Secretary Roxas kaya sa aking tingin, kung ako ang tatanungin, ay dapat pong magdeklara na ang Secretary mar kung siya ay tatakbo sa 2016.

Q: Hindi po ba ninyo iko-consider ang Presidential campaign sa 2016?

SPFMD: Tayo po ay pwedeng manungkulan sa ating bansa, sa kahit anong capacity, at meron pa po tayong isang term bilang senador, akin pong ipagpapatuloy ang trabaho sa senado. Sino man ang magiging pangulo na magpapatuloy ng tuwid na daan.

Q: Bilang dating justice secretary, ano po ang tingin ninyo sa sinabi ni Atty. Harry Roque, na may immunity daw itong si VP Binay?

SPFMD: Medyo mahirap pong tanggapin ang ganung klaseng position dahil sa ating sinusunod sa demokrasya, tayo po ay pantay-pantay sa ilalim ng batas. Mayaman ka man o mahirap, makapangyarihan o pangkaraniwang mamamayan, kung tayo po ay may pananagutan sa batas, dapat tayo ay pasasagutin. No one is above the law. Under the theory of Professor Harry Roque, kung ikaw ay nagnakaw, basta impeachable official ka, hindi ka pwedeng sampahan ng kaso. Ako po ay hindi sang-ayon diyan at yan po ay labag sa ating basic principle of justice dahil lahat po tayo ay pantay-pantay sa ilalim ng batas. Kung tayo po ay nagkasala, dapat po may pananagutan tayo. No one is above the law.

News Latest News Feed