Press Release
July 29, 2015

Bam on PNoy's SONA
(From Status Update Program)

On Economic Performance

"Again, kaya tayo nag-focus sa micro, small and medium enterprise development, kasi ang gusto natin ay inclusive growth.

Aaminin ko po, may mga taon pa, may mga reporma pang kailangang gawin upang umabot talaga ang kaunlaran sa lahat ng Pilipino.

It takes one generation para talagang umangat ang bansa natin papunta sa isang developed country status, gaya ng Malaysia, Singapore at Hongkong, at iba pang malapit sa atin na masasabi nating first world.

Hindi talaga iyan mangyayari in six years. Kailangan natin ng one generation o 20 to 25 years. Kung maisip natin na it takes 20 to 25 years para mangyari iyan, itong first six years na maganda ang ekonomiya, magandang start iyan.

Ito rin ang isang tema ng SONA. Iyong mga susunod na administrasyon, kailangang ituluy-tuloy ang mga reporma. Kailangang itong ekonomiya natin, huwag na tayong bumalik sa three percent growth o two percent growth.

Dapat from six, maging seven, maging eight percent growth at ang ating inclusive growth, maging totoo talaga at umabot sa mas maraming Pinoy."

On P-Noy's Touching Message to Yolly

"Sa two hours and 9 minutes na SONA, iyon ang bahagi na medyo naluha ako. Bakit? Very human, talagang taong-tao, totoong-too ang kanyang pagpapasalamat.

Iyong naisip ko, malayo na po ito sa polisiya at ito'y aming observation, parang pag-uwi ni P-Noy, si manang na lang ang nag-aalaga sa kanya.

Hindi pakitang tao lang, totoong-totoo ang pasasalamat ni P-Noy sa kanyang kasambahay."

News Latest News Feed