Press Release
September 2, 2015

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar,
(hearing on text scam)

Q: Vocal kayo na hindi satisfied sa NTC

Villar: Two years na ito, we've been complaining sa NTC to do something about it. Araw-araw na lang may nagsasabi na nanalo sila ng bahay at lupa sa Villar Foundation or pera. The poor people they believe, and some of them pay. Para daw iayos ang winnings nila they have to pay a certain amount at naloloko sila. Syempre araw-araw na lang iyon for the last two years, it's really giving me a lot of stress. It's really personal for me. And I am supporting Sen. Sotto to pass the mandatory sim card registration para ma-trace natin kung sino itong gumagawa ng mga scam na ito. Sobra na sila.

Q: Gaano kalaki ang chance na maisabatas iyan?

Villar: Syempre we will try hard. Alam mo naman telco iyan. Pero ang sabi, napasa na daw sa House. I think we have a good chance here in the Senate. Lahat kami dito naging victim na one way or another ng scam na iyan kasi they are doing black propaganda sa amin. And at the same time iyong black propaganda na iyon humihingi sila ng pera sa mga probable winners. Then iyong mga hinihingan nila ng pera, mahihirap lang iyon. Naniniwala sila. Alam mo naman ang mahihirap hoping na nanalo sila and all that. Kaya minsan may isang binigyan ko ng pera kasi naawa ako sa isang janitor sa airport. Siguro one month salary niya iyong P5,000, naloko siya. Sobra naman iyan.

Q: Hindi lang po sa profit, pati sa pulitika nagagamit din ng text scam?

Villar: Nasisiraan kami and at the same time, nakakakuha pa sila ng pera sa mga winners na supposed to be na naloloko nilang nagbibigay ng pera. Hinihingan ng pera ang mahihirap tapos kami sinisiraan, two-pronged pa.

Q: If ever maisabatas iyong mandatory sim card registration, may argument kasi ang telcos, iaakyat na naman sa Supreme Court, ma-TRO na naman, wala na ba tayong mgagawa sa NTC, DTI...

Villar: Sinasabi ko sa NTC at DTI, DOJ, NBI, mag-sample naman tayo. Hindi pwede naman na sasabihin lang nila na ipasa ninyo yung mandatory sim card registration. Kaya nga sila National Telecommunication Commission, very powerful sila to regulate iyong ating mga telcos. Bakit naman kung hindi namin mapapasa, wala silang magagawa? Hindi naman tama iyon.

Q: Ano ang recommendation?

Villar: Pinagrereport ko sila kung ano ang gagawin nila. I've been waiting for two years. Tawag ako nang tawag sa kanila, wala silang response. Kaya galit na talaga ako sa kanila.

Q: Ano ang ini-expect ninyo sa report nila?

Villar: Tingnan natin. Sabi nila naga-advertise daw sila sa newspaper. Ang nagbabasa ng newspaper mas well-off pa at naiintindihan nila iyan. Ang deliveran natin ng message iyong masa. I was telling them, iyong yaman ba ng telco hindi nila ma-require na mag-TV ad to warn the public na huwag silang magpapaloko sa mga scam na iyan. Ano ba naman sa budget nila iyon, ang dami nilang advertisement every year.

Q: Dapat sa broadcast sila mag-advertise?

Villar: Kasi alam naman natin na ang television ang most effective medium, dapat doon para madinig ng mahihirap nating kababayan na nanonood ng ABS at GMA.

Q: Sabi ng Globe at Smart marami na daw silang na-block na sim card?

Villar: Kung na-block nila, bakit araw-araw may natawag sa akin? Iyon ang isang indication. Araw-araw may natawag sa akin at nagko-complain na nanalo daw sila.

Q: Pero you believe na sindikato po ito?

Villar: Hindi naman, kasi P5 makakakuha ka ng prepaid load... Ibig sabihin, napakamura kasi ng sim card at prepaid load. Kahit itapon mo na after isang tawag, it's worthwhile. Iyon ngang janitor sa airport P5,000 ang naloko nila. Ang laki ng kita nila.

Q: May P100 million worth of load...

Villar: May scam pa palang ganun na niloloko nila ang mga tao para itransfer ang load sa kanila and then they sell it.

Q: At ang possibility na iyong mga gumagawa ng black propaganda...

Villar: Doon bumibili, mas mura. At lalong hindi nate-trace.

Q: Iyong proposed bill na iregister ang simcard...

Villar: Iyong mandatory registration of sim card naghe-hear si Sen. Sotto for Cybercrime, ako naman text scam. We will just join our report and then file one bill together.

Q: Ano ang position nyo sa registration?

Villar: I'm supporting it.

Q: Sa tingin ninyo matitigil na ito kapag niregister?

Villar: At least sa mandatory registration of simcard mate-trace mo kung sino kasi may registration.

Q: Hindi ba dapat i-review din ang franchise ng mga telco? Sabi nyo po kanina hinahayaan nilang magamit yung sistema nila sa text scam.

Villar: Kaya nga, iyon nga ang hinihingi natin sa NTC kasi sila ang regulatory power. Sila ang nagiimplement ng regulations on telcos, sila dapat ang gumawa nun. Iyon ang hinihingi natin sa kanila. Hindi ako makapaniwala na they don't have even the power to influence the telco. Hindi naman lahat according sa law, meron ka namang influence, alam mo namang nabi-victimize na ang mga tao bakit hindi mo gamitin ang influence mo to help the people. Iyon naman ang sinasabi ko.

Q: Iyong congressional franchise...

Villar: Kailan ba iyon mage-expire? Matagal pa iyon. Ngayon na ang problema. It has been happening. Kami nasisira lang ang pangalan namin pero ang mahihirap nahihingan ng pera.

Q: Wala bang capability ang telcos na i-block?

Villar: Kaya naman nila iyon. Ako hindi makapaniwala na they cannot do anything about it.

Q: Lalo mageeleksyon so magba-black pro uli...

Villar: Kaya nga eh. Parang wala silang sensitivity sa maliliit na tao.

Q: Yung sa congressional franchise hindi ba pwedeng kahit na effective pa ang franchise ireview iyon?

Villar: I think NTC can do something about it. Why will we have to go through that process, TRO na naman iyon. Sa akin kasi, bakit pa aabot sa ganoon when they have the influence to influence the telcos to do something about it.

Q: Iyong telco equally responsible?

Villar: Yes, of course. Kaya nga sinasabi ko sa kanila na napakarami nilang CSR, ang dami nga nilang pera, ang dami nga nilang advertisement about CSR nila. Bakit hindi na lang nila gawing CSR iyong i-protect ang mga consumer sa mga scam? That would have been a very good CSR.

Q: Magandang move ba iyong Highway Patrol Group na ang magma-manage ng traffic? Indication ba iyon na wala nang magagawa ang MMDA?

Villar: They can, together. Kung silang dalawa baka better kaysa isa lang. Alam mo naman ang Highway Patrol may mobility sila. Iyong ating MMDA nakatayo lang iyon. Wala naman akong nakikitang MMDA na may hagad. I guess better iyon. Siguro control also. Kasi kung nalalagyan ang MMDA, mas mahirap lagyan ang dalawa kaysa sa isa kasi they check each other.

News Latest News Feed