Press Release
September 8, 2015

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Sen. Grace Poe: Ito po ay para makita natin iyong prototype na idineliver at para matanong na rin sa engineer ng DOTC kung ano ba sa pasya niya ang magiging delivery dates ng mga susunod na i-oorder natin. Huwag nating kalilimutan na 167 million ang sumasakay, kung hindi ako nagkakamali, sa ating tren sa araw-araw. Halos 400,000 araw-araw, nung 2012, 650,000 pero ang capacity ay 350,000 lamang. So maganda na may prototype tayo, sabi nila, galing Dalian, China. So sabi ng iba, Dalian ang pagdeliver. Unang-una, siyempre ay ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Question: Ma'am, ano po first impression ninyo?

Poe: First impression siyempre, nakita ko naman mayroon na hawakan doon. Nakita ko naman na ang silya ay mukha namang standard. May mga sukat talaga diyan na hinihingi nga ni Ms. Elvie kung ergonomic ito. Pero ang importante nga ay ang kaligtasan ng ating mga kababayan at ang kanilang mga kaginhawaan. Sabi nga, araw-araw ay nalulunod sila sa kanilang pagsakay dahil sa sobrang gulo. Parang ito ang makakasalba sa kanila kung saka-sakali. Alam mo, mayroon tayong Consumer's Protection Act, sinasabi na hindi pwedeng 'no return, no exchange.' So, tatanungin natin, ano ba ang warranty nito? Kung ito ba ay talagang mapaninindigan ng manufacturer kung saka-sakaling may sira? Sapagkat, doon tayo nagkakaroon ng problema sa pangmatagalang maintenance.

Q: Ma'am, may 4.2-B na inaprubahan si Sec. Abaya para sa rehabilitation ng MRT. Negotiated contract daw ito, ano ang opinion ninyo po dito?

Poe: Unang-una ang alam kong presyo nito ay parang 3-point-something billion. Yung order ng mga trains. Kapag tayo ay nagpapagawa ng bahay kahit na 500,000 ang bahay na iyan, sinisilip natin araw-araw, tinitingnan natin kung tama ba ang materyales. Ganoon din dito, trabaho namin na i-oversight. Tatlong bilyon na buwis ng ating mga kababayan. At higit pa diyan kasama pa diyan ang mga riles. Baka naman, marami tayong mga tren ngayon, pero hindi naman kaya ng mga riles natin. Huwag nating kalilimutan na noong unang na-design ito, 350,000 lamang ang capacity na intended every day. Pero, ngayon umaabot tayo ng lagpas diyan, sinasabi nga na ang maximum ay 700,000. So, importante na maraming train pero yung capacity din dapat ng ating mga riles ay kaya iyan.

Q: Ma'am, iyong emergency contract daw wala nang bidding?

Poe: Alam mo, ako ay nag-aalala sa mga emergency contracts, lalo na sa naging track record ng iba. Sapagkat, huwag nating kalilimutan na ang mga emergency contracts na yan ang nagdala sa atin ng PH Trams at iba't-iba pang maling maintenance providers. Gusto ko mabilis ang bidding process, pero sa tingin ko ay dapat transparent. Gaya nga sinasabi ko na makilahok tayo para naman masigurado natin na hindi tayo malalamangan at hindi tayo mabibigyan ng depektibong produkto.

Q: Ma'am kamusta naman po ang meeting ninyo kagabi kay Archibishop Tagle?

Poe: Iyong meeting kagabi, salamat kay Cardinal Tagle at siyempre kay Ambassador Tita Villa ng PPCRV. Iyan naman po ay pagdarasal, repleksyon at kwentuhan. Ako, kailangan ko iyon.

Q: May ibinigay po ba sa inyo na personal message si Cardinal Tagle?

Poe: Ang sinabi lamang ng ating Cardinal, ito ay tinatanggap ko at ako ay nagpapasalamat na ang isang pamumuno ay serbisyo at huwag kakalimutan na talagang sa lahat ng bagay, ang namumuno ang nakadarama ng mga pinagdaraanan ng ating mga kababayan.

Q: Kamusta naman po nang makasama ninyo si Sec. Mar at VP Binay?

Poe: Okay naman kasi matagal na naman kaming magkakilala.

Q: Kamusta ma'am iyong atmosphere kagabi?

Poe: Masaya, okay naman kasi alam mo very light, walang pulitika, basta pagdarasal. Lahat naman tayo ay nangangailangan sa punto ng mga pinagdaraan natin.

Q: On Tagle meeting:

Poe: I asked for his prayers for whatever decisions that I will be making or situations I am in.

Q: LP to look for another VP?

Poe: Well, I respect that. Once and for all I'm not a part of the Liberal Party. It's their prerogative to decide on their status.

Q: Did Sec. Mar Roxas mention about it during the meeting?

Poe: No, he didn't mention anything about politics.

Q: About Mayor Duterte's decision not to run for president?

Poe: Unang-una, nirerespeto ko ang desisyon ni Mayor Digong. Alam ko na hindi naging madali ang proseso niya diyan. At hindi matatawaran ang mga nagawa niya sa Davao.

News Latest News Feed