Press Release
July 19, 2015

SEN. GRACE POE PRESS CONFERENCE TRANSCRIPT
KORONADAL CITY

EMCEE: Magandang Umaga po sa lahat. Good Morning everyone and welcome po sa lalawigan ng South Cotabato in relation to our T'nalak Festival and foundation anniversary. Before we start with our presscon, we would like to ask an opening statement sa ating mga panauhin ngayon. So I think we'll call the ladies first, Senator Grace Poe for her opening statement.

SEN. GRACE POE: Maayong aga po, maaga pa naman ng konti, sa inyong lahat. Ako'y masaya na naririto ngayon sa isang napakasayang pagsasama ng ating mga kababayan para sa T'nalak Festival. Pagpunta pa lang namin dito nakita namin agad ang kagandahan ng lugar at nakita rin namin ang ibang sumali sa kompetisyon. Kaya po nakakatuwa ang okasyon na ito.

SEN. CHIZ ESCUDERO: Maraming salamat sa pagkakataon at sa pagpapaunlak sa imbitasyon na makapiling at makausap kayo, lalo na yung mga local media mula sa South Cotabato. We look forward sa isang magandang palitan ng pananaw at kuro-kuro kaugnay sa lokal at national na issues.

EMCEE: Thank you very much. Cong. Mark?

CONG MARK VILLAR: Binabati ko po lahat ng taga-South Cotabato at ako po'y nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin. Ako po ay nag-enjoy dito sa ating fiesta. Maraming salamat po.

EMCEE: Kasama rin natin ang aming Congressman Hernandez.

CONG. FERDINAND HERNANDEZ: (inaudible) imbes na bigyan ninyo ng atensyon. Maraming salamat sa pagpapaunlak ninyo. Alam ko most of you ay excited to ask questions so I'll give it to...

EMCEE: Anyway I was instructed na ang pagtatanong po natin ay ganito nalang. Una ay dalawang local media because we would like to also welcome our national media here. Mayroon po tayong kasamahan sa media na from Metro Manila. So two local followed by two national media, kung maari po lamang ay magtanong po tayo ng isa. If you have follow-up questions you're allowed to, but only one question. Hahabol pa po tayo ng lunch natin sa South Cotabato Gym. From the local media po. Bago po kayo magtanong, maari po bang magpakilala kayo and what media you're representing.

QUESTION: Good morning ako po si Frankie Gatbunton from dxGS, General Santos. Pamangkin ko. Mayroon kasing ano, lumabas sa balita na nagkaroon daw ng meeting si presidente, si Sen. Poe, Sen. Escudero and si Secretary Mar Roxas. Ano pong napag-usapan doon sa meeting na iyon? Pwede na ba naming malaman, para at least maibulgar na namin dito sa mga tao sa Mindanao.

POE: Hello Uncle Frankie, actually yung tatay ko sa side ng kanyang nanay may mga Gatbunton. E galing Pampanga yung iba, tapos yung iba nanirahan na dito sa Mindanao. So parang mas bumata kayo kaysa noong 2013. Yung aming pinag-usapan, kung ano man ang nilahad namin sa media ay yun lang po talaga yun. Alam mo siyempre magkakakilala kami at magkakaibigan kami sa labas ng pulitika, so marami ring kwentuhan ang naganap doon. Ang pangulo naman hindi direktang nagsabi o nagtanong tungkol sa kung ano mang particular na posisyon ang dapat takbuhan namin o kung ano pa man. Basta ang malinaw nga, sinasabi niya na maaring manganib ang mga naumpisahang reporma na kailangan sana ay maipagpatuloy pa para mas maging maunlad ang ating bansa dahil marami nang nagawa ang administrasyon, subalit aminado naman ang lahat na marami pang kailangang gawin. Lalong-lalo na pagdating sa inclusive growth na sinasabi natin na mararamdaman hanggang sa ibaba ang kaginhawaan.

ESCUDERO: Mas marami kaming kinain kaysa pinag-usapan at pinagkasunduan.

QUESTION: Follow up question, Senator Poe and Senator Chiz, what are your plan this coming 2016? Are you running or..?

POE: Kagaya nga ng mga nabigkas ko na, importante talaga na magdasal at talagang pag-isipan mabuti kung anong gagawin sa 2016, sapagkat ang desisyon namin ay hindi makakaapekto lamang sa aming pamilya o sa aming mga sarili kundi sa ating bayan. Unang-una, kung tatakbo ka, isa ka sa pagpipilian. So ano ba ang magagawa mo para sa bayan? Ano ba yung maitutulong mo--yun yung pinakamahalaga at ang mga bagay na yan bago makapagdeklara ang dapat na nabuo mo na sa iyong isip at may listahan ka nang ipriprisinta. Kaya sa ngayon, nandoon pa rin kami sa puntong pinag-aaralan namin ang mga bagay na yan. Kaya nga pumupunta rin kami sa iba't ibang lugar sapagkat napakahalagang malaman ng lahat na hindi lang naman Metro Manila ang kailangan naming tutukan. Lalong-lalo na po sa buong Pilipinas-- yung ating mga lugar sa rural provinces, na kung saan doon talaga marami ang mahihirap na kailangan nating tulungan.

ESCUDERO: Hindi naman namin ikinakaila. Pinag-uusapan namin at pinag-aaralan ang magiging papel na gagampanan namin sa 2016 bilang kandidato man o hindi. Pero sa kabila noon nasabi at sinabi ko na, kay Grace at sa publiko, ano man ang kaniyang maging pasya bilang kandidato o hindi, para anumang pwesto, tulad ng pagtulong at pagtaya na ginawa ko sa kanyang ama nakahanda akong muling gawin yan sa kanya. Uulitin ko, bilang kandidato o hindi. Pati si Mark, bilang kandidato o hindi nasa likod din niya ako.

QUESTION: Matanong ko lang po, from RGMA General Santos, kasi bulong-bulungan na it's either Roxas-Poe tandem or Poe-Roxas tandem sa 2016 o baka Poe-Escudero tandem. Kung sino po ang pwedeng sumagot.

ESCUDERO: Ikaw ang sasagot noon kasi Poe-Roxas, Roxas-Poe daw e. Ikaw ang sasagot.

POE: Ang importante ay ang indibidwal naming pananaw, kung anong magagawa namin sa bayan. Ngayon, hindi naman po kaila, 2004 pa lang kasama na namin si Senator Chiz dahil siya ang tagapagsalita ni FPJ, marahil nakalimutan ng iba. Pero yun po, hanggang sa namayapa ang tatay ko magkasama pa rin kami. Nag-rarally laban sa nakaraang administrasyon. Hanggang sa tumakbo ako noong 2013. Di'ba Uncle, sino ba ang magkakasama? So hindi naman po kataka-taka na kahit sa aming pag-iikot ay ganun. Pero gaya nga ng sinabi ni Senator Chiz, marami pa kaming pinag-iisipan. Ako nama'y nagpapasalamat sa kanya na kung ano pa man ang aming hakbang ay suportado namin ang isa't isa.

QUESTION: Yung Escudero-Poe tandem?

ESCUDERO: Katulad ng sinabi namin kanina. Pinag-uusapan, pinag-aaralan hindi namin ikakaila iyon. Pero wala pang pinal na desisyon. May nagtanong minsan sa amin, ilang porsyento na ba? Ilang porsyento man yan hangga't hindi pa isandaan, hindi pa rin isandaan yan at wala pa ring pinal na desisyon.

QUESTION: Yung concern po sa fund closure na naapektuhan ang Tuna industry I don't know kung nakakaabot sa Senado, itong (inaudible) kung saan nagsara po for almost 3 months. Paano po ba ang maitutulong natin sa fishing industry particular sa General Santos and South Cotabato?

VILLAR: Sa ngayon kasi bilang chair ng Committee of Trade and Industry, pinag-aaralan namin kung paano makakatulong sa mga industriya. Kami naman, nais naming magbigay ng dagdag na insentibo sa lahat ng mga negosyante. Ito po ang pinakamagandang tulong na pwede naming ibigay sa mga taga-GenSan, sa mga taga-Koronadal at South Cotabato. Kaya mamaya po iikot din ako sa mga projects ng DTI at aalamin ko rin kung anong paraan. Pero sa Congress I can assure you na titignan namin kung anong magandang insentibo na pwede naming ibigay sa mga fishermen at businessmen dito po.

QUESTION: Senator Grace and Senator Chiz actually I have 3 question pero paiikliin ko lang. Balikan po natin yung dinner, was there any point during the dinner na kayo ay pinapangako ng pangulo o hiningan ng commitment na sino man ang kandidato niya ay hindi kayo aalis sa administrasyon?

POE: Wala. Walang binanggit na ganoon ang ating pangulo. Ni pagsabi nga na anong mga plano ninyo? Wala. Wala ring nabanggit na ganoon. Ang paulit-ulit na nga niyang sinasabi ay syempre sana maipagpatuloy at mas maging malakas pa ang pagsasama-sama. Pero nabanggit din kasi niya na importante rin na marinig natin kung ano talaga ang gusto ng ating mga kababayan. Iyon lamang yung nabanggit niya.

QUESTION: Meron din po bang punto doon sa pag-uusap ninyo na naramdaman ninyo, na parang sinasabi sa inyo o parang pinaparamdam niya sa inyo na hindi niyo na dapat i-consider or paglaruan man lang yung idea na tumakbo sa mas mataas na pwesto?

POE: Alam mo minsan kasi kahit na kaibigan mo ang pangulo, mahirap din basahin. Kahit na magkaibigan kayo, kapag pinag-usapan ang mga bagay na iyon, pormal. Wala talagang nabanggit o napahalata na parang, huwag mo nang ikonsidera kahit kanino, kahit isa sa amin. Pero iyon nga, gusto niyang patuloy na nag-uusap. Ganoon din naman nung tumakbo ako bilang senador. Kausap ko ang pangulo, palagi niyang sinasabi sa akin na, hindi madali, hindi madali ang tumakbo. Ang pangulo naman natin, naniniwala ako sa kanyang sensiridad. Kaya nga po hindi naman siguro siya bolero.

QUESTION: My final question ma'am. May isa pa pong pagpupulong sa susunod na linggo, so kung hindi po masyadong naging diretso yung mga unang pag-uusap ninyo noong nakaraang dinner. What's the point of another meeting?

POE: Unang-una, wala pa namang kompirmasyon kung talagang matutuloy. Napag-usapan lang na siguro pwede tayong magkita-kita ulit. Pero wala namang kompirmasyon ng petsa. Ngayon, ano yung point ng meeting.?Unang-una, pangulo natin siya. Kung ano man ang kanyang mga pananaw, napakahalaga, sapagkat siya ang nagpapatakbo ng ating bansa. At isang pribilehiyo ninuman na marinig ang kanyang panig. Pangalawa, kaibigan naman ang ating pangulo at masaya rin namang siyang kausap. Hindi naman palaging pulitika. Kaya doon lamang sa dalawang bagay na iyon, ay hindi naman aksayado ang aming panahon. Sapagkat yun nga, pribilehiyo iyon. Pangalawa, ginagalang natin siya. Pangatlo, kasama natin siya. Pero pagdating sa pagdedesisyon, karangalan man makuha ang endorso ng isang pangulo katulad niya, ito pa rin ay isang personal na lakbay. Isa itong personal na desisyon. Sapagka't kahit may endorso ka nino man, ang importante sa lahat ay may pananagutan at commitment, at kung ano mang magagawa mo para dito.

QUESTION: Ma'am, Sir testing the waters po ba yung nangyari kanina na magkasama kayo ditong dumalo? Tiningnan ba ninyo ang reception sa inyo ng mga tao incase matuloy kayo sa 2016?

ESCUDERO: Iyon nga yung rason tinatanong kami ni Mark kung ito ba ang kulay namin dahil nakaputi kami. Iyon ang rason kung bakit kami nagsuot ng puti, para hindi ninyo bigyan ng kulay pulitika yung ginagawa namin.

QUESTION: So wala Sir, ni hindi niyo man lang...?

ESCUDERO: Naimbitahan kami, nagkataon ng sabay. Nalaman namin iyon matapos kaming maimbitahan ni Governor Daisy maging bahagi ng pagdiriwang na ito at sa parte ni Senator Poe, para na rin makabalik at makapagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya dahil una, pangalawa niyang pagbisita ito dito sa Koronadal at sa South Cotabato.

QUESTION: Kay Senator Grace. Ma'am yung speech niyo po kanina parang yung iginigiit ninyo dapat sa isang lider may puso at matapat. Pasaring ba iyon?

POE: Hindi, hindi. Alam ninyo, magmula naman nung tumakbo ako noong 2013 at bago pa noon, sa MTRCB, naging inspirasyon ko naman yung alaala ni FPJ. Kung naalala ninyo noong 2004, napakabata mo pa noon, hindi ka pa nagcocover. Pero sinabi ni FPJ, importanteng matalino ka pero ang importante sa lahat may puso ka. At nakita rin natin kung paano namuhay si FPJ na tapat siya sa kanyang kapwa. Alam mo, sinasabi nilang ang karanasan ay importante, pero importante rin ang papalaki ng magulang at kung ano ang mga natutunan mo sa kanila. Sapagkat ang mga bagay na natutunan mo ng limang taon o halimbawa sampung taon ay walang panama sa mga bagay na natutunan mo magmula noong sanggol ka pa lamang hanggang sa lumaki ka. At ako naman po ay kumpiyansa sa mga nabahagi sa akin ng aking mga magulang na ayoko naman ding iwaldas, kaya nga po sa aking trabaho, yung puhunan ko alaala nila at ang alaala nila ay nagpapaalala sa akin palagi na maging maayos sa aking trabaho, maging tapat at magkaroon ng malasakit sa mga pinaninilbihan ko.

QUESTION: Ma'am, si Congressman Villar is here from Nationalista and back in Manila laging sinasabi ni Senator Villar na ongoing yung talks. So magkakasama kayo ngayon, is there any sign na malapit na mag-deal or what?

VILLAR: Sinabi po ni Senator Chiz kanina na kaya kami nakaputi para wala nang...

ESCUDERO: Hindi ka nakaputi e.. (laughs)

VILLAR: ...Para wala nang halong pulitika, ako naman ay nandito po ako nakikipiyesta po ako sa mga taga-South Cotabato, sa taga Koronadal. But I've always been impressed with Senator Chiz and Senator Grace, nakasama ko sila noong nakaraang kampanya, aside from being very intelligent, napakabait, and I'd like to thank them also for including me in this presscon.

ESCUDERO: May follow-up question ka kay Mark? (laughs)

QUESTION: Yes. You're running for Senate sir?

VILLAR: Sa ngayon po wala po akong plano, pero baka by August magdedecide na po ako. As of now, malapit na po. Marami po akong iniisip ngayon, so aside from that, siguro by August po may desisyon na po kami.

QUESTION: How open is Nacionalista with the possibility of adopting Senator Grace and Senator Chiz since wala pa naman kayong pang-president tsaka pang vice?

VILLAR: Well, the Nacionalista Party is open to any possibilities, wala pa pong desisyon ang partido. So actually, siguro in the next few months magkakaroon din po kami ng meeting at siguro dun namin malalaman kung ano yung stand ng partido.

QUESTION: Magandang umaga po, mam, sirs. Babalikan ko lang po yung dinner niyo with President Noynoy Aquino, I know you already answered kung hanggang saan yung puwede niyong sabihin, but from the very start, alam naman ng lahat and even P-Noy na very rock, solid yung suporta ninyo, Senator Grace and Senator Chiz, sa isa't-isa, hindi kaya nag-aalinlangan lang si Pangulong Noynoy Aquino na sabihin kung ano ang dapat niyang sabihin at marinig sa inyo, kaya hindi siya nagsasabi ng kung anong commitment, o ano yung hinihiling niya sa inyo, sa halip, bilang mga kaibigan din, ay manggaling na mismo sa inyo kung ano man yung ninanais at sinasabi ng Liberal Party na Roxas-Poe or kung ano man. Na sa inyo na mismo manggaling dahil paulit-ulit yung meeting or at least magkakaroon pa ulit ng panibagong meeting at wala pa ring napapagkasunduan hanggang sa ngayon.

ESCUDERO: Hindi maikakaila na nabibigatan ang kalooban ni Pangulong Aquino dito sa isyung ito, sa dalawang bagay marahil. Una, puro niya kaibigan, pinaniniwalaan at naniniwala siya sa mga kausap niya noong hapunang iyon. Pero pangalawa at higit pa roon, nalalaman at naiintindihan niya marahil na siya ay Pangulo ng buong bansa, hindi lamang ng kapartido niya, siya ang Pangulo na bumoto at hindi bumoto sa kanya, ng gusto at ayaw sa kanya at anumang pasya ang gagawin niya, hindi lamang sa ngalan ng kapartido, kagrupo o ng may gusto sa kanya, sa ngalan ng lahat. At dagdag pa siguro dun, nalalaman din marahil ni Pangulong Aquino na ang sa dulo, gaya nga ng sinabi ni Senator Grace sa kanyang pahayag kaugnay ng meeting, sambayanan pa rin naman ang magpapasya at magdedesisyon, at hindi para kanino man, isang tao o isang grupo, maski na mataas pa ang posisyon na inaangkin o pinanghahawakan, na magdesisyon sa ngalan nating lahat.

QUESTION: Senator Grace, alam po natin na wala pang napapagkasunduan pero papalapit na ng papalapit yung sinet ni Pangulong Aquino na deadline para sa sarili niya na mag-endorso. Kung saka-sakali, if he pops out the question, are you willing to slide down or is Senator Chiz really part of the political package, slide down meaning be the vice-president of Senator Mar or Senator Chiz is really part of the package no matter what your support for each other, yung sinasabing rock solid na sinusuportahan niyo yung isa't-isa.

POE: Alam niyo po, hangga't hindi tayo nakakarating sa puntong pagdedesisyon na yan, mahirap pangunahan. Unang una, ayokong pangunahan ang maaring itanong ng ating Pangulo, pangalawa, ayoko ring pangunahan ang aking sarili, sapagkat yun nga ito'y isang proseso na iniiisip ng iba, ang tagal naman mag-isip, hindi po, hindi po matagal, sapagkat ito po'y magiging anim na taon na commitment sa ating mga kababayan at ano ba naman ang ilang linggo, o buwan pa para pag-isipang mabuti iyan.

QUESTION: Alam po namin na hindi niyo po gustong pangunahan, kaya lang, follow up lang sa second question, ayaw niyong pangunahan, kaya lang of course, hindi rin naman po kayo sasagot o mag-iisip lang o magpa-plano sa mismong pagkakataon na itatanong sa inyo ng Pangulo. So of course, that's already part of the plan, kumbaga, ngayon pa lang iniisip niyo na yung mga possibilities kung sakali mang may i-pop na question, whether maging kayo ang standard bearer or kayo ay magiging vice-presidential candidate ng Liberal Party, that's why I'm asking, we keep on asking this question, it's because you will not only decide on the moment that the President will ask.

POE: So what you're asking is what my response would be at that moment if it were now?

QUESTION: Kumbaga parang ngayon po, sa ngayon ba, ay parte na o bahagi na ng iniisip ninyo yung kung halimabawa na hilingin niya na kayo ang maging standard bearer o hilingin niya na kayo ay mag-slide down at maging vice president?

POE: Siyempre kasama din yan sa aking pag-iisip, natural. Pero pag tinanong niya ako ngayon, anong magiging sagot ko, e siyempre sasabihin ko Mr. President, bigyan mo pa ako ng ilang panahon para pag-isipan iyan. (laughs)

QUESTION: Mam, on another topic, what do you think, Senator Grace and Senator Chiz, what do you think of Binay's statement na one-to-sawa for local executives, ano yung tingin niyo? Ano yung reaksyon ninyo nung sinabi ni Vice President Jejomar Binay tungkol doon?

ESCUDERO: Walang iisang taong nagmamay-ari ng lahat ng talento, talino, galing at magandang intensyon para sa ating bansa. Walang dapat mamuno ng panghabangbuhay. Give chance to others ika nga. Hindi ako naniniwala at hindi ko susuportahan ang panukala niyang iyon kung ihahain man sa Senado.

POE: Ako naman kasi, mayroon tayong kasaysayan ng pang-aabuso. Hindi ko sinasabing sa national lang, ano. Ang importante kasi dito, kaya nga tayo nagkaroon ng term limit, na isang term lamang dahil dito po sa ating bansa in particular, napakalakas po ng kapangyarihan ng isang president. Hindi po masyadong balanse minsan ang kapangyarihan. Hindi katulad sa ibang bansa halimbawa, na talagang napipigilan ng ibang sangay ng gobyerno. Kung ikaw ay isang nakaupong pangulo at tatakbo ka ulit sa isang eleksyon, nakakatakot ang kapangyarihan sapagkat nakita natin na maaring gamitin ang pwesto para impluwensiyahan ang ibang mga kasapi sa gobyerno. Nakita natin iyan noong nakaraang administrasyon, ginamit ang makinarya ng gobyerno. Kaya mahirap talagang magkaroon ng paulit-ulit na term kapag ikaw ay isang pangulo.

QUESTION: Huli nalang po Ma'am. Binanggit ninyo sa statement ninyo before na, pinakamahalang isaalang-alang ang boses ng bayan sa inyong pagdedesisyon. So bahagi ba nito or are you really referring to the surveys? Pagdating sa pagdedesisyon kung sino na ba dapat ang tatakbo sa pagkapangulo, sa pangalawang pagkapangulo?

POE: Alam mo unang-una hindi ko po iyan statement. Nag-usap kami, nagkasundo kami. Sa isang statement, sinulat pa nga namin para magkalinawan. Pero ito po ay nasa Ingles, tinagalog ko lamang. With the guidance of the people. So gabay ng ating mga tao, syempre gabay at boses ng ating mga kababayan, importante po iyan. Ngayon po anong ibig sabihin nito? Survey ba? Isang indikasyon ang survey. Pero hindi lamang po yan. Pangalawa rin po siguro ay ang mga konsultasyon na gagawin natin, at makikita naman na natin kung ano ang kakayanan ng isang lider kung nakatutok ba siya sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa panahon ngayon.

QUESTION: One question na lang po, since may sinasabi pong meeting ulit next week, ano po ba yung inaasahan niyo or hininintay niyong marinig from the president para makatulong sa pagdedesisyon niyo na hindi pa nababanggit in the previous meetings?

ESCUDERO: Tulad ng sinabi ni Senator Grace kanina, wala pang katiyakan na magkakaroon ng isa pang meeting sa darating na linggo. Ayaw naming pangnahan, pagkakataon o hindi, yung ganyang uri ng pagpupulong. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano. Pero palagi kaming tatanaw, rerespeto at bibigyang halaga ang imbitasyon ng pangulo para sa anumang bagay.

QUESTION: Okay sir, meron lamang po kaming katanungan, mula sa DZCP General Santos City. May sinabi si dating Senador Ping Lacson at parang sinusugan ito ni Senador Serge Osmena tungkol dun sa budget na nadun pa rin nakatago yung pork barrel. Ano po ang masasabi niyo dito?

ESCUDERO: Ako na po ang sasagot bilang chairman ng Finance Committee. Nakausap ko si Senador Lacson, hiniling ko ang datos niya, at sinabi kong titingnan ko ang kanyang mga puna at obesrbasyon tungkol sa budget. Pero bilang diretsang pagtugon, kinopya ko po ng verbatim at diretso ang desisyon ng Korte Suprema sa PDAF case. Nakalagay at nakapaloob po iyon sa General Appropriations Act ng 2015. Kaya kung anuman ang sinabi ng Korte Supremang bawal at illegal, bawal at illegal po iyon sa ilalim ng 2015 budget. Ngayon kung may gumagawa nun at lumalabag nun, dapat po silang kasuhan pero nadoon na po yun sa budget. Pangalawang sinabi niya kaugnay ng lump-sum funds, hindi naman po pwedeng walang lump-sum. Halimbawa na lamang calamity fund, paano namin malalaman kung ano yung bahay, tulay, kalye, gusali na masisira. Malalaman pa lamang naman yung pag may tumama nang kalamidad. So pwedeng lump-sum talaga iyon pero naglagay kami ng probisyon na nagsasabing bago nila magamit yung lump-sum, kailangang mag-submit sila ng itemized listing o special budget, copy furnished ang Kongreso, ang COA at ang DBM bago po nila magamit iyon para may chek at balance at safeguard tayo sa pang-aabuso ng sinumang may plano na pagsamantalahan ang pondo ng bayan.

QUESTION: You know naman po Senator Grace na you are the top ano talaga dito sa South Cotabato. So may chance talaga ng maging preisdnet kung dito iheheld di ba? Talagang number one ka namin, Ganun ka namin ka-love So my question is ano ba talga ang stand mo for the Bangsamoro Basic Law?

POE: Maraming salamat sa moral support. Gusto ko rin sabihin sa mga taga-South Cotabato na maraming salamat kasi Ilonggo man kayo, damu guid salamat sa inyong pagsuporta sa isang masasabi na ninyong kababayan kasi galing din akong Iloilo, marami sa inyo galing ding Iloilo o sa Bacolod. Para dito sa Bangsamoro, ang layunin nito ay para magkaroon ng sapat na suporta para sa ating mga kababayan dito sa nga Bangsamoro territories. Sa ating mga kapatid na Muslim. Ang layunin hindi masama kaya lamang po yung ibang mga probisyon hindi po kami sang-ayon. At marami po kami sa Senado ang talagang nag-iingat tngkol diyan lalo na pagdating doon sa opt-in na sinasabi. Nabanggit nga ni Senator Chiz kanina, huwag tayong mamimilit ng mga ayaw sumama at isa pa, napakahalaga kasi na yung plebesito na mangyayari diyan, kung magkakaroon ng ganun ay pag-aaralang mabuti. Unang una, malinis ba takaga yung halalan na yan kung magkakaroon ng plebesito para diyan. Pangalawa, yungmga kasapi ba, yung mga miyembro ba ng komunidad na yun naiintindihan nila yung mga issues? Dapar talaga merong mga proper... parang mga lecture, parang mga kunyari public information para diyan. Kaya hindi ako sigurado dun sa opt-in. Merong isa nagsasabi kung meron mang ganyan ay siguraduhin talaga na ayusin natin ang proseso para masiguro na walang dayaan at pangalawa, dapat meron ding opt-out. May mga sinasabing ganun no. Hindi ko sinasabing yun ang sa akin, pero isa yan sa dapat pag-aralan na merong trial period like five or ten years tapos merong opt-out din depende sa sitwasyon.

QUESTION: Ano yung mga tipping point maliban doon sa pag-endorso ni P-Noy at sa deadlne ng filing ng certificate of candidacy before you decide to run as candiate or both of you to run as tandem in the 2016 presidential race?

POE: Alam niyo para sa mga journalists, halimbawa sa mga writers, sabi nila, what is your biggest inspiration? At ang sabi nila ay deadline. Alam mo minsan, ganun din ano, nag-iisip ka, you have the luxury of time pero pag lumalapit na, mas lalo kang nakatutok sa pag-iisip mo kaya masabi man ninyo na parang hindi kapani-paniwala pero talagang ang deadline talaga ang pinakamag-uudyok sa amin na magkaroon na ng desisyon. Peor kasama kasi dun, hindi lang naman tatakbo ba ako o hindi. Siyempre mag-iisip kami, ano ba talaga ang magiging programa, plataporma? Sino-sino ba ang pwede nating pagkatiwalaan. Nakita ko po ang hirap na pinagdaanan ng tatay ko noong 2004. Kaya sa aking personal na karanasan dito, mahirap pumasok po na hindi buo ang loob mo. At sa puntong ito, ang pinakamasaya lang sa akin ay nabibigyan ko ng karangalan ang aking tatay sa sa aking kinaroroonan na ngayon sa Senado. Nakakatulong na ako kahit papano. Kung saka-sakali man ang naiiisip ko, mas marami akong matutulungan. Yun po ang nagiging layunin at inspirasyon.

QUESTION: Kung sakali, what party or organization will you run under? Because right now you are an independent and Senator Chiz is also on-leave sa NP.

ESCUDERO: Una po hindi ak on-leave sa NP, independet din po ako at wala akong kinabibilangang partido. Tumakbo man kami o hindi ni Senator Grace, mananatili kaming independiyente at wala kaming balak pareho pumasok sa anumang partido, tumakbo man kami o hindi sa darating na eleksyon. Tumakbo kami noong 2013 bilang mga independent at anuman ang papel na gagampanan namin sa 2016, mananatili kaming independent.

QUESTION: Metioric po yung pag-rise niyo. Two months ago, you are not even a viable candidate. How does it feel right now na you are the frontrunner in surveys?

POE: Ako naman talga sabi ko nga buong mapagkumbaba akong nagpapasalamat. Siyempre nakakataba ng puso iyan, para sa akin naman kapag sinabing mataas ka sa survey, mas tintingnan ko pa nga ang performance rating sapagkat diyan talaga nakasalalay kung sa tingin ba ng ating mga kababayan ay ginagampanan mo ang iyong tungkulin at pangako sa kanila. So para sa akin, yun ang pinakanagbibigay sa akin ng inspirasyon na merong feedback sa ating mga kababayan. Yun lang naman para sa ngayon. Kung para tumakbo o hindi, hindi maaaring sapat kasi iyon. Yun nga, kung ano pa ang mabibigay mo bago makapagdesisyon.

QUESTION: Sa inyong dalawa po, kay Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero, kung sakali po hindi kayo magkasundo, negative question ito ano, hindi kayo magkasundo ni presidente, saan kayo sa 2016?

ESCUDERO: Anong ibig sabihin niyo pong kung hindi magkasundo? At ano po ibig sabihin ninyong saan kami?

QUESTION: Hindi kayo i-endorse ni presidente...

ESCUDERO: Matagal ko na pong sinasabi, paninindigan at prinsipyo, ang pagtakbo sa isang halalan hindi dapat nakasalalay sa isa o ilang tao maliban sa sarili mo. Kung ang isang kandidato ay magpasyang tumakbo, dapat angkinin niya ang desisyong iyon at hindi niya ipasa kaninuman, Ang kabaliktaran po nun, ang ibig sabihin po nun, maski na i-endorso nino pa man ang isang kandidato kung ayaw niya, hindi pa rin po siya dapat tumakbo. So personal yung desisyon ng pagtakbo, Wala pa nga lang po kami dun.

POE: Ganun din po ang aking kasagutan, siyempre maganda at isang karangalan na maendorso ng katulad ng ating pangulo. Siya'y isang kaibigan at isang ginagalang na pinuno, pero sa puno't dulo po niyan, kung ano ang kakayanan mo at ang personal mong pangako sa ating mga kababayan ang dapat manaig.

QUESTION: Sen. Chiz, sinabi ninyo kanina na ang kabataan ay di lamang pagasa ng bayan hindi ng hinaharap kundi ngayon na. Anong mga proyekto para sa kabataan ang maisusulong o naisulong ninyo?

ESCUDERO: BIlang chairman ng committee on finance, palagi naming nilalagyan ng pinakamalaking pondo at budget ang edukasyon, bilang pagtalima din sa probisyon ng saligang batas. Hindi maikakaila na maraming kailangan at marami pang kulang sa larangan ng edukasyon. Primary, secondary o tertiary man. Pero hindi lang ako iyon, ang buong Senado kasama ang Kongreso, kapiling ang mga sumusuporta rin sa larangan ng edukasyon ang dapat bigyan ng pagkilala sa layunin na iyan. Pero higit pa roon, bilang halimbawa, kami sigurong nasa harap ngayon, bilang halimabwa at pagpapatunay na hindi na kailangan intayin pa ng kabataan na tumanda siya bago pagsilbihan ang ating bansa, maski na bata at kumpara sa mas naakatanda sa amin, inalay namin ang sarili naming at sana maski na papano, magsilbing inspirasyon sa iba na sundan an gaming yapak, tularan at sa hindi malayong hinaharap, pagsilbihan din an gating bansa bilang opisyal man ng gobyerno o nasa pribadong sector.

QUESTION: Kung ako ay 18 na, sino po ang irerekomenda ninyong iboto ko bilang pangulo.

CONG. HERNANDEZ: I think, it's very important. Alam mo yung mga nakaraang eleksyon ay nagiging mahal, magastos, siguro dahil ang voters ay nagmamature, katulad sa inyo, kailangan may obligasyon din kayo sa bayan. It's about time that when we select a leader, we have to look at competence, credibility, track record, kasi katulad sa bata, iyan ang dapat ninyong pagsimulan. Umpisahan ninyong bumoto sa karapat-dapat na tao regardless of whether kaibigan mo iyan, o may affiliation ka, kapatid o kamaganak mo, umpisahan iyan ng tama. Kung sino ang karapatdapat na ang pagpasok niyo sa pulitika, wala silang ibang intension kundi ang magserbisyo. At yung kanyang performance, which is very important. Kapag iyan na ang nagging basehan natin sa pagpili ng leader, sigurado ko, maraming mabibigyan ng chance na mga kabataan. SO mas maganda ang ating kinabukasan.

VILLAR: Actually tama ang sinabi ni Cong. kanina na kung pipili tao ng president, siyempre tignan natin kung nasaan ang kanyang puso, ang kanyang kakayahan, siyempre personal mong desisyon iyan at ayoko naman manguna but ako naman as a politican naniniwala din naman ako sa party system. AKo naman may partido din ako at may grupo din kami sa nacionalista party kaya yun ang isang bagay, kung sino ang susuportahan naming ay siyempre yung nakikiisa sa partido. I believe in the party system so I will stand by what the party decides.

ESCUDERO: Alam mo silang dalawa hindi sinagot yung tanong mo e, ang tanong mo "sino?" Ang sagot nila, anong katangian. Ako na ang sasagot para kay Senator Grace dahil hindi niya ugaling magbuhat ng sarili niyang bangko. Kung siya'y tatakbo at kung magpapasya siyang tumakbo, mas direkta ko nang tinanong pero sinabi ko na rin kanina. Kung siya'y tatakbo, siya ang iboboto ko. Kung tatakbo siya. Ikaw? Sino ang iboboto mo? Sa simpleng dahilan, nagbigay sila ng katangian, maliban sa karanasan, pinakita ang talent at galing sa maikling panahon sa pamahalaan. Naniniwala akong nasa tamang lugar ang kanyang puso, at basta heart ang paguusapan, nandoon ako palagi.

POE: Maraming salamat, Sen. Chiz pero siyempre para sa akin, ako naman ay natutuwa at nakakataba ng puso na isang kaibigan mo ay ineendorso ka. Pero gayunpaman, yun nga ang keyword e, kaibigan. Kaya mahirap minsan, kaya mabuti na rin na gumawa kayo ng sarili ninyong saliksik kung anu-ano ang mga nagawa ng mga kakandidato halimabawa. Pero katulad nga ng sinabi ko, mayroon naman na universal na katangian na dapat meron ang mga leader natin. Unang-una, importante na magkaroon ng survey kung ano ang kailangan sa isang leader. Importante talaga ang katapatan, kasi kahit na ikaw ay matalino pa kung hindi ka naman naglalakad ng ginagawa mo, paano malalaman ng tao na para ba sa kanilang benepisyo ang kanilang ginagawa? Una katapatan, number two importante rin na mayroong puso para sa ating mga kababayan na ang pangangailangan nila ay uunahin. Pangatlo mayroong tapang, sa tingin ko ay importante iyon. Pangapat, kailangan ay mapapagkatiwalaan mo at may kakayanan. So yun ang mga bagay na pwedeng hanapin sa lahat ng leader, hindi lamang pang-national, pati dito din sa local. At kahit na sa mga student council ninyo importante rin iyon. I would like to commend the students na naririto ngayon, for taking part in this exercise, kasi at least hindi lamang sa telebisyon, nakikita rin ninyo na nandito kami at sinasagot naming ang inyong mga katanungan at responsibilidad naming iyan na masagot ang inyong mga tanong.

QUESTION: Nalaman mo na ba ang biological parents mo?

POE: Hindi pa, at sabi ko nga, matagal ko na ring hinanap. Noon pa, noong bata pa lang ako nagtatanong na ako hanggang sa tumakbo na nga ako ng pagka-Senador. Ngayon, siyempre may utang na loob ako, lalong-lalo na sa nanay ko na pinili ang buhay, dahil siguro nahihirapan, dinala ako sa simbahan, kaya nagging kung sino man ako ngayon ay dahil sa kanyang pagpili ng pagkakataon na iyon. Pero kapag sinabi nga na tunay na mga magulang, minsan may kurot sa puso sapagkat tinuturing ko nang tunay na mga magulang, bagamat hindi biological, ang aking mga magulang na nagpalaki sa akin. ALam niyo po ditto sa issue na ito, maraming mga advocates ng adoption ang nagsabi, ang sakit naming sabihing yung mga tunay kong magulang, at hindi referring to the parents that adopted you, kasi sila talaga ang nagpalaki, nagturo sa akin. Kaya para sa akin, tunay na magulang na din sila. Ngayon, kung Makita ko ang aking biological parents, nakaksiguro naman ako na Pilipino. Eto nga na kaibigan ko masyadong prangka sa akin, tignan mo na lang ang height mo, ang ilong mo, Pilipinong-pilipino ka talaga. May mga Pilipino naman na hindi lahat ay kayumanggi, may mga Pilipinong mapuputi rin. So, kung Makita ko man sila, maraming salamat. Kung hindi ko man sila Makita, ako pa rin ay nagpapasalamat.

QUESTION: Ma'am yung sa impression, sinasabi ng mga Pilipinong botante o di kaya ay may gusto sayo ang sabi ay wala ka pa daw experience, kulang pa para mag-run as president, ano ang masasabi mo diyan?

POE: ALam mo ang experience hindi lamang nakukuha sa gobyerno, kung sabihin na natin sa gobyerno, totoo, ako ay nagkaroon ng maikling pagkakataon na manilbihan pero nag-MTRCB ako kaya mayroon akong executive experience bagamat ang MTRCB ay maliit na ahensya, sa tingin ko naman ay naagbuti natin an gating tarbaho doon. Sa Senado, kahit na maikling pagkakataon, tatlong taon lamang, natuto na rin ako sa mga beteranon mga kasama natin. Nakipag-debate ako para sa Freedom of Information bill na napakahirap na batas na isulong pero napasa naming sa Senado, iniintay na lamang natin ang kongreso at marami pang mga batas na aking dinepensahan pero hindi lamang po yun. Ang karanasan bilang isang ina, ang karanasang bilang isang may bahay, ang karanasan bilang isang estudyante o nagtrabaho sa pribador sector ay dagdag rin sa isang karanasan na pwede sa isang pinuno. Sapagkat ang pinuno hindi nagrerepresenta ng gobyerno at pamahalaan lamang, ang pinuno ay nagrerepresenta ng lahat ng klase ng tao sa iba't-ibang sector, at kung ikaw ay namulat na manilbihan lamang sa gobyerno at walang karanasan sa ibang aspeto na paniilbihan ka tulad sa pribadong sektor kulang pa rin ang iyong karanasan at kung masasabi natin na kailangan ay ikaw ay maging vice president muna bago ikaw ay maging pinuno o presidente o ikaw ay maging senador muna maging pangulo or maging senador muna, garantiya ba iyon na kita natin sa kasaaysayan na maraming mga naging vice president na naging pinuno at naging presidente sapat ba yun o nakita natin na pag nawala ang tamang intensyon na manilbihan sa taong bayan balewala ang lahat ng karanasan na yan at nagkakamali din ang pinuno.

QUESTION: Ma'am kung ikaw ay maging presidente, ano ang mangyayari kay Vice President Binay, makukulong ba?

POE: Unang una hindi po ako ang sisintensya dahil...

ESCUDERO: Sintensya na agad.

POE: ...ang didinig sapagkat yan po ay dapat isang proseso ng ating mga korte. Ang masasabi ko lamang ay mamintena talaga ang pagiging patas sa lahat ng panahon pero importante na magpadala tayo ng mensahe na hindi natin dapat lokohin ang ating kababayan sapagkat kung nangyari yan kung ikaw ay naninilbihan sa gobyerno ay dapat talaga magkaroon ng hustisya diyan at hindi dapat makalusot ang mga ganyan. Hindi ko sinasabi siya, kahit na sinong nagkasala at napatunayan na nagkasala sa batas.

QUESTION: Para po kay senador Grace Poe at para po kay Sen. Chiz Escudero, without the blessing of the president kayo po ay nangunguna, Sen. Grace sa mga survey so ano po ang komento ninyo sa sinabi ni Davao Mayor Digong Duterte na ang ieendorso po ni Pangulong Aquino is considered a kiss of death

POE: Hindi ko po kasi narinig yun eh, na diretso galing sa kanya. May kanya-kanya tayong paniniwala basta ako naman ginagalang ko at para sa akin isang karangalan na ang isang katulad niya ay magkaroon ng tiwala at siya naman po ay hinikayat din ako na sumama sa coalition nila noong 2013, pero kung sinupaman ang mag eendorso, gaya nga ng sinabi namain ni Sen. Chiz nasa sarili mong pananaw yun kung sa tingin mo ito ay isang trabaho na gagawin mo at makakayanan mo gawin para sa ating mga kababayan.

QUESTION: Good morning po senators. Malapit na po ang pagbubukas ng regular session, ano po ang prayoridad natin sa pagbukas ng session niyan?

POE: Marami ang pwede maging prayoridad halimbawa na lang siyempre ang budget para sa susunod na taon si Sen. Chiz ang magsasabi ng kabuuan niyan pero ang bbl naandiyan rin po, nandiyan din po ang paguusap sa BBL. Ako naman po may isinusulong din katulad ng yung para sa anti carnapping na kailngan nang maipasa at as pabigatin ang batas ukol diyan. Pero dito rin sa Kongreso, siyempre ako, biased ako, tinutulak ko talaga na sana ipasa ang Freedom of Information. Meron kaming inter-parliamentary courtesy pero sana isa ito sa maging prayoridad ito ang isang paraan na masiguro natin na mababantayan natin ang transaksyon sa gobyerno kung meron tayong kalayaan para makita ang mga dokumento nito.

QUESTION: Karamihan po ng taga Luzon takot po dito sa Mindanao, dito po sa South Cotabato kasi magulo, hindi po ba kayo nag dalawang isip na pumunta dito? At ano po ang impression ninyo sa South Cotabato?

POE: Ako unang-una si Sen. Chiz pagkasama ko 'yan strikto yan sa schedule pero pareho kami aminado na napakaganda ng lugar, ang dami ko nga, pagkita ko pa lang dito sabi ko 'halika umikot tayo dahil 30 minutes lang daw ang Lake Sebu, yun ang sinasabi ni Ms. Irene Araneta kanina tapos makikita mo iba talaga ang simoy ng hangin, napaganda. Yung kultura lamang yung mga banda, yung nag perform kanina makikita mo yung pagkagawa nila ng kanilang mga props, yung mga costume nila, kakaiba talaga na 'pag pinapalakas natin at binubuhay natin ang cultura at nakikita ko yan sa Cotabato at nakikita ko rin po na payapa at nakikita ko rin po na matapang ang inyong governor dito. Si Gov. Daisy Fuentes, kaya importante po talaga sa pinuno na may kakayanan at matapang rin basta lang hindi mayabang.

ESCUDERO: Yung matatakot lang, yung hindi nauunawaan yung timeline sa media. Kung may kaguluhan na nangyari sa karatig probinsya ang timeline palagi dahil media center ito Koronadal palagi kaya akala nila dito palagi ang gulo bagama't sa malalayong lugar naman na hindi maabot ng lakad o takbo ng tao yung pinangyarihan ng kung anumang kaguluhan. So marahil kailangan lamang ipaliwanag, ipaintindi, ipaunawa iyon lalo na na sa tiga-Manila na yun ang pag unawa nila na porket ang timeline ng kwento ay kahit sinong reporter ng kung anumang channel nagbabalita dito sa koronadal, eh di akala nila dito yung gulo bagama't nasa malayong lugar o bundok yung gulo pero walang rason para matakot, walang rason para magdalawang isip, walang rason para hindi magtungo, bumisita at magpunta dito sa Koronadal at South Cotabato.

POE: Ganun din po ang aking kasagutan, siyempre maganda at Isang karangalan na maendorso ng katulad n gating pangulo. Kaibigan at isang ginagalang na pinuno, pero sa punot dulo po niyan. Kung ano ang kakayanin mo at ang personal mong pangako sa ating mga kababayan ang dapat manaig.

QUESTION: Sen. Chiz, sinabi ninyo kanina na ang kabataan ay di lamang pagasa ng bayan hindi ng hinaharap kundi ngayon na. ANong mga proyekto para sa kabataan ang maisusulong o naisulong ninyo?

ESCUDERO: BIlang chairman ng committee on finance, palagi naming nilalagyan ng pinakamalaking pondo at budget ang edukasyon. Bilang pagtalima din sa probisyon ng saligang batas. Hindi maikakaila na maraming kailangan at marami pang kulang sa larangan ng edukasyon. Primary, secondary o tertiary man. Pero hindi lang ako iyon, ang buong Senado kasama ang kongreso, kapiling ang mga sumusuporta rin sa larangan ng edukasyon ang dapat bigyan ng pagkilala sa layunin na iyan. Pero higit pa roon, bilang halimbawa, kami sigurong nasa harap ngayon, bilang halimabwa at pagpapatunay na hindi na kailangan intayin pa ng kabataan na tumanda siya bago pagsilbihan an gating bansa, maski na bata at kumpara sa mas naakatanda sa amin, inalay namin ang sarili naming at sana maski na papano, magsilbing inspirasyon sa iba na sundan an gaming yapak, tularan at sa hindi malayong hinaharap, pagsilbihan din an gating bansa bilang opisyal man ng gobyerno o nasa pribadong sector.

QUESTION: Kung ako ay 18 na, sino po ang irerekomenda ninyong iboto ko bilang pangulo?

CONG. HERNANDEZ: I think, its very important. Alam mo yung mga nakaraang eleksyon ay nagiging mahal, magastos, siguro dahil ang voters ay nagmamature, katulad sa inyo, kailangan may obligasyon din kayo sa bayan. It's about time that when we select a leader, we have to look at competence, credibility, track record, kasi katulad sa bata, iyan ang dapat ninyong pagsimulan. Umpisahan ninyong bumoto sa karapat-dapat na tao regardless of whether kaibigan mo iyan, o may affiliation ka, kapatid o kamaganak mo, umpisahan iyan ng tama. Kung sino ang karapatdapat na ang pagpasok niyo sa pulitika, wala silang ibang intension kundi ang magserbisyo. At yung kanyang performance, which is very important. Kapag iyan na ang nagging basehan natin sa pagpili ng leader, sigurado ko, maraming mabibigyan ng chance na mga kabataan. SO mas maganda an gating kinabukasan.

CONG. VILLAR: Actually tama ang sinabi ni cong. Kanina na kung pipili tao ng president, siyempre tignan natin kung nasaan ang kanyang puso, ang kanyang kakayahan, siyempre personal mong desisyon iyan at ayoko naman manguna but ako naman as a politican naniniwala din naman ako sa party system. AKo naman may partido din ako at may grupo din kami sa nacionalista party kaya yun ang isang bagay, kung sino ang susuportahan naming ay siyempre yung nakikiisa sa partido. I believe in the party system so I will stand by what the party decides.

ESCUDERO: Alam mo silang dalawa hindi sinagot yung tanong mo e, ang tanong mo "sino?", ang sagot nila anong katangian. Akon a ang sasagot para kay Senator Grace dahil hindi niya ugaling magbuhat ng sarili niyang bangko. Kung siya;y tatakbo at kung magpapasya siyang tumakbo, mas direkta ko nang tinanong pero sinabi ko na rin kanina. Kung siya'y tatakbo, siya ang iboboto ko. Kung tatakbo siya. Ikaw? Sino ang iboboto mo? Sa simpleng dahilan, nagbigay sila ng katangian, maliban sa karanasan, pinakita ang talent at galing sa maikling panahon sa pamahalaan. Naniniwala akong nasa tamang lugar ang kanyang puso, at basta heart ang paguusapan, nandoon ako palagi.

POE: Maraming salamat, Sen. Chiz pero siyempre para sa akin, ako naman ay natutuwa at nakakataba ng puso na isang kaibigan mo ay ineendorso ka. Pero gayunpaman, yun nga ang keyword e, kaibigan. Kaya mahirap minsan, kaya mabuti na rin na gumawa kayo ng sarili ninyong saliksik kung anu-ano ang mga nagawa ng mga kakandidato halimabawa. Pero katulad nga ng sinabi ko, mayroon naman na universal na katangian na dapat meron ang mga leader natin. Unang-una, importante na magkaroon ng survey kung ano ang kailangan sa isang leader. Importante talaga ang katapatan, kasi kahit na ikaw ay matalino pa kung hindi ka naman naglalakad ng ginagawa mo, paano malalaman ng tao na para ba sa kanilang benepisyo ang kanilang ginagawa? Una katapatan, number two importante rin na mayroong puso para sa ating mga kababayan na ang pangangailangan nila ay uunahin. Pangatlo mayroong tapang, sa tingin ko ay importante iyon. Pangapat, kailangan ay mapapagkatiwalaan mo at may kakayanan. So yun ang mga bagay na pwedeng hanapin sa lahat ng leader, hindi lamang pang-national, pati dito din sa local. At kahit na sa mga student council ninyo importante rin iyon. I would like to commend the students na naririto ngayon, for taking part in this exercise, kasi at least hindi lamang sa telebisyon, nakikita rin ninyo na nandito kami at sinasagot naming ang inyong mga katanungan at responsibilidad naming iyan na masagot ang inyong mga tanong.

QUESTION: Nalaman mo na ba ang biological parents mo?

POE: Hindi pa, at sabi ko nga, matagal ko na ring hinanap. Noon pa, noong bata pa lang ako nagtatanong na ako hanggang sa tumakbo na nga ako ng pagka-Senador. Ngayon, siyempre may utang na loob ako, lalong-lalo na sa nanay ko na pinili ang buhay, dahil siguro nahihirapan, dinala ako sa simbahan, kaya nagging kung sino man ako ngayon ay dahil sa kanyang pagpili ng pagkakataon na iyon. Pero kapag sinabi nga na tunay na mga magulang, minsan may kurot sa puso sapagkat tinuturing ko nang tunay na mga magulang, bagamat hindi biological, ang aking mga magulang na nagpalaki sa akin. ALam niyo po ditto sa issue na ito, maraming mga advocates ng adoption ang nagsabi, ang sakit naming sabihing yung mga tunay kong magulang, at hindi referring to the parents that adopted you, kasi sila talaga ang nagpalaki, nagturo sa akin. Kaya para sa akin, tunay na magulang na din sila. Ngayon, kung Makita ko ang aking biological parents, nakaksiguro naman ako na Pilipino. Eto nga na kaibigan ko masyadong prangka sa akin, tignan mo na lang ang height mo, ang ilong mo, Pilipinong-pilipino ka talaga. May mga Pilipino naman na hindi lahat ay kayumanggi, may mga Pilipinong mapuputi rin. So, kung Makita ko man sila, maraming salamat. Kung hindi ko man sila Makita, ako pa rin ay nagpapasalamat.

QUESTION: Ma'am yung sa impression, sinasabi ng mga Pilipinong botante o di kaya ay may gusto sayo ang sabi ay wala ka pa daw experience, kulang pa para mag-run as president, ano ang masasabi mo diyan?

POE: Alam mo ang experience hindi lamang nakukuha sa gobyerno, kung sabihin na natin sa gobyerno, totoo, ako ay nagkaroon ng maikling pagkakataon na manilbihan pero nag-MTRCB ako kaya mayroon akong executive experience bagamat ang MTRCB ay maliit na ahensya, sa tingin ko naman ay naagbuti natin an gating tarbaho doon. Sa Senado, kahit na maikling pagkakataon, tatlong taon lamang, natuto na rin ako sa mga beteranon mga kasama natin. Nakipag-debate ako para sa Freedom of Information bill na napakahirap na batas na isulong pero napasa naming sa Senado, iniintay na lamang natin ang kongreso at marami pang mga batas na aking dinepensahan.

News Latest News Feed