Press Release
June 10, 2015

GRACE POE dzRH INTERVIEW TRANSCRIPT
With Joe Taruc and Milky Rigonan

TARUC AND RIGONAN: Magandang umaga Sen. Poe!

POE: Magandang umaga, Manong Joe and Ms. Milky at sa lahat ng nakikinig magandang umaga po.

TARUC: Dati nang busy ang inyong schedule tungkol dito sa mga agenda diyan sa Senado, yung mga panukalang batas na inyong itinataguyod. Pero lalo pa kayong naging busy nang biglang lumabas itong issue tungkol sa pulitika.

POE: Oo nga po, siyempre mas nadagdagan. Buti na lang po manong marami na talaga kaming trabaho na nagawa sapagkat magaadjourn na po kami sa linggo na ito. Hindi naman po naapektuhan ang ating trabaho. Ang medyo nababawasan lang talaga ay yung mga libreng oras natin.

Update on legislative work

TARUC: So kulang kulang na dalawang taon na mula nang kayo ay maging senador, pwede pagusapan muna natin yung mga naisagawa ninyo bilang kagawad ng Senado sa unang dalawang taon?

POE: Alam niyo manong yung unang batas na inihain ko, ay ang panukala para magkaroon ng libreng tanghalian sa public schools. Malaki pong pondo ang kailangan dito. Ikinagagalak ko naman po na kahit na ganoon kalaki ang magiging pondo dito, ito ay i-cocommittee report na po ng committee on education ni Sen. Pia. Kahit papaano ito ay umuusad na pero ginawa pa rin natin ni Sen. Chiz sa committee on finance na habang nagiintay po tayo dito sa batas na ito, ito pong darating na 2015 school year, yung mga batang malnourished po ay magkakaroon na ng pagkain sa public school. At least 120 days po sila diyan. Kasi sila muna ang uunahin natin habang ang batas na ito ay inaantay nating ipasa sa Senado. Ngayon po, yung isa pong batas, yung FOI, napasa na sa Senado. 8 months pa lamang. Ipinangako ko po ito sa ating mga kababayan, sa mga kaibigan natin sa media na kapag nanalo ako, ito po ay isang prayoridad ko so 8 months lang naipasa na sa Senado. Marami pa manong, yung sa Free Text Alerts during Disasters, tapos yung revision po ng batas sa Dangerous Drugs Act kung saan, two witnesses nalang ang kailangan hindi na tatlo para mas mabilis ang pagsampa ng kaso sa korte at hindi naman maibasura ang mga kaso.

TARUC: Ito pong mga committee reports na inyong hinahanda sa mga hearings at investigations na isinagawa ng inyong komite sa Senado.

On pushing for a stronger anti-carnapping law

RIGONAN: Sen. Grace, idagdag mo rin yung carnapping na heinous crime na ngayon, di ba yun ang bill mo on second reading?

POE: Opo, on second reading yes, thank you Ms. Milky. On second reading po, yun nga po ang gagawin natin dito ay non-bailable po yung carnapping pag malakas ang ebidensya. Ibig sabihin may nasaktan, may nanutok ng baril. Tapos yung dun naman sa iba, mas tataasan natin yung penalty sapagkat ang nangyayari halos dalawampung motorsiklo ang kinukuha araw-araw at limang sasakyan. Kailangan po tayo maging mas matapang sa ating batas pero syempre hindi rin naman natin... nagkakaroon ng konting debate dito. Syempre pag motorsiklo hindi naman natin pwedeng sabihing pang habambuhay ang pagkakakulong mo. So meron po tayong gradation, meron po tayong levels ng penalties para dito.

TARUC: Kasi bukod dito, nakikita na natin kung ano ang nangyayari sa ganyang uri na mga kaso ano ho. Kaya paulit-ulit yung paggawa ng ganyang uri ng krimen.

POE: Tama po. Nakakainis na rin e. Sapagkat, hindi lang yun--nakakadismaya sapagkat marami po sa kanila ay kasama ng sindikato. Paulit-ulit lang nilang ginagawa yan. Isa nga pong report, 19 times po nakapagpiyansa. Kaya talagang nakikita natin pinapalusutan nila ang batas na ito. Tama po kayo Manong Joe, salamat po sa pagpapaalala, maliban po sa mga batas na ginawa natin at mga panukala na inihain natin, yun po yung ating pagdinig tuloy tuloy lang po. Sabi ko nga lahat ng medyo mabibigat katulad ng dito sa MRT, sa Mamasapano, pati na rin po ang pagsama sa smuggling hearings, pati yung PDAF actually, ito pong lahat ay sinamahan natin sa Senado o pinamunuan.

TARUC: Okay. Ngayon dako tayo sa pulitika ano ho. Siyempre yung pulitika medyo humupa sa ngayon ano ho, pero meron pa rin kahit papaano ay kinakailangang magpaliwanag at linawin nating mabuti kung ano ang nangyayari. Sanay na ho ba kayo sa ganyang katindi na mga salita na tinatatanggap ninyo mula sa publiko o ilang mga critics nyo?

POE: Opo sanay na po ako--nasasanay. I don't think na masasanay ka ng 100% dahil alam mo naman, gusto talaga nilang masurpresa po tayo. Pero alam niyo po dito sa mga nangyayaring isyu, 'pag inisip ko sa isang banda ako po ay nagpapasalamat na rin e. Kasi alam niyo po mahirap naman yung biglang nag-eeksplika ka sa gitna na ng kasagsagan ng maraming bagay ano. Ito pong ginawa nila sa akin, nabigyan po ako ng pagkakataon na magpaliwanag sa ating mga kababayan na ito ang dahilan kung bakit nila ito nilalabas at ito ang aking eksplanasyon at wala po akong tinatago. Lahat naman po yan ay meron naman po akong dahilan kung bakit ganyan at hinaharap ko naman kayo. Hindi naman po ako nagpapasalita lamang sa ibang tao. Yun po ang importante dun-- na manggaling mismo sayo ang eksplanasyon. Ngayon kung tatanggapin ba ng ating mga kababayan yan, nasa sa kanila po yun. Pero ako po'y kumpyansa na talagang sinasabi ko naman yung totoong naiintindihan ko at yung totoong nangyari.

TARUC: So pagka minsan masyadong napakapersonal na, yung mga reporter mismo hindi rin matanong sa inyo o atubili magtanong sa inyo ano po?

POE: Oo nga. Alam nyo po yung ibang mga reporter nga ay nahihiya na magtanong tungkol dito. Sabi ko nga po itong mga bagay na personal, pwede nating pagdiskusyunan yan para mailabas na dahil karapatan ng mga tao na malaman ang kanilang mga hinalal sa gobyerno. Pero bagamat yung sa akin naman ay wala naman po akong sinaktan dito sa pagkakataon ng aking buhay. Kaya lang para lang maintindihan ng ating kababayan, mabuti na ring ilabas. Ngayon pagdating naman po sa pagkatapos ko pong sagutin yan, sana matapos na rin po ang pagtatanong sa mga darating na araw para naman yung talagang diskurso, ano ba talaga ang mga importante na dapat nating tutukan ay mabalikan natin. Katulad nitong BBL...

TARUC: Siyempre kayo mismo senator, interesado rin kayong malaman kung ano ang katotohanan sa inyong pagkatao di po ba?

POE: Oo, totoo nga po yan. Alam niyo dito sa probinsya lalong lalo na sa Jaro at sa Iloilo, sa Visayas, sa ating mga kababayan diyan, napaka-- yung palabra de honor nila ano, sa kanilang pamilya o kaya ano, napapansin ko Manong, dito talaga naprotektahan talaga nila kung ano man yung mga ayaw nilang ipaalam. Maraming mga pamilya--alam niyo parang teleserye talaga ito e. Pag kinukwento sa akin ng mga kaibigan ko yung kanilang mga teorya, ang daming mga pamilya noong araw na konektado rito. Kaya nga po nag-iingat din akong magbigay ng salaysay ukol dito sapagkat mabuti na yung nakakasiguro. Pero ngayon Manong meron po talagang patuloy na pagtatanong doon.

TARUC: At least ngayon may mga tao nang lumabas na pangalan ngayon, Senator...

RIGONAN: Na malapit na raw ma-identify. Yung ung mga reports sa Jaro.

On DNA Testing

TARUC: Merong nagsa-suggest Senator, posible kaya na malutas ito sa pamamagitan ng DNA?

POE: Alam niyo po Manong Joe, pwede naman siguro. Unang una, ito po talaga ay kailangang pag-isipan ng mabuti. Hindi naman pwedeng lahat ng ilalapit ay ipapa-DNA ko. Parang masyadong intrusive. Oo sabi nga nila para at least maresolbahan yung isang isyu na ikaw ay Pilipino at hindi ka na tatanungin. Pero alam niyo Manong mas importante kaysa diyan, ipagpatuloy ko ang pakikipaglaban dito na ang lahat ng inabandona at lahat ng adopted dapat pantay-pantay ang karapatan. E kung makita ako yung magulang ko o kaya natunton e di maraming salamat siyempre. Pero sa patuloy pa rin sa pakkipaglaban dito, kung matunton man o hindi, ako po ay kumpiyansa na sa batas dapat talagang tayong lahat ay dapat maprotektahan.

TARUC: Para rin po sa isyu kay Senator Bongbong na ngayon ay hindi na gaanong pinapansin ngayon. Natatawa nalang pagka nabanggit.

RIGONAN: Silang dalawa actually, yung Senado na itong si Senator Bongbong na hindi naman masyadong...parang pinagkakatuwaan na lang yung isyung ito, Ma'am, na kayo daw po ay magkapatid ni Senator Marcos.

POE: Oo nga, kinukwento ko ito kay Senator Marcos. Si Senator Bongbong, pasensiya na hindi ko pwedeng bigyan ng extension ng oras dito sa hearing natin. At kapag nabigyan tayo ng konsiderasyon, sabihin tingnan mo na, magkapatid talaga yan. So, alam niyo pag mga bagay na ganyan kasi wala naman akong tinatago. Sa aking pananaw hindi totoo yun at sa mga pruweba naman at sa pamilyang kausap ko. Alam niyo merong isang reporter sa isang network, hindi ko na babangigtin ano. Ginawa niya, komo artista, nag-research siya. Pumunta siya sa Sampaguita Pictures at tiningnan yung mga may-ari. Anong mga pelikula. Ano ang ginagawa ni Rosemarie Sonora noong panahong iyon. So ang sinabi, ito ang pelikula na ginawa namin. Alam niyo kung buntis siya noong 1967-68 imposible niyang magagawa yung pelikulang yun dahil parang apat yata yun e. So yun yung mga bagay-bagay na mabuti na lang may mga taong na nagmamalasakit para naman matuntun din yung katotoohanan. Sapagkat para sa ating mga kababayan, nakakalito na rin at humihingi po ako ng tawad sa kanila sapagkat para bang nauuwi po dito sa mga personal na mga bagay pero sinasabi ko na salamat talaga. Alam mo, Manong Joe, hinihintay ko lang talaga kayo sapagkat alam ko pag nagpaliwanag sa inyong paluntunan, sa inyong himpilan ay makakarating sa buong Pilipinas. Pasensiya na po.

TARUC: Itong bagay na ito, nag-umpisa Senator Grace noong unang tungkol dito sa residency kung ano sunod-sunod na. Pagkatapos napansin namin simula kahapon ang lahat ng mga bagay ano ho ay nakatutuok naman kay Senator Chiz.

POE: Para sa akin, ang armas namin ay yung katotohanan. Wala naman akong tinatago gaya ho ng mga sinabi ng iba. Kunwari tumakbo man sa mas mataas na posisyon, ito'y isang pribilehiyo na makapagsilbi sa ating mga kababayan. Para mapabuti ang buhay ng mas nakakaraming mahihirap. Yun po ang kung saka-sakali talaga o mag-eengganyo lamang sa akin. Pero hindi ko po ito ginagawa para maging makapangyarihan, para magkaroon ng pwesto o yumaman. Sapagkat ako naman po ay pinalaki ng aking nanay at ang aking tatay na ang pinaka-importante sa akin ay ang pinamanang pangalan ng aking mga magulang at ang masasabi ko taas noo sa ating mga kababayan na maayos ang aking sarili. Yun lang naman po. Kaya para sa akin kahit tumira ka ng tumira sabihin ko lang po yung nalalaman ko.

RIGONAN: Ano po yung feeling, Senator na parang ang haba-haba ng hair mo. Pinag-aagawan ka ngayon for 2016 at kailan daw yung susunod na meeting ninyo ni PNoy?

POE: Wala pa namang natakdang oras sa pag-uusap. Basta ang masasabi ko lang dito sa mga naninira, 'di bale sana kung ito'y parang isang teenager na may nanliligaw ay nakakatuwa. Siyempre, hindi mo naman alam kung yung ibibigay sa iyo ay tapat ba o lolokohin ka lang.

TARUC: Ngayon naman may nagtatanong dito. Ang sabi niyang ganon, sa iyong kalooban alin po ba ang matimbang, Mar-Poe o Poe-Chiz tandem.

POE: Ganito na lang po, siyempre 'di ba parang sino ba naman ako para sabihin na ikaw ang nararapat o kung ano pa man. Ibig sabihin ko na lang sa isang personal na obserbasyon. Si Secretary Mar ay maginoo at mabait. Siya naman po kahit papaano ay nakausap ko. Hindi ko po siya kakilala ng ganoong katagal. Si Senator Chiz, hindi naman maipagkakaila, 2004 pa lang po ay kilala ko na yan kasi spokesperson ng tatay ko. Bukod sa kakayahan, sa hirap at ginhawa kasi nakasama na ng aming pamilya si Senator Chiz. Sa tingin ko ay mayroon naman po siyang kakayanan na mamuno at umupo sa mataas na posisyon. Yan lang po ang masasabi ko. Ang confirmation ko kung sino ang makakasama ko sa dulo ay 'di pa natin malalaman sa puntong ito.

TARUC: Ang pagkakaalam po natin, Senator Grace, ito po naman ay napatunayan na noong nakalipas na mga halalan na not necessarily na ang Pangulo ay nadadala ng kanyang bise presidente katulad noong nangyari ng 2010. Ang naging theme ay NoyBi. Ang pangulo ay iba ang nahalal na pangalawang pangulo kaya not necessarilly na hindi madadala ng pangulo ang ikalawang pangulo. 'Di po ba?

POE: Tama po kayo. Kaya po siguro nangyayari yun ay dahil hindi bilib sa pangulo ang kasama niyang tumatakbo o ikinakampanya ng coalition. Kasi ang mga kababayan natin alam naman nila na puwede silang mamili. Anong partido, hindi naman iisang partido lamang. So yun nga po. Hindi dapat magdesisyon dahil lamang sa tingin ay malakas ang isang grupo kundi yung commitment, ano pang magagawa mo para sa ating mga kababayan?

TARUC: At hindi yung mga kakandidato ang dapat magdesisyon. Ang dapat magpasya ay ang ating mga kababayan na maging matalino sa pagpili ng ating mga kandidato.

POE: Ayun nga po ang sinasabi ni Senator Chiz. Pantay-pantay po tayo, iisa lang ang boto, mayaman man o mahirap, iisa lang ang. Gamitin po natin ito para masiguro na ang ilalagay po natin ay matutulungan tayo sa hinaharap natin at hindi lamang sa ating mga naririnig

On meeting with the President

TARUC: Tama. Sa pulong po ninyo ni President, may ibang nakakaalam po ba dito bukod sa inyong dalawa?

POE: 'Di ko po alam kung sino pa ang makakasama dahil wala pa namang schedule. Noong huli kaming nag-usap, sinabi ko po naman noong ako ay nag-request na mag-usap kami na kami lamang. At ako naman po ay napaunlakan ng Pangulo. May mga bagay na sa Pangulo ko maididiretso lamang. Sa pagkatao naman niya ako ay kumpiyansa. Sa tingin ko, ang Pangulo naman ay gumawa ng makakabuti sa ating bayan. Sa palagay ko ang Pangulo ay mapagkakatiwalaan ko. Kaya lang po hindi naman nangangahulugan na ang lahat ng kasama niya at kanyang mga kapartido ay ganoong katapat. Marami pong bumubuo niyan.

RIGONAN: Senator Grace sa tingin niyo anong posisyon talaga ang puwede ninyong takbuhan sa 2016. Sa pagka-pangulo ba o bise-presidente?

POE: Ah, ayaw ko kasing sumagot diyan. Sapagkat mabuti na po na ang tao. Hindi po ganito, ako po ay nagpaplano, ako po ay naghahanda, yan ang salitang gamitin natin. Kung saka-sakali po na ibigay sa atin ang pagkakataon nma tumakbo sa anumang puwesto, ano po ang ating puwedeng gawin para magkaroon ng seguridad ang ating mga kababayan? Sa kanilang kalusugan, sa pagkakasakit, ang edukasyon at sa kanilang hanapbuhay. Yan po ang mga bagay na gusto ko pong sagutin. Pero, ano ba talaga? Saan ako sa dalawang yun? Malaking bagay rin kung sakasakali ang pagkakasundo ng mga pinagkakatiwalaan ko at taga-suporta. At siyempre sa mga datos, kung ano ang hiling mga tao.

TARUC: So, wala po kayong comment tungkol sa mga kumakalat na Poe-Francis?

POE: Ako ay natutuwa naman, siyempre mataas ang paggalang at inspirasyon sa ating Papa. Tatanungin ko.. kung sino man ang mga nagkakalat nito ay pakihintay lang po.

RIGONAN: Matunog daw po ang Poe-Francis, ma'am ha?

POE: Kung sino man ang pumili niyan ay salamat na lamang.

TARUC: Kayo po ba ay nagkakausap ni Senator Chiz tungkol dito?

RIGONAN: May plano na ba daw?

POE: Nag-uusap na kami tungkol dito. Kasi alam niyo dumating na ako sa punto na, Joe, sa tingin ko hindi na ito puwedeng iwasan at pag-usapan e. Ilang buwan na lang at filing na. At siyempre kami ni Senator Chiz ay nag-uusap kung saka-sakali kung ano ang una naming dapat gawin. Unang-una wala naman kaming pera, wala kaming organisasyon. Pero marami kaming mga kaibigan na talagang gustong tumulong. Para din naman sa akin, ako talaga ay naghahanda nang mga kailangang basahin at pag-aralan para doon sa plataporma sapagkat kapag nagkaroon po ng debate tungkol dito ako po talaga ay magiging handa kung sakali mang matuloy sa atin ang mga responsibilidad na yan, ngayon pa lang po, lahat po ng programa dapat nag-uumpisa na.

TARUC: Susunod na katanungan namin Senator Grace, tungkol dito ano ho, iyon po bang Nationalist People's Coalition eh aampunin daw ang tambalan ninyo ni Senator Chiz just in case na kayong dalawa ay kumandidato sa pinakamataas na posisyon na indipendiente.

POE: Alam niyo ho yung NPC ay talagang sumuporta din sa tatay ko. Sana naman kung saka-sakali ay magkaroon din ng pagkakataon na magkakasama kami o tumulong sila sa amin. Alam nyo po yung NPC kasi, iba't-ibang koalisyon naman po iyan. Opo.

TARUC: Okay.

RIGONAN: May tanong din ako kay Senator Poe. Lumalabas din po ang pangalan ni Governor Vilma Santos na ikinukonsidera ring kunin for a vice-presidential candidate. Sakaling kayo po ay tumakbo na vice-presidential candidate sa 2016. Do you consider Governor V. ma'am as a worthy opponent?

POE: Oo naman. Si Governor Vi pa. Marami siyang nagawa sa Batangas. Alam niyo po nung 2013 tinulungan po ako niya magkampanya sa Batangas kaya maraming salamat Governor Vi, kay Senator Ralph. Yunnga, masipag siyang governor, maraming natulungan. Matagal na rin po sa mundo ng paninilbihan at hindi lang yon, walang kakupas kupas.

TARUC: Noon ang sinabi ninyo, eh magdedeklara kayo bago mag October.

RIGONAN: Oo.

TARUC: Tapos kahapon eh bago na mag-Agosto?

RIGONAN: Ayan...

TARUC: So ano ho ba talaga? Within the months or within next month?

POE: Ay sa ngayon po hindi po talaga...

TARUC: Kung kailan maraming nagiging development na hindi alam ng taong bayan eh biglang nabago yung araw ng pagdedeklara ninyo kung ano ang magiging pasya na tatakbuhan.

RIGONAN: Kasi yung binabanggit ata ni Manong Joe. Ang sinabi kasi ni PNoy Senator Grace, baka daw July siya mag-eendorse ng presidential candidate kasi yung buwan daw ng Agosto is a ghost month. Hindi daw maganda magdeklara don.

POE: Ah opo... Ako naman po siyempre ginagalang ko ang kanya-kanyang pananaw at mga tradisyon. Ang nanay ko rin may mga ganyan pero sa tingin ko bandang huli ang deklarasyon ay dapat mangyari pag handa na talaga. Pero ako sa tingin ko at sa ating pag-uusap ngayon kung saka-sakali man ay hindi talaga mangyayari sa mga June at July o baka mga hanggang dulo pa.

TARUC: Oo. Yung mga negosyante nagtutulak sa inyong dalawa ni Senator Chiz ano ho... Ito ho bang mga naturang negosyante eh bumalik sa inyo at kinausap uli kayo Senator Grace?

POE: Basta ganito lang ho masasabi ko Manong, ako'y nagpapasalamat sa dami ng mga taong sumuporta para sa kanila kasi, gusto talaga nila na kung saka-sakali magkaroon man lang ng patas na transaksyon, yan ang playing field, kung sino man ang papalit na may paggalang din ang komunidad sa ibang bansa, sapagkat napakahalaga po nito nga ating bansa. Tingnan din natin kung papano po tayo makikitungo sa ibang bansa. Papano natin irerepresenta ang ating bayan at isa pa... na kailangan patuloy po ang pakikipaglaban sa kurapsyon. Yun po yung mga sinasabi sa 'tin ng mga nais tumulong sa'min.

TARUC: Kayo po ba'y nakahandang manindigan na kakandidato ng walang partido?

POE: Alam niyo po sa mga napagdaanan ko, kung saka-sakali man sa tingin ko ay ako'y karapat-dapat na tumakbo, ang iintindihin ko lamang ay ano ang puwede kong gawin para matulungan ang ating mga kababayan. Kung may partido man, sa tingin ko mas maganda na ang sabihin natin mamintena ko ang aking pagiging independent. Kung may mga partido na nais tumulong at maging koalisyon sa aking pananaw katulad sa 2013 na naging koalisyon kami, sa tingin ko, yun po yung mas magandang pagkakataon.

TARUC: Okay. Huling panahon na Senator Grace inyong pananalita para naman sa ating mga kababayan ngayon.

RIGONAN: Sa Luzon, Visayas at Mindanao. Senator Poe...

POE: Opo, maraming salamat. Maayong buntag. Maraming salamat po sa lahat ng nakikinig. Manong Joe, Ms. Milky, sa mga kababayan ng aking tatay, naimbag ngabigat. Alam niyo po talagang itong pagkakataon na ito ay minsan lamang dumating sa buhay ng isang tao. Isang pribilehiyo ang makapagsilbi sa ating mga kababayan. Pangarap po yan ni FPJ, na ang ating mga kababayan na mahihirap ay maging prayoridad ng ating gobyerno, na ang ating ekonomiya ay bumuti sa pamamagitan ng malinis na pagpapatakbo ng gobyerno para lahat ay makinabang dito. Kung saka-sakali pong may pagkakataon, dalangin ko po na ang malinis na pangalan ng tatay ko ay maipagpatuloy ko kaya po sa lahat ng isyu na lumalabas at ibinabato, ang inyo pong.. ang assurance ko po ang masasabi ko sa inyo, ako po'y nagsasabi ng totoo. Tapat lamang po akong dinedepensahan ang aking sarili. Ako po mismo ang gumagawa nyan sapagkat wala po akong tinatago sa inyo. Maraming salamat po Manong Joe at Ms. Milky sa malaking pagkakataon na ito. Magandang umaga po.

TARUC: Maraming salamat po.

RIGONAN: Salamat Sen. Poe.

TARUC: Mga kaibigan ang atin pong napakinggan si Senator Grace Poe.

News Latest News Feed