Press Release
July 9, 2015

Transcript of Interview with Sen. Chiz Escudero

ON 2016 BUDGET

QUESTION: Sir the opposition is saying na election budget yung budget for next year na P3-trillion. Ano ba sir? Normal lang ba na tumataas? Or unusual yun?

FGE: Taun-taon naman talaga tumataas ang taunang budget. Siyempre may inflation ka, plus siyempre habang lumalaki yung revenue mo, gusto mo rin ipamudmod at ibigay yun sa iba't ibang proyekto at programa ng pamahalaan para makatulong sa tao. Anong gusto nila? Babaan yung budget dahil eleksyon? So maghihintay pa yung serbisyo publiko dahil may halalan? Titiyakin namin, kumpleto sa probisyon kaugnay ng transparency at accountability ang 2016 budget. At sila mismo may pagkakataon naman ma-scrutinize yung budget para i-review at pag-aralan yun para kung may akala nila ay para sa eleksyon o halalan, e di tanggalin natin at pagtulungan nating tanggalin mula sa budget.

QUESTION: Sir yung underspending na sinasabi niyo sir, meron pa rin? How is the government...

FGE: Ang underspending... isa sa mga dahilan ng underspending ay pagkakaroon ng ilang probisyon kaugnay sa lump-sum funds. Ang nagging susi sa underspending na meron noon ang DPWH ay ang pag line-item ng mga proyekto. At least pagpunta pa lang nila sa amin, alam na nila saan ito ilalagay and in fact, nagbi-bidding procedure sila short of award during the current year para sa budget sa susunod na taon. Yung implementation, mas mabilis.

QUESTION: Paano yun ngayon sir kung may underspending?

FGE: Ganun ang sisikapin naming magawa. Ila-line item namin hangga't maari lahat ng pwede na naming iline-item. At kung sa pagharap nila'y wala pa silang balak o plano kung saan ilalagay yung pondo, aalisin na muna naming dun at ilalagay namin sa departamento na may maliwanag nang plano at alam na eksakto kung paano gagastusin yung pera.

QUESTION: I mean sir yung ngayong 2015 budget? May underspending pa, may pera...

FGE: Maliwanag na meron, tinalakay na namin sa ilang pahayag din yun. Pangunahin na dito halimbawa yung savings mula sa mga departamento. Bagong depinisyon ito ayon sa DAP ruling ng Korte Suprema so medyo naninibago siguro yung mga ahensya kung paano ba talaga gagamitin ito, gagastusin ito dahil baka ma-DAP na naman sila. Pangalawa, yung school building program na pinakamalaking lump-sum sa budget. Nag-identify sila pero hanggang ngayon nagbi-bidding procedures pa rin yata sila so baka ma-award yung mga projects September or August at masisimulan yung project, August. Matatapos yan, after the end of the year na.

QUESTION: Pero sir ibig bang sabihin na may underspending hindi ginamit? Or hindi ginastos or hindi nagproduce ng projects?

FGE: Hindi pa nagagamit. Dalawang bagay yun, 'pag sinabi kasing underspending, ang depinisyon din nila'y hindi pa nababayad. Kasi ayon sa DBM, na-obligate na raw nila, nasa ahensya na raw. Yung underspending ay hindi pa naibabayad. So ibig sabihin, either hindi pa nabibid-out, hindi pa naa-award or hindi pa natatapos yung project kaya hindi pa sila binabayaran.

QUESTION: So yun nga sir, hindi ba nag-short of service sila dahil hindi nila nagawa yung mga projects na identified?

FGE: Definitely. Tingin ko nga nabilaukan yung mga ahensya e. Nabilaukan in the sense na sobrang... ngayon lang siguro sa unang pagkakataon sa kasaysayan natin na may pera na pwedeng gastusin. Sa mahabang panahon, sanay sila na palaging tintipid yung pera, may reserve, may savings. Ngayon pinapagastos sila at tila nabilaukan yung mga ahensya at hindi nasanay ng ganitong karaming mga proyektong ipapatupad nila sa iisang taon lamang.

QUESTION: Sir gaano kalaki yung anti-corruption... parang environment na baka natatakot silang...

FGE: Sila lamang ang makakasagot siguro nun. Pero kung titingnan natin, ilan sa mga rason kung bakit hindi napapatupad ang proyekto ay kasuhan sa pagitan ng mga natalo at nanalong bidder. Arbitration sa pagitan ng gobyerno at nanalong bidder kapagka may nade-delay sa mga delivery. Isang dahilan din yun at tinitingnan namin amendment sa Procurement Law sa pamamagitan ng batas o sa pamamagitan ng implementing rules ng GPPB, ng Government Procurement Policy Board, para mawaksihan yung ganitong sitwasyon. Parang yung sa force protection unit 'di ba? 2011 pa yung pondong iniimbestigahan namin sa Blue Ribbon. 2011 pa yun e, dinisqualify yung bidder. Nagdemanda yung bidder so hanggang ngayon, hintayin natin yung resulta ng demanda ng bidder. Yung pondo hindi magamit, hindi ma-bid sa iba, although hindi na nag-comply yun natalong bidder.

QUESTION: Sir nabanggit na election budget yung 2016, ano yung safeguards?

FGE: The only reason why it is called an election budget is because it's a budget for an election year. Meaning 2016 is an election year, this is a budget for 2016. So natural tatawagin nila na election budget yan. Safeguards kaugnay ng transparency, safeguards kaugnay ng accountability, safeguards kaugnay ng line-item budgeting, upang sa gayon ay what you see is what you get sa budget. At dagdag pa siguro dito, marami kasing bill na hindi pa rin napapasa kaugnay ng anti-epal kung saan hindi na dapat pwedeng pakinabangan ng mga politiko ang mga proyekto na gobyerno naman ang pinanggagalingan ng pondo. Subalit hiwalay na panukalang batas yun.

QUESTION: papano ba magagamit yung budget para sa eleksyon sir? What should we watch out for?

FGE: Usually kasi ang sinasabi nila kaya election budget daw 'to, yung mga proyekto ipapatupad para sa eleksyon, pinangako ng pulitiko darating, pero dapat 'di ba ganun naman talaga ang ginagawa ng gobyerno? Kung ano ang sinabi nilag gagawin nila, dapat gawin nila at pondohan nila. Kung ano yung sinabi nilang programang ipapatupad, dapat ipatupad nila. Kung ang sinasabi ng ilang sektor ay huwag ipatupad ang mga proyekto dahil panahon ng halalan, may sapat na batas tayo diyan kung saan 'pag nagsimula na ang election period, hindi na pwedeng mag-bid ng project, hindi na pwedeng mag-implement ng project at hindi na pwedeng gamitin ng sinumang pulitiko o kandidato ang kanilang pangalan para sa mga proyekto tulad niyan dahil saklaw na sila ng Omnibus Election Code.

QUESTION: Was there any way sir in the past na nagamit yung budget po na pang-kampanya? O masyadong literal yung ganun?

FGE: Masyadong literal.

QUESTION: It was never done?

FGE: Halimbawa, mga mayor, mga governor. Ma MOOE sila e. So yung sasakyan, halimbawa lang, yung sasakyan nila na official car, gagamitin MOOE ng probinsya na sinasakyan din nila papunta sa isang lugar 'pag nangampanya sila. Yun na siguro yung pinakamaliwanag na ehemplo kung saka-sakali na nangyayari, nagaganap kung saan tayo magpunta dahil sila yung incumbent e. So halimbawa nagkaroon ng krisis, nagkaroon ng problema, nagkaroon ng kalamidad, so ginamit niya yung sasakyan ng gobyerno, yung equipment ng gobyerno para i-clear yung mga lugar, para iligtas yung mga biktima, ang tawag na ng iba dun e electioneering na o pangangampanya. Subalit trabaho niya yun dahil incumbent naman siya na opisyal. Hindi porke't may eleksyon o halalan, e wala nang biglang gagalaw at hindi na siya pwedeng gumanap sa tungkulin kung incumbent siya.

QUESTION: Sir yung sa 2016 budget, mas bubusisiin niyo na ba yung sa Philhealth kasi may lumitaw nang mga anomalies...

ON THE CONTROVERSY OF EYE CLINICS AND PHILHEALTH FUNDS

FGE: Ang pondo kasi sa Philhealth na nilalaan natin ay pambayad sa premium ng mga beneficiaries. Hindi naman siya sa pondo mismo ng Philhealth o pagpapatakbo ng Philhealth. Bayad premium yun e, hindi naman maintenance ng Philhealth mismo. Dahil yung Philhealth kinukuha yung kanilang pondo mula sa premium siyempre na binabayaran ng private members gayundin yung sponsored ng pamahalaan. Pero oo, tama ka, titingnan namin yung cheque bounce, yung safeguard mechanisms ng Philhealth, dahil ito matagal nang nangyayari sa ibang bansa. Kahit sa Medicare ng Amerika matagala na nilang ginagawa rin yun pero may nakakalusot pa rin. So isang bagay ito na dapat maging mulat ang Philhealth. Isang bagay ito na dapat maging conscious sila pero huwag naman porke't may anomalyang ganyan, titigil na nila lahat ng operasyon sa katarata ng mga beneficiaries at members nila.

ON THE "HYBRID ELECTIONS" QUESTION: Don sa hybrid elections, do we have the money for it

FGE: Hindi ako sigurado pero ginagamit ko lamang ang salita ni Chairman Bautista na P16 billion yon, sa ngayon walang ganong pera ang Comelec, depende kung sila ay manghihingi sa budget na darating, pero gaya nang sinabi ko, sana i-explore ng Comelec ang full na automated na system dahil para naman tayong tumatanda nang pabalik. Nakakadalawang fully automated elections na tayo bigang babalik tayo sa semi-manual, semi-automated, hindi naman dapat ganoon yon.

QUESTION: So you're objecting sir don sa hybrid

FGE: Titingnan namin yung kanialng presentasyon pero sa ngayon may manual option o may manual portion sa eleksyon, tututulan ko palagi yon sa simpleng dahilan, nakita natin mas mabilis ang pagbibilang, mas hindi nakakagalaw ang mandaraya, basta binawasan mo o tinanggalan mo ng human intervention, mas mahina at mas kulang o wala ang pandarayang naganap kaugnay ng mga nagdaang election noon.

QUESTION: Kung mas mahal yung hybrid, ano pa ang dahilan para i-consider pa?

FGE: Hindi ko rin maintindihan, gaya nang nasabi ko from fully automated, magiging partially automated, partially manual, tapos mas mahala pa, hindi ko maunawaan yon. Kaya ang panawagan ko nga sa Comelec, sana timbangin nila nang husto ang ikonsidera nila ang pagkakaroon pa rin, sa pangatlong pagkakataon, ng fully automated elections.

QUESTION: Di ba sir Congress din naman ang mag-aaprove tungkol sa pino-propose na hybrid

FGE: Ang problema, baka kulangin na sila sa panahon, kami ang mag-aaprove ng budget pero yung bidding procedures, yung mga requirements ng batas sa pag-award, kailangan pang i-print yon, lahat yon kailangan maisagawa at magawa way before the 2016 elections. Kaya yung desisyon nga at pagpasiya kung ano talaga ang gagamitin nila dapat gawin nila yon in the next couple of weeks, hindi na dapat umabot pa nang Setyembre yan sa pagharap nila sa budget sa amin.

QUESTION: So parang sinasabi nyo na dapat i-drop ngayon pa lang yung hybrid na option at dumiretso na sa full automation

FGE: Full automation, don naman talaga tayo galing. Kinasel kasi ng Korte Suprema yung project, kung naaalala nyo, so they have to undergo, go through the process all over again. Ang sinasabi ko, desisyunan na nila sa lalong madaling panahon at sana yung desisyon nila, hindi paatras, kundi pasulong sa mas maganda, mas mabilis, ma malinis na sistema. Hindi yung sa mas mabagal at isang sistema na mas may maaaring puwang sa pandaraya.

QUESTION: Pero kung ihingi nila ng budget sa Congress yung para sa hybrid, ano yung chances na ma-approve?

FGE: By that time late na, by that time late na. dapat makapagpasiya sila in the next two weeks. Hindi man baka gamitin nila yung savings nila, I think ang Comelec may savings ng humigi't kumulang na P5 bilyon sa mga nagdaang taon pa. Ito ay nasa kamay at hawak nila dahil independent constitutional body sila, so baka kunin nila mula don yung ilang pondong paggagamitan anuman ang kanilang desisyon. Hindi ko kayang diktahan at walang pwedeng dumikta sa Comelec kaugnay sa gagawin nila. Desisyon nila yon bilang isang independent constitutional commission. Ang sa akin ay panukala at pagtanong kung bakit tayo babalik sa pinanggalingan natin noon.

QUESTION: Hindi ba sir maba-violate ang automation law?

FGE: Sa pananaw ko hindi eh kasi sinabi lang naman ng batas automated eh, hindi naman sinabing, yun na nga siguro yung butas, hindi naman sinabing automated every step of the way, kaya nga tinitingnan nila di ba kung ang botohan ay mano-mano, ang pagbibilang ay mano-mano, ang pagsalin ay mano-mano, pero yung transmission ay automated.

QUESTION: May we have the budget but preparation wise hindi siya logical

FGE: It might be a little too late, in fact hindi ba nong kinansel ng Korte Suprema yung award nila, nagsabi mismo ang Comelec baka wala na kaming panahon na makapagpa-rebid uli, lalo na siguro kung bagong sistema altogether ang gagamitin natin.

QUESTION: On the part of the senate hindi nyo naman tututulan yung budget, sila na yung may problema kung hindi nila kakayanin yung preparation?

FGE: Actually hindi ko tututulan yung budget, kung ano yung kailangan nila para mapatupad ang isang malinis na halalan, anuman ang kanilang maging desisyon, yon ang dapat naming tungkuling gampanan. Alangan naman tipirin naming sila at hindi sila bigyan ng pera sa hinihingi nila at kailangn nila sa eleksyon. Mas mabigat na problema natin yon pag hindi natuloy o magkaroon ng failure of elections.

QUESTION: Hindi ba lalong sumisikip yung time kasi pumasa na naman ang Smartmatic as one of the bidders, and then may humaharang na naman sa Supreme Court

FGE: Sana maresolbahan yung mga kasong yon sa lalong madaling panahon. Yan nga ang isa sa dahilan kaya underspending ang gobyerno, yung dispalinghado at minsan may problemang proseso ng pagbi-bid at pag-award kaya tuloy nagkakaroon ng rason at butas para dalhin ang ahensiya sa korte para kuwestiyonin ang pag-award ng kontrata.

ON FLOOD CONTROL PROJECTS

QUESTION: Sir, 'yung sa flood control project?

FGE: Titingnan namin 'yung level of implementation kung apektado din ba 'yan ng underspending o hindi. Hindi makakaila, hindi kasingsama, bagaman nagsisimula pa lang ang rainy season, ang pagbaha sa iba't ibang parte ng Metro Manila. Baka nga bumuti pa 'yun kung nagastos at kung magagamit talaga ng todo yung funding na inilagay natin para sa flood control sa taong 2015. 'Yun lamang naman ang pakay at layunin namin para silipin 'yan bilang pagganap sa aming tungkulin at hindi paglabag sa DAP at PDAF ruling ng korte.

ON LTO LICENSING ISSUE

QUESTION: Sir dun sa LTO Licensing (inaudible), ano pong mga flaws ang nakita ng committee ninyo?

FGE: May nagtanong lamang sa akin, itong si Jeffrey nagtanong, may nagtanong lamang kung iyung budget ba daw ay valid na gamitin para dun? Ang sinasabi kasi nilang source ay 2014 Budget. Pero ang 2014 Budget bagama't may MFO na nakalagay doon para sa registration, licensing. Hindi naman na-specify na para license plates talaga 'yon. Dagdag pa siguro doon. May probisyon kami sa 2014 Budget tulad ng 2015 Budget na kapag lump sum amount ito, hindi ito awtomatikong puwedeng gamitin ng isang ahensiya kung walang iniisyung SARO at NCA ang DBM bilang control mechanism at pag-submit ng listahan sa amin kaugnay ng paggagamitan ng lump sum fund na iyon. Both to the House Appropriations Committee and the Senate Finance Committee. Wala kaming ganoon na dokumentong natanggap kaya malamang isa sa mga dalawang bagay 'yon. Nilabag nila ang probisyon ng budget kaugnay sa paggamit ng lump sum amount na iyun para sa license plates o hindi talaga 'yon ang pinagkuhanan nila at itinuturo lamang na iyon ang pinagkunan nila. Isang bagay na liliwanagin namin kapag magkaharap-harap kami sa budget proceedings.

QUESTION: Pati yung (inaudible) meron pa bang iba?

FGE: Yes. Napakita naman. Naipalabas na rin sa hearing. Bakit may dagdag singil at bakit 'double booking' ang pagsingil? Tingnan ninyo na lamang ang OR ng inyong mga sasakyan. Double booking ang pagsingil. Binago mo na nga, inobliga mo na nga. Kahit 'yung luma nandoon naman. Maliban sa kulay, wala naman akong nakitang espesyal e. In fact, ang paglalagay ng plaka hindi naman talaga LTO ang naglalagay e. At kung turnilyo lamang pala ang ipinagbago sa plaka bakit hindi na lamang natin pinalitan ang turnilyo ng mga lumang plaka? Hindi ko ma-gets talaga 'yon.

QUESTION: Security feature?

FGE: Nasaan? Ang security feature lamang na alam ko ay yung turnilyo e. Doon sa plaka napaka-plain naman e.

QUESTION: Hindi madaling masira ang bagong plaka?

FGE: In fairness kahit naman iyung lumang plaka madali namang masira e. Ang tanong lang kung madaling mabura ito? 'Yan siguro ang isang aabangan natin.

QUESTION: Sir pinapatanong lang. Ang deadline daw for LTO to submit documents to COA lapses tomorrow, where to talk to LTO officials (inaudible)?

FGE: Actually we talked to, the LBRMO, will talk to LTO and ask them about where they've charged it? Ang itinuro nga nila ay doon daw. At ipinagbigay alam namin sa kanila. Nasaan ang notice naming? Nasaan iyung SARO? Nasaan iyung NCA? Ang problema verbal lamang ang aming komunikasyon. Hinihintay namin silang magsumite ng pormal na sulat para hindi mabago at maliko iyung kuwento.

QUESTION: Sir yung sa SARO paano nila nagamit, sa kanila din ba 'yun?

FGE: 'Yan din ang tanong namin. Kasi tingin ko galing sa fees ito. Tingin ko galing sa fees na sinisingil nila iyung ginamit nila dito hindi naman talaga pondo ng gobyerno.

QUESTION: Sir, ano dapat gawin ng LTO ngayon?

FGE: Magpaliwanag, magpakatotoo , at ah... magpranka sa publiko kung saan kinuha ang pera para dito at bakit nila ginagawa ito?

QUESTION: Malakas ba sir yung indications dito na galing sa 2014 Budget?

FGE: Iyun ang lumalabas dahil kulang sila sa dokumento isinusumite sa amin. Maski ang COA hinihingi ang dokumento mula sa kanila dahil kulang iyun nga ang pinag-charge-an nila. So isa nga lang sa dalawang bago iyan. Hindi 'yun ang pinagkunan nila ng pondo o kung 'yun man hindi sila gumanap at sumunod sa tinatalaga ng batas kaugnay sa paggamit ng item at pondong 'yun. Iyung page number kasi at item na binigya nila hindi talaga pupuwede eh. Because even at the time that they bid it out wala pa yung SARO, NCA na nanggagaaling sa DBM.

QUESTION: So either way sir may problema?

FGE: Either way may problema talaga sila at tingin ko tama ang COA sa paglabas nila ng mga findings laban dito.

QUESTION: Last na, if LTO will be asked to temporarily stabilized its plates deal what will happen to those who already paid for their news plates?

FGE: Ang korte ang magdedesisyon at liliwanagin ng korte iyan kaugnay ng TRO, parang 'yung ginawa nila sa PDAF kung naalala niyo yun. 'Yung nagawa na, dapat bayaran. In this case 'yung nabayaran na dapat ibigay na. At kung anuman ang magiging hakbang na dapat gawin para ma-rectify, ma-correct o ma-cure ito 'yun ang dapat gawin ng LTO. Pero definitely walang pwedeng masagasaan o matamaan lalo na kung naglabas na sila ng pera.....option dun ibalik syempre.

News Latest News Feed