Press Release
June 10, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Q: Nagmeet ba kayo ni President Aquino?

Sen. Grace Poe: Kaninang umaga lamang naman na-confirm---kasi alam mo kapag nagmimeeting ang Presidente, depende din sa schedule niya. So last minute, kanina, na-confirm nga na tuloy ang aming meeting pero iyon. Nag-usap nga kami. Gaya nga sinabi ko na patuloy naman ang pag-uusap namin.

Q: Ano po ang napag-usapan ninyo?

Poe: Kamustahan, dahil nga sa mga nangyari sa akin nang nakaraang linggo, kamusta ka na, at patuloy pa rin tungkol sa 2016. Mga tinatanong ko rin sa kanya sa mga ibang programa ng gobyerno na nagpapa-update din ako, katulad ng mga problema na makakatulong sa mga mahihirap at ineksplika niya sa akin yung mga irigasyon para sa mga magsasaka...yun po ang aming mga tinutukan. Pero siyempre, hindi ko naman maipagkakaila na kasama rin kung papaano rin ang transition sa 2016, kung sino yung magpapatuloy.

Q: Did he offer you a position? To run with the LP?

Poe: Wala, wala. In due fairness to the President, nabigyan naman niya ako ng pagkakataong makapagsalita, at sinabi niya na sa LP daw, patas sila mamili, lahat sila ay may opinion at hindi lang naman iisa o iilan na mga tao lamang...Pero, ang sinabi ko rin sa kanya, na ginagalang ko iyon, pero dahil nga independent ako at nangyari din yun nung 2013 coalition, nasabi ko naman sa kanya iyon. Yung aking opinyon ukol dito.

Q: Ma'am, kung walang offer, ano po ang pinag-usapan ninyo tungkol sa transition?

Poe: Ang sabi nga niya, yung mga programa na naumpisahan niya. May mga tanong ako tungkol doon. Niliwanagan naman niya. Pangalawa, sabi niya kasi malinaw na magdedesisyon pa siya sa mga darating na linggo, at yung kanyang SONA, kung saka-sakali, ay pagkatapos pa noon magkakaroon ng desisyon. Kailan ba? Pagkatapos ba ng SONA? Isang araw pagkatapos? Ilang linggo pagkatapos? Hindi ko alam. Hindi naman niya ibinigay sa akin ang specific na panahon.

Q: But so far, ma'am, ano yung pakiramdam o stand niyo sa pakikipagtandem sa isang taga-LP tulad ni Sec. Mar?

Poe: Gaya nga ng sinabi ko, hindi lang naman sa pagiging LP or dahil sa isang personalidad. Kinakailangan ay mayroon din kayong kabagayan sa inyong pamamalakad at paniniwala...Ito ay isang proseso pa na pinag-iisipan. Wala namang sinasabi ang Pangulo na kailangan ay katambal mo ganito, o kailangan ay gawin mo iyan...Basta lamang maging handa kung sakali na sana ay maipagpatuloy yung maayos na pamamalakad...At kung saka-sakali man, kung may mga katanungan...Sapagkat alam mo naman, hindi ko naman siya nakakausap palagi. At mayroon akong mga natatanong din. Katulad ng mga programa niya sa inclusive growth. At na-eksplika niya sa akin ito. So, para sa akin, hindi man kami nag-uusap palagi, kaya pagkakataon ko ring malaman kung ano ang mga iniisip niya.

Q: Ma'am, you said you preferred to be an independent politician. What did he say?

Poe: Hindi naman niya ako kinontra. Kasi, sabi ko, Mr. president, alam niyo naman, kahit sa ating mga kababayan, parang hindi naman yata maganda na bago maghalalan, at saka ka magpapalit ng partido o saka ka magkakaroon ng partido. Naiintindihan naman niya ngayon. Pero ineksplika niya sa akin ang kanilang paninindigan sa LP na ginagalang ko naman. Sabi niya, sila daw ay may proseso sa pagpili. So, nandun. Ako ay nagpapasalamat sapagkat naihayag ko naman sa kaniya na ako po, sa ngayon, ito po ang sa akin. Nananatili naman akong independent. At sa pagiging patas rin sa Pangulo. Hindi naman siya namimilit na kailagan ito ang partido mo.

Q: When you say transition, maaari ba kayo ang magpatuloy niyon? At kayo ang kasama niya sa transition na iyon?

Poe: Alam mo, sabi nga ng Pangulo, may listahan siya ng mga maaari so hindi ko masasabi na ako lang iyon. Marami pa siyang kakausapin. Si Sen. Chiz kakausapin din niya...

Q: He told you, ma'am? Na he will talk to Chiz?

Poe: Nabanggit naman iyon. Malinaw naman iyon dahil hindi lang ako ang nasa listahan. Siguro ay mayroon pang iba na hindi ko naman naitanong na. Pero yun nga. Na-confirm na magmee-meeting nga kami---di rin ako sigurado hangga't talagang nandoon na siya sa Malacanang na matutuloy ang aming pagkikita.

Q: Pero may statement ba siya na si Mar Roxas ang standard bearer?

Poe: Wala. Walang statement na ganoon. Pero, sinasabi niya na mabuting tao si Sec. Mar, na mayroon din siyang potensyal talaga na ipagpatuloy din...May kumpiyansa siya kay Sec. Mar. Mayroon din naman siyang sinabi na ganoon.

Q: So hindi ma'am nakasarado si PNOY sa mga LP members niya particularly with Mar Roxas?

Poe: Alam mo nung nag-usap kami noon, nabanggit niya yun eh. Pero sa ngayon wala naman siynag binabanggit ngayon kasi sa tingin ko napagusapan na namin yun at naihayag ko naman na sa ngayon, wala naman akong partido.

Q: Ma'am, nabanggit pa yung offer ni Secretary Roxas na maging running mate niya kayo?

Poe: Wala, wala. Walang na-offer. Walang na-offer na ganon at wala rin namang nabanggit na ganon.

Q: So ma'am you said they said there is some process in choosing sa LP. Ano exactly yung process. And from here, where do we go like, what's next for you... meeting with him again?

Poe: Sabi niya mag-uusap kami ulit. Ngayon, di ko kayo pwedeng bigyan ng petsa. Kasi ganito yan, kahit sabihin niya na mag-uusap kami next week o mag-uusap tayo bukas. Hanggang actual na ano... di mo alam dahil paiba-iba rin ang schedule ng Presidente. Pero pag natuloy naman, sasabihin ko naman sa inyo. Iniimbita din naman niya ako na mag-obserba ng mga ibang bagay na pwede naman niyang gawin kasi alam naman niya na meron din akong katanungan at sariling pag-iisip. Kaya mas gusto naman niya na i-klaro.

Q: Ma'am mag-observe po ng ano?

Poe: Kung may mga questions. Kunwari may certain meeting siya with Agriculture o kung ano man. May mga katanungan ko. Inimbitahan naman niya ako na sumama sa meeting nila para ma-obserbahan ko.

Q: Ma'am ano sa tingin niyo yun? Bakit po kayo iniinvite na mag-observe?

Poe: Kasi marami siguro akong tanong. Sabi niya, bakit di mo nalang, ano, obserbahan. Di naman ito closed door meeting. Q: Final Talk na ba yun? Yung next meeting niyo? Final talk na yun?

Poe: Ay di ko alam eh. Basta sabi nya mayroon pang susunod. Di ko lang makumpirma ang date. Kasi nga sabi ko hanggang yung ilang oras bago yung meeting na yun, di mo naman alam kung tuloy. Basta sabi niya. Sabi nga niya, next week pumunta ka dito merong ganyan. Pero meron akong sinabing commitment on that day. Pero sabi niya anytime this line is open. Pero yun nga, masaya ako sa meeting na ito, naging prangka kami sa isa't isa lalo na sa estado ko bilang independent ngayon at yung mga katanungan ko sa mga ibang programa niya katulad nung mga problema natin sa irigasyon na siya rin ay medyo talagang nadidismaya dito. Napag-usapan naming yun.

Q: Ma'am luminaw ba sa inyo yung plans, if any, for 2016 after this meeting? Kasi you mentioned after the first meeting na medyo di malinaw. There was no offer, walang ano.

Poe: Ngayon ito lang ang malinaw sakin. Na seryoso talaga ang Pangulo na maghanap ng isang susuportahan na kandidato. Pero di naman niya niliwanag kung sino pa. Basta nakikita niya may mga potential ang nasa listahan niya, sa isip niya kung sino. Malamang kinokonsidera niya siguro ako, pero di ko alam talaga kung anong position. Di naman talaga naming pinagusapan.

Q: Di niyo pinilit ma'am tanungin sa kanya "ano ba talaga 'to?"

Poe: Hindi. Hindi naman ako nagmamadali ukol doon. Pati naman ako mismo ay kailangan ding magnilay-nilay. Pero sabi ko nga, siyempre malaking bagay ang tiwala ng ating Pangulo. Isang pribiliheyo iyon na makausap siya ukol dito. Pero sa bandang huli, desisyon mo pa rin ang mananaig. Kung ito ba'y papaAno ka makakatulong sa ating bayan, yun ang pinakamatimbang.

Q: Ma'am did you tell him that you were more comfortable with Senator Chiz as you previously indicated?

Poe: Di ko na kelangan sabihin yun sa kanya kasi mas matagal niya ngang kilala si Senator Chiz kesa sakin.

Q: What do you feel about LP leaders that Senator Chiz will never be included in any of their plans? How does that make you feel?

Poe: Well, yun ang kanilang statement. Pero ang sabi ng Pangulo meron daw silang democratic process sa pagpili. So depende kung ilan sa LP members ang nagiisip ng ganon malay natin diba. Pag nagsama-sama silang lahat, at may NGO members rin, mag-iiba rin ang kanilang desisyon. Di ko pa masabi dahil di po ako kasama sa mga pulong-pulong nila.

Q: Ma'am ikaw, what's your own decision making process? Will you wait for them, for the president or if may cut-off ka rin when will you decide, what will you decide?

Poe: Para sa sarili ko oo, ako nga sana mas komportable ako pag mas napapalapit na 'yung filing sapagkat alam mo pag nag desisyon, hindi lang naman sa mataas ka sa survey kailangan ang desisyon mo ay handa ka na sa mga programang ihahain sa ating mga kababayan. Sasabihin mo 'O eto ready na ako, suportahan niyo ako.' Paano ka susuportahan kung hindi naintindihan ng publiko ang plataporma mo. So importante anong gagawin ko para sa mga magsasaka? Ano ng gagawin ko para sa kalusugan? Anong gagawin ko para sa edukasyon? Mahabang proseso 'yon. Wala rin naman akong pera at limitadong limitado kung meron man akong pera.

On Citizenship

Q: Alam ko nasagot niyo na, pero tungkol sa citizenship ulit. There's a blog...kay Raissa Robles....

Poe: Oo, sinasabi nga na kinoquote 'yung aking katapatan. Ako po'y nananatiling tapat. Sa atin pong batas ng dual-citizenship, nakalagay po doon na kailangan mag-renounce ka before public officer. Ako po ay sumumpa doon renouncing--October 2010. Ngayon tungkol dun sa US, nirelease po nila ang aking renunciation 2012. Bakit? Sapagkat sila ay may prosesong napakahaba. Hindi ka basta pupunta sa US embassy para mag-submit...Kailangan doon ang tax return mo doon in the last 5 years, ari-arian mo in the last 5 years. Ang daming dokumento. At isa pa po ang batas lang natin ang babasihan, pwede ko sanang niloko ang ating mga kababayan at nanumpa lang ako sa public officer dito sa pilipinas. Hindi naman nakalagay dun na kailangang pumunta ka sa embassy o sa iba. Ginawa ko po ang nararapat at magmula po noon ang akin pong ginamit ay tourist visa para pumunta sa America. So okay lang po 'yun. Salamat kay Ms. Robles na inilabas niya ang issue na iyun sapagkat ngayon mas nasasagot ko ng mas malinaw.

Q: So ma'am linawin lang po natin. Kelan niyo sinimulan yung process sa US embassy?

Poe: Sa US Embassy, nagsimula ako ng process, kailangan kong balikan ano, pero parang 2011, kalagitnaan. Bakit? Sapagkat sa batas, complied na ako just by a public officer na Pilipino. Complied na. Pero sabi ko "alam mo hahanapan ako ng butas nito e. Kahit na sabihin nila "if you're sincere, bakit di ka pumunta ng US embassy?" I did it but before I went there, that's why it took until the middle part of the year, kinailangan ko munang basahin, nasa internet...Ang laki ng babayaran niyo para mag-renounce, ang dami niyong dokumentong kailangan gawin, hindi 'to basta basta nagagawa. Kung natatandaan ninyo inappoint ako ni president, magtatapos na ang taon ng 2010, so ang emergency dun ay kailangan ko mag-renounce before a Filipino public officer. 'Yung sa US Embassy, added bonus na ginawa ko 'yun pero kinailangan ko 'yung mga dokumento ipasok talaga lahat.

Q: So it means while you were MTRCB chair, hindi na kayo US citizen?

Poe: And I never used my visa after that and I'm willing to answer it and if they question this in court, ako po ay kumpyansa. Nagsasabi naman po ako ng totoo ukol dito.

On Political Dynasty

Q: Ma'am 'yung take lang sa political dynasty, will you support it?

Poe: Sa tingin ko sa ating bansa ngayon, marami na kasing umaabuso. Maganda sana sa demokrasya lahat tayo ay may karapatan piliin ang daang ating tatahakin. Sabi ko nga pag showbiz ka, ang anak mo kasing ganda mo, mag-aartista rin. Pero 'yung mga iba, may konsenya 'yung mga magulang. Buti na lang nakita ako ng mga magulang ko 'ah siguro 'di pang showbiz 'to'. Hindi naman ako pinilit, hindi ba. Hindi lahat may konsensyang ganon. 'Yung iba, kahit walang karapatan manilbihan, tinutulak nila. Kaya sa tingin ko, kailangan din tayo maghigpit ng konti. Ngayon, babasahin ko muna nang mabuti itong panukalang ito sapagkat 'yung ating mga karapatang mamili ay kailangan din natin maprotektahan. Pero siguro po risonable naman diba, kahit naman ang isang presidente hindi rin naman pwede mag-appoint ng kamag-anak hanggang a certain level of consanguinity. As added protection, perhaps we can use it this way in terms of political dynasty so there won't be any conflict of interest.

Q: Ma'am balikan ko lang ung sa US, how did you acquire US or dual citizenship?

Poe: Kasi 'yung aking asawa ay US citizen...Akala ko talaga titira na ako dun hanggang namayapa nga ang aking tatay. Bumalik naman ako dito. Pero 'yun nga. 'Yun po ung mga dahilan. Wala naman pong nilalabag na batas at sa abot ng aking makakaya, ay sinusunod ko po lahat ng kinakailangan.

News Latest News Feed