Press Release
May 28, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
After the speech at the AVON Event, PICC

Question: On UNA and LAKAS...

Poe: Ni hindi man lang ako kinausap o ipinatawag...

Q: Would it have made a difference kung kinausap ka nila ng maayos?

Poe: Ako naman po ay magbibigay galang. Kung ano man ang mga pwede naming pag-usapan, pero para sa akin, hindi naman po isang transaksyon lamang ang usaping kandidatura. Kasi dapat magnilay-nilay ka sa sarili mo, kung ano man ang magagawa mong pagtulong sa mga kababayan, yan ang dapat na katanungan. Hindi mo dapat prayoridad kung ano ang dapat mga tandem, o ano bang mga partido--Ang unang-unang konsiderasyon ng isang kandidato ay kung ano ang magagawa para mas mapabuti ang pamumuhay ng mas marami naming kababayan.

Q: On Binay and Erap...

Poe: Hindi ko naman makakalimutan na kaibigan sila ng aking tatay, at tinuturing ko rin namang kaibigan. Pero, sa aming trabaho at responsibilidad sa bayan, siyempre kailangan din nating isipin kung hanggang saan ang pagkakaibigan at saan tayo mag-uumpisa sa ating responsibilidad. Kaya nga po, kahit napakasakit ng isang desisyon, kailangan kong gawin sapagkat iyon po ang aking sinumpaang tungkulin--kung alin ang sa tingin ko ay tama, yun ang susundin ko.

Q: Ma'am, whenever you consult with your mom, ano po ang pinapaalala niya sa inyo?

Poe: Ang pinapaalala niya sa akin ay simple--pagbutihan mo ang trabaho mo, wag mong kalimutan ang alaala ng tatay mo na sa trabaho mo, ang pinakamahihirap ay tulungan mo; at maging patas ka.

Q: Meron po ba siyang konting advice kung saang party dapat?

Poe: Wala naman. Basta ang sabi niya, "Anak, sa ano mang sitwasyon, kailangang maging handa ka. Kailangan wag kang papasok basta-basta, at kailangang tingnan mo kung ano ang magagawa mo para mapabuti mo ang isang sitwasyon."

Q: Kailan niyo po planong i-announce ang plans ninyo for 2016?

Poe: Sa ngayon po, ang iniisip ko pa sakali mang matutuloy, ano ang magagawa ko para makatulong. Dapat yun po ang una, pinag-aaralan ko pong mabuti sapagkat nakakabwelo na tayo sa laban natin sa korapsyon. Pero hindi pa kumpleto, kailangan pong ipagpatuloy iyan, pero ang pinaka-importante ay mga programa para sa mga mahihirap at saka yung ating problema rin sa kawalan ng proteksyon sa ating mga kababayan.

Q: How does it feel po na dalawang partido ang nag-aagawan sa inyo?

Poe: Ayoko namang magmayabang na ako ay pinag-aagawan. Hindi po ganoon. Kaya nga po dapat hindi nakatutok sa pagta-tandem, talagang dapat ang katanungan ay kung ano ang magagawa mo at yun ang dapat itanong natin sa ating mga sarili.

Q: Ma'am, nagpa-interview po si Atty. JV Bautista sa Senado. Ang sinasabi niya, ginusto sana ni VP Binay na tumakbo ka with him pero not with LP because the people who cheated your father are now in LP.

Poe: Alam ninyo, ayoko nang sumama pa ang sitwasyon. Pero, siguro ay dapat magisip-isip sila bago magsalita dahil mayroon silang mga ka-alyansang pinakasangkot sa pandaraya at kasama nila ngayon.

Q: So, parehong sa UNA at sa LP? [laughter]

Poe: Kaya nga po ang sinasabi ko ay ito. Kung saan man, kung tutulungan ako ng mga partido, maraming salamat. Pero kailangan na ma-mintina ang pagiging independent. At least sa panahong ito, sapagkat mahirap kung nabakod ka ng isang partido dahil ang layunin mo talaga dapat ay sa mga taong naghalal sa iyo. Yun lang naman po. Hindi po ako nagmamalaki--ang sinasabi ko, mataas ang aking paggalang sa ating Pangulo, pero ang partido mo ay binubuo ng iba't ibang tao na hindi mo naman mapipili. Kaya nga po, maganda rin na samahan mo ang mga tao o indibidwal na sa tingin mo ay mayroong mabuting maidudulot sa iyong liderato, kung saka-sakali.

Q: When is your next meeting with the President?

Poe: Hindi kasi ako pinatawag ulit, so hindi ko alam.

Q: Ma'am, nabanggit din ni VP Binay na dapat po doon kayo maki-alyansa sa mga kaibigan ng father ninyo, including sila mismo.

Poe: Alam mo, may mga kaalyado naman ako na tumulong sa tatay ko hanggang ngayon. Si Sen. Chiz hanggang ngayon kaibigan at kasama ko. Si Sen. Tito Sotto, bagamat siya ay oposisyon, nagsabi naman iyan na magkasama kami. At marami pang iba. Ngayon, sila, ganoon din siguro. Mga kasama namin noong 2004 at nagpapasalamat ako sa kanilang paniniwala at pagtulong noon, pero tingnan din natin ang mga pinagkikilos nila pagkatapos noon. At, unang-una, ang responsibilidad sa bayan ang dapat mangibabaw.

Q: Sabi kasi ni Erap yesterday, kahit nag-refuse ka na raw, patuloy ka pa rin daw niyang liligawan. How do you feel about it?

Poe: Alam mo naman ang ninong ko, minsan binobola rin ako nun eh.

Q: Anong ibig sabihin 'nun, ma'am?

Poe: Kasi ako, naniniwala ako na hindi dapat pumili base sa pagkakaibigan o sa pagiging magkapamilya. Pero nandoon ang aking paggalang sa kanila. Nandoon ang aking pasasalamat. Pero, mangigibabaw talaga dapat ay ang layunin natin para sa ating mga kababayan. Yun na lamang po.

Q: Mayroon bang kailangang gawin ang LP or ang UNA para ma-attract kayo, para in the end, kayo ay sumanib sa kanila?

Poe: Alam mo, noong 2013 naman, nag-coalition kami. Maganda ang naging halimbawa noon sapagkat makikita ninyo sa Senado, bagamat ako'y naniniwala sa mga programa ng Pangulo, marami doon, kinailangan ko ring gawin ang aking trabaho. Dito sa Mamasapano hearings, kailangan nating maging patas. Nakikita din natin, koalisyon din nila ang Nacionalista party. Pero may mga hakbang din ang Nacionalista party na hindi na parehong-pareho doon sa Administrasyon ngayon. Importante rin kasi na magkaroon ng balanse. Kung ang lahat ay sa partido lamang sasang-ayon, papaano naman ang interes ng mga kababayan natin kung ito ay salungat sa layunin ng isang partido.

Q: Doon po sa meeting ninyo with Mar Roxas, ano po ang direktang naging tanong niya? Kung pwede kayong maging running mate?

Poe: Hindi naman. Nagkita kami, informally, ang ga pahiwatig niya...Siguro, para huwag nalang pong ma-misinterpret, siya na lang po ang tanungin ninyo.

Q: Thank you, ma'am.

News Latest News Feed