Press Release
June 19, 2015

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar (PNR Test Run)

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa ginawang inspeksyon ngayon?

Villar: Okay naman. Syempre nilo-look forward natin na iyong ating 100,000 passengers na nagko-commute from Calamba, Laguna to Tutuban ay masimulan na. Kasi I just wonder saan sila sumasakay ngayon kasi ang dami-dami nila. Looking forward tayo na ma-resume na ang operation ng PNR from Tutuban to Calamba, Calamba to Tutuban.

Q: Sa na-experience ninyo kanina, pwede nap o bang ibalik? Villar: Oo. Hindi ba masarap sumakay sa train? I've always been a believer of the railway. Bata pa ako sumakay ako from Tutuban to Damortis, La Union sa PNR. At nung magraduate ako ng college from Tutuban to Ligao, Albay. So I'm looking forward to that very nice ride again.

Q: Very important na maiayos ang train system...

Villar: Very important kasi pinakamura ang train, it's 70 centavos per kilometer. Samantalang ang bus, P2 per kilometer. So for our poor people, talagang train ang pinakamagandang sasakyan nila plus walang pollution, walang traffic, efficient. Talagang dapat maiprove ang railway system natin. And then very convenient, tingnan ninyo nakakalakad pa kayo sa loob ng tren noong nakasakay tayo. Sa bus makakalakad ka ba? So it's really a nice ride.

Q: Ipu-push nyo ba yung PNR modernization?

Villar: Alam mo naman lahat ng modernization program natin ay maganda. Ang problema kung maiimplement natin. Hopefully, sana maimplement natin. Kami naman sa Senado, iyong oversight committee namin dahil ang PNR is a government-owned corporation, mababantayan namin sila para maideliver nila ang promises nila sa ating mga kababayan.

Q: Pwede bang iprivatize ito?

Villar: Sa akin okay lang ang privatization. Sometimes lang kapag pinrivatize, nagmamahal. That is to the detriment of our consumers. Okay lang ang privatization pero kapag kaya ng gobyerno mas mura.

Q: May sinasabi kayo kay GM Dilay kanina tungkol sa basura...

Villar: Sinasabi ko kay General Manager, siguro gumawa tayo bawat city ng volunteer group to work on the garbage. Like I promised him, pwede naming gawin iyon sa Muntinlupa, Taguig, kasi very close ako sa local government doon. Baka kami na ang mamuno para magvolunteer kasi ang dami palang basura sa railway. Nagulat ako kasi bakit ganoon.

Q: Bukod sa basura, iyong hindi magagandang tanawin..

Villar: ...iyong relocation mahirap talagang gawin. From my experience, mahirap talaga kasi relocation iyan. Saan mo dadalhin? May pera ba for relocation? Maski may pera na sa relocation, may mga pasaway din tayong kababayan na ayaw sumunod. It's a very difficult job that we have to do. Pero itong garbage, medyo madali itong i-solve. Volunteer group lang to make sure na hindi tinatapon ang garbage sa railroad tracks. Napakaraming garbage sa railroad tracks.

Q: You also discussed fencing?

Villar: Meron nang budget sa fencing sa DOTC. For bidding na daw. Ipe-fence ang railroad tracks dito sa Metro Manila.

Q. May request daw po na magdagdag ng pasahe...

Villar: Ipakita muna natin na tumatakbo nang maayos saka tayo magdagdag ng pamasahe. Kasi can you imagine magdadagdag ka ng pamasahe pero hindi tumatakbo. Very bad naman iyon for the public. Ipakita natin na maganda ang operation natin saka tayo magdagdag ng pamasahe.

Q: Sino ang susuportahan ng Nacionalista..

Villar: Hindi pa kami nagkikita kasi iyong aming mga kandidato nasa iba't ibang lugar. Siguro pagbalik namin in time for SONA, malinaw na. Kasi iyong iba nasa abroad, iyong iba nandito sa probinsya. Maybe July.

Q: Possible po ba yung pako-coalition ng PDP-Laban at NP? Duterte- Marcos?

Villar: Everything is possible in this world. Hindi pa natin alam. Tatanungin pa natin si Bong Bong kung gusto nyang kumandidato. Kung magse-senador ba sya o vice president o president. Wala pa syang indication.

Q: Si Sen. Grace Poe po?

Villar: Kung walang kakandidato sa amin, she's in the picture.

Q. Pero sa standard bearer ng NP, hindi ba tatakbo si Sen. Manny?

Villar: Hindi kakandidato si Sen. Villar. Iyong tatlo, but most of them parang vice. Si Sen. Cayetano lang ang sa presidency pati si Sen. Bong bong. Tinitingnan nila, humihingi sila ng time to think it over.

Q: Pero viable po ba yung Duterte-Marcos?

Villar: I think okay din naman iyon. Hindi lang namin alam kung magkakasundo sila. It's beyond us, sila naman ang magsasama hindi naman kami. We cannot decide it for them.

Q: On supporting Binay

Villar: Mas hirap kami doon kasi iyong dalawa naming senador ayaw kay VP Binay. Alam nyo naman because of investigation sa Blue Ribbon. Mas hirap kami doon.

News Latest News Feed