Press Release
June 9, 2015

Transcript of DZRH interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Si Secretary Roxas at Drilon na ba ang tandem ng LP?

SPFMD: Bakit gusto mo ba iyan (laugh)?

Q: Aba siyempre, malakas iyan (laugh).

SPFMD: Wala pa pong pinag-uusapan tungkol diyan. Amin pang hinihintay ang basbas ng pangulo na darating siguro pagkatapos ng kaniyang SONA.

Q: Sabi po nila ngayon pa lang dapat pulsuhan na yung mga kandidato?

SPFMD: Tama po iyan. Pulsuhan natin. Mayroong sapat na panahon para matingnan natin yung kwalipikasyon ng susunod na pangulo ng ating bansa. Para sa akin po, ang titingnan natin yung background - kung iyon ba ay karapat-dapat na mamuno sa ating bansa. Hindi lang po yung rating. That is only the perception of the public for a particular period. Hindi lang po iyon ang dapat na maging batayan. Iyan po ang tinatawag nating electability for a particular period. Ngunit, mahaba pa po, isang taon sa pulitika. Sinasabi nga nila na masyadong mahaba ang isang linggo para sa pulitika. Kaya aking hinihiling sa taumbayan na pag-aralan po natin ang kwalipikasyon ng bawat kandidato at atin pong bantayan kung sino dapat ang ating piliin.

Q: Sino po ba ang pinamimiliang running mate ni Mar Roxas?

SPFMD: Kung alam ko po, kayo po ang unang makakaalam. Ngunit sa ngayon po ay hindi pa napag-uusapan yan. Siyempre, natural naman siguro na ang pag-uusapan ay ang pagpapalakas ng partido para pagdating ng panahon ay malakas na ang makinarya ng partido.

Q: Ano naman po ang accomplishment ng Senado?

SPFMD: Kagabi ay natapos na yung anti-trust law. Sa ngayon po, yug mga monopoly at yung mga kontrata na nagbibigay ng undue advantage at monopoly sa negosyo, iyan po ay umiiral na walang sapat na regulasyon at parusa. Sa Amerika po, ating nababasa yung anti-trust prosecution nila at yung pagbabawa ng price fixing para po sa kapakanan ng industriya sa bansa at mapalago ang ating ekonomiya. 25 taon na po iyang nakabinbin sa Kongreso at ngayon lamang po maipapasa.

Q: Sa issue po ng econoy, sinasabi ni Speaker Belmonte na kailangan ng Cha-cha.

SPFMD: Sang-ayon po ako sa sinasabi ni Speaker Belmonte. Ang ating babaguhin po ay yung pamamaraan na mababago ang ating polisiya. Hindi po natin binabago ang Saligang Batas in terms of the substance. Halimbawa po, sa ngayon bawal ang mga dayuhan na mag-ari ng lupain. Bawal pa rin po iyan kahit na may Cha-cha. Ang ating pong sinasabi ay atin itong pagdebatehan at baguhin sa pamamagitan ng isang batas. Ang amendment lang po ay yung paglalagay ng "unless otherwise provided by law."

Q: Sa cabotage law naman po?

SPFMD: Sa ngayon, mas mahal ang shipping ng bigas mula Manila papuntang Davao, kaysa yung Manila hanggang Thailand dahil mahal po ang inter-islands shipping natin. Iyan po ay dahilan sa may monopoly ang ilang kumpanya tungkol sa domestic shipping. Iyan ay binubuksan natin na bigyan ng karapatan lahat ng negosyante na mag-inter islands shipping kahit sa mga dayuhan para po magkaroon ng kompitensya at maibaba yung presyo ng shipping rates at maibaba yung presyo ng mga bilihin.

Q: Sang-ayon daw po kayo sa ihahaing substitute bill ni Senator Marcos?

SPFMD: Ako ay bukas doon sa bagong version na siyang maglalagay sa tama ng mga provision na sa aming tingin ay medyo taliwas sa Saligang Batas. Ako suportado ko ang kaniyang karapatan na pag-aralan nang husto ang BBL, at kung ano sa tingin niya ay labag sa Saligang Batas ay babaguhi, at pagdedebatehan po natin iyan.

Ang importante ay maipasa, at siguro naman ay hindi aabot ng end of the year iyan. Ang pangako naman ni Senator Marcos ay isusumite niya ito sa pagbabalik ng session sa Hulyo.

Q: Ano po ang sa tingin ninyo doon sa pahiwatig ni Pangulong Aquino na maari siyang tumakbo ulit sa halalan?

SPFMD: Sa akin po, kapag nagging pangulo ka na. Iyon na po yung pinakamataas na regalo ng ating bansa. Siguro kapag natapos na iyon ay maaari ka nang magpahinga at maging isang statesman, at pagbigyan yung iba na mamuno ng ating bansa.

News Latest News Feed