Press Release
September 10, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Kahapon po ay may mga interpellation diyan sa Senado ukol sa Bangsamoro Basic Law, ano na po ba ang highlight diyan?

SPFMD: Yung kahapon ay mahaba ang debate between Senator Koko Pimentel at Senator Bongbong Marcos. Ang pinagusapan po: "Paano kung hindi matapos itong Bangsamoro Basic Law pagdating ng Oktubre, kung saan magfi-file ng certificates of candidacy para doon sa mga kandidato doon? Ang iiral na batas doon by that time kung hindi natin maipapasa itong panukalang batas na ito ay yung kasalukuyang ARMM law.

Ano ang mangyayari? Ang sabi ni Senator Bongbong, "We have to make adjustments." Halimbawa, yung transitional authority na sinasabi - the transition between the ARMM and the Bangsamoro Autonomous Region - yaan ay pwede natin palitan at pwedeng gawin na yung mga napili na mga assemblymen sa halalan sa Mayo kung di makahabol itong BBL ay sila yung magiging transitional authority, at sila ang mangangasiwa while we are in the process of forming the Bangsamoro Juridical Entity.

Nandiyan po ang mga debate pati na rin yung mga bagay tungkol sa kapangyarihan ng Bangsamoro Autonomous Region, halimbawa, yung inland waters sa Lanao lake - sino ba ang may jurisdiction? Ang sabi ni Senator Bongbong local government pa rin. At yung nabanggit na binurang konsepto ng Bangsamoro Civil Service na pwedeng buuin ang Bangsamoro Assembly, ang sabi ni Senator Bongbong, yaan naman ay di pwede dahil labag sa ating Saligang Batas. Dahil yung nangangasiwa ng ating civil service ay ang Civil Service Commission ayon na rin sa ating Saligang Batas. So doon umiikot ang mga debate. Sa madaling sabi, talagang hinihimay ng isa isa na dapat hindi lalabag sa Saligang Batas ang sinasabing Bangsamoro Autonomous Region Basic Law.

Q: Isa sa kontrobersyal na probisyon sa bersiyon ng BBL ng Malakanyang ay yung opt-in provision. Kasama pa rin ba iyan sa committee report?

SPFMD: Kasama po ang pwede lang sumali ang buong probinsya o yung chartered city, hindi yung baranggay, yung isang baranggay sasama, yung katabi hindi sasama. Hindi po ganoon ay pwede, dahil imposible na magkaroon ng maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan kung ang magkatabing baranggay ay hiwalay. Kaya kung ibig sasali, kailangan ay buong probinsiya, o buong chartered city ang pwede. Hindi pwede na baranggay o munisipyo.

Q: Yung bayan, hindi din po pwede?

SPFMD: Hindi pwede.

Q: Itong panukala niyong amendments sa Revised Penal Code sa monetary values ng fines and penalties, ano na po ang update diyan?

SPFMD: Mamaya po ay aking kakausapin ang dalawang chairman ng aming Committees on Justice na si Senator Pimentel sa Senado at si Congressman Junjun Tupas ang kanyang counterpart sa House of Representatives.

Alam mo, itong batas na ito - para maliwanagan ang ating mga kababayan - na kapag ninakaw ang inyong cellphone na let's say worth P32,000, ang parusa under the present law ay hanggang 10 to 12 taon na pagkakakulong, kung di ako nagkakamali. Iyon naman siguro ay hindi tama, kung ang ninakaw ay cellphone, ay 12, to 13, 15 years ang parusa, dahilan po sa ang halaga ng pera noong 1930's ay hindi na ganoon pa rin ang halaga ngayon.

So yung P30,000 noong 1930's ang parusa sinasabi noon 1930 ay dapat 15 taon, hindi na siguro karapat dapat na sa panahon ngayon na mas mababa na ang halaga ng ating pera dahil kumpara sa 1930's ay 15 taon pa rin ang parusa. Mayroong sinasabi ang ating Saligang Batas, bawal ang "cruel punishment." Kaya sa aking tingin ay dapat baguhin na ito ngayon.

Q: I understand merong hearing diyan sa Senado ukol sa budget ng COMELEC, kayo po ba ay aattend diyan?

SPFMD: Tama po iyan, ang budget ng COMELEC ay didinggin ngayong alas-9 ng umaga, at iyan po ay P16 billion. Atin aalamin ang kahandaan ng COMELEC sa 2016 elections. Isa rin mahalagang probisyon dito ay ang Overseas Absentee Voting, dahilan po sa ating mga kababayan na OFW na nasa labas ng bansa. Noong 2003, binuo po natin -kasama po ako sa nagbuo - ang isang panukalang batas na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa ating mga OFW na umoto at ngayon ay batas na iyan.

Sa susunod na taon, ay almost P200 million ang pinoprose sa budget ng COMELEC in order the fund the overseas voters. Kaya mahalagang bagay po ito, sa ngayon ay mababa pa rin ang turnout ng ating overseas voting, noong nakaraang halalan yata ay nasa 200,000 lang yata. Kaya aking hinihimok yung ating mga kababayan sa labas ng bansa, upang mag-rehistro at bumoto sa susunod na halalan, dahil mahalaga po ang ating mga boto. Ika nga, " We deserve the leaders that we elect." Eh kung hindi tayo bumoboto ng maayos sa mga susunod na magiging pangulo o magiging mga lider ng bansa, ay sarili natin ang ating sisisihin. Sa aking tingin, kailangan po natin bumoto, lalo na yung mga ating mga overseas voters.

Q: Naappoint na ni Pangulong Aquino si Congressman Mel Senen Sarmiento bilang bagong DILG Secretary at sinasabi na sa Biyernes yung formal turnover. Yung pag-appoint po niya ngayon ay parang regular appointment dahil may sesyon ang Kongreso, at hindi ad interim appointment. Ito po ba ay di makakaapekto sa pagupo niya, dahil daw kapag regular ay kailangan iconfirm muna ng CA bago makaupo.

SPFMD: Tama po iyan. Hindi ko pa alam kung acting po ba siya o kung ano, at tama ang sinasabi niyo, kung may sesyon ay nomination lamang, at aming bibigyan ng consent ang pag-appoint sa kanya, at kung ad interim ay ayun, cino-confirm namin.

Kahapon nga po by the way, cinonfirm namin ang AFP Chief of Staff na si General Iriberri. Kahapon ay cinonfirm na siya, so we could have stability in the armed forces. Kaya hindi ko pa alam kung paano ang magiging appointment ni Congressman Sarmiento.

News Latest News Feed