Press Release
August 5, 2015

Bam on new ERC chief, ASEAN's stand vs China and budget of SUCs
(From Status Update Program)

On appointment of Jose Vicente Salazar as new ERC head

Ito pong si USEC Salazar mula sa DOJ, siya na po ngayon ang bagong ERC chief, na-meet ko na ito. Pero na-meet ko siya sa anti-human trafficking. Iyon ang isa sa responsibility niya sa DOJ.

Iyong grupo po nila, talagang masipag po na hinabol iyong mga human trafficker tsaka pag-check ng ports, airports, seaports para masiguro na wala tayong kababayan na-i-smuggle, na nilalabas.

Sa pagkakakilala ko sa kanya, magaling siya doon kaya I hope he will do a good job sa ERC. Sabi nga po nila, sa ERC, kailangan independent, kailangang maalam ka, mayroon kang kakayahan dahil very technical ang usapin ng enerhiya, at siyempre ang kailangan ang utak mo ay nandoon sa taumbayan.

I wish him the best. Hindi madali ang trabaho ng ERC kasi siyempre ang lahat ng tao, gustong ibaba ang presyo ng kuryente natin so may pressure po iyan. But at the same, fair ka rin sa business owners.

On ASEAN's united stand vs China's reclamation

Finally! Noon kasi, paisa-isang bansa lang ang naghahain ng complaints. First time na ang buong ASEAN nagkasundo na kung puwede tama na muna. Halt, halt, halt, iyon po ang termino ng US government, hanggang ma-resolve ang mga bagay na ito.

Palagay ko, si Secretary Albert del Rosario, naging effective naman na makumbinse ang ibang foreign ministers na magkaroon ng common at united stand dito po sa isyu ng Tsina at sa isyu ng ating lupain.

In the past 45 years, ang na-reclaim po diyan ay 40 hectares. In the last 18 months, ang na-reclaim po nila, 1,200 hectares. Ang rami! Talagang minadali at nagraratsada ng reklamasyon ang bansang China.

Siyempre po, ito ang first time na ang ASEAN, na mga karatig-bansa po natin, nagsabi na as a group kami dito, tigil muna iyan.

Of course, ongoing issue pa po iyan. Hindi po iyan matatapos sa taong ito. Mabuti naman at nagkakaisa ang mga kapitbahay nating bansa.

On SUCs' budget

Tumataas naman po ito pero ang sinabi ni Vice President Binay bumaba daw ito. I think kasi bumaba ito noong 2011, from P26.7 billion in 2010, bumaba ito ng three billion in 2011.

So in fairness naman sa kanya, may isang taon nga na bumaba ito. Pero ngayong 2015, ito'y nasa P42.3 billion na. So kumbaga, except for that one year na bumaba ito ng three billion, lumaki nang lumaki nang lumaki po ito.

Naging P27.2B, P32.8B, P35.3B at ngayon po 42.3 bilyon na. For 2016, P43.8 bilyon na siya. Kumbaga ginamit ang datos ng isang taon para sabihing bumaba pero hindi ipinaliwanag na in the next five years, tumaas naman po ito. E anong tawag mo doon? Selective reasoning.

Tama ba iyon? Kunwari may data ka. Over five years tumaas, may isang taon bumaba. Pero ang sasabihin mo, bumaba, bumaba, bumaba! Hindi naman tama iyon. Let's be fair. Iyon lang iyon.

Actually, iyon naman ang panawagan. Kung magbabanggit ka ng datos, huwag lang iyong pabor sa atin. Dapat iyong buong datos ang babanggitin natin!

News Latest News Feed