Press Release
October 8, 2015

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW ON DOLE BUDGET AND INCOME TAX REFORM

Q: Senator, kayo ba e kuntento dun sa mga binabanggit ng DOLE sa inyo tungkol sa unemployment?

SJEA: Medyo kulang tayo sa datos, palagay ko kasi isa tayo sa mga bansa sa Southeast Asia na may mataas na antas ng unemployment so sabi ko, kelangan kumpleto yung datos natin. Kung saan yang mga walang trabaho, saang rehiyon, saang probinsya, anong natapos nila sa edukasyon para matulungan natin sila.

Q: Yun po kasing pinagbabasehan ng DOLE, ay yung labor force survey. Gobyerno rin po yun, ano? Pero iba po sya sa survey ng SWS, at malayo po ang pagkakaiba nila. So, saan po tayo dapat maniwala run?

SJEA: Siguro dapat tignan natin pareho. Kasi wala naman yatang survey na perfect, kaya titignan natin kung ano yung mga tanong, bago natin tanggapin yung mga datos dahil lahat ng survey, may limitasyon din yan, syempre.

Q: Doon po sa isyu na sinasabi ng gobyerno na nababawasan naman daw ang bilang ng mga walang trabaho, naniniwala po ba kayo run?

SJEA: Yun nga po ang hinihingi nating datos. Ang sabi, nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho, pero gusto nating malaman kung saan tayo - kasi bilang policy maker, gusto nating malaman kung ano ang ginagawa nating tama, ano yung ginagawa nating mali at anu-ano ba yung mga dapat itama pagdating sa paghikayat sa mga negosyante na magtayo ng negosyo para magkaroon ng trabaho.

Q: Ilan po ba ang nabawas sa bilang ng mga unemployed?

SJEA: Parang from 6.7 to 6.5 percent. Hindi ko nga alam, dahil yun nga ang sabi ko, wag porsyento ang gamitin dahil tao yan, e. Huwag porysento ang gamitin. Dapat numero talaga.

Q: Sir merong binabanggit kanina na 24 million na household na kabataan na wala talagang trabaho at walang naiambag sa ekonomiya. Maituturing ba sila na kabilang din sa unemployed?

SJEA: Mga estduyante yun. Mga estudynate at mga asawa. Mga housewife na hindi naghanhanap ng trabaho. Maaaring nag-aalaga ng bata, anak...

Q: Sir, isa pa po sa mga question na rin na itinatanong ng grupo ng labor groups, yun bang sinabi ng DOLE, itinuturing nilang may trabaho yung isang tao na 3 months lang may trabaho, pero eventually, sa kabuuan naman ng tao, wala namang trabaho.

SJEA: Dun siya papasok sa underemployed. Mataas tayo - whether unemployed or underemployed. Yung unemployed, yun yung talagang walang trabaho at naghahanap talaga ng trabaho. Pag sinabi mo namang underemployed, yun yung mga may trabaho pero kulang ang sahod niya at saka gusto pa niyang magtrabaho dahil hindi nauubos ang kanyang oras sa trabaho.

Q: Para po sa 2016, magkano po ang hinihinging budget ng DOLE?

SJEA: Parang nasa P15 billion, kung hindi tayo nagkakamali. Tumaas sya ng 30 percent.

Q: Bakit po kaya tumaas nang ganun kalaki?

SJEA: Iyong mga programa ng gobyerno, pinapalawak nila. Mostly, yung pagtulong sa jobseekers. Pero sabi ko, medyo i-tailor fit yun na talagang ang tutok nun ay sa mga walang trabaho.

Q: At ano pong mga lugar yun, ano pong mga rehiyon?

SJEA: Yun nga ang hinihingi nating datos na hindi naibigay sa atin. Dapat malaman natin kung ano yung mga rehiyon na mataas talaga yung unemployment at ano yung mga probinsya. Sabi nila, ibibigay daw nila sa susunod na linggo.

Q: Sir, ngayon pong matatapos na po ang 16th congress, wala na po kayang pag-asang pumasa ang tax reform bill?

SJEA: Well, habang nasa sesyon ang Kongreso, ang Kamara at Senado, hindi naman tayo sumusuko dyan. Kumbaga, habang may buhay, may pag-asa. Although, syempre, bawat araw na lumilipas, e lumiliit yung window o yung oportunidad na maipasa yung tax reform.

Q: Di ba sinabi na sa House na wala na sya?

SJEA: Yes, but we're still in contact with the House chairman and he's still hopeful so, I am not a hundred percent ready to write it off yet.

Q: May sinabi ba sya na he will try to convince the Speaker?

SJEA: Yes, he's still trying to convince the Speaker and the President also.

Q: So may efforts pa rin? Despite the stand of PNoy?

SJEA: Yes, may efforts pa rin. We don't want to pass a bill that we're sure they will veto that's why we are trying to do the backdoor negotiations even now.

Q: So sino hong kausap?

SJEA: Hindi ako. The House. Because the Senate we're waiting for the House to pass it.

Q: Pwede pong i-adjust para maging mas acceptable?

SJEA: Definitely. I think that is the number one concern of the government right now. Yung tanggap na talaga nila na panahon na talaga para mabigyan ng ayuda yung ating mga regular employees or mga manggagawa natin. Pero, yun nga, ang concern, nila, yung mawawala sa gobyerno. Although, kinukumbinse naman namin sila na may mapagkukunan nun.

Q: Saan po?

SJEA: For example, sa 2016 budget, there's an item of P50 billion for Salary Standardization Law IV o young next round ng pagtaas ng sweldo ng ating government employees. Eh dyan palang may mako-collect na sigurong P10 hanggang P12 billion sa buwis--from income and VAT. So dun palang, na-address mo na yung 1/3 ng concern ng DOF. Yung dagdag sa sweldo tatanggapin ng tao yun tapos magbabayad siya taxes. Sa income, may makokolekta ang gobyerno sa taas ng kita niya at may makokolekta din ang gobyerno sa gagastusin niya.

Q: Ang proposal niyo po ay ibaba muna 32% to 25%?

SJEA: Ay hindi na iyon. Palagay ko hindi na talaga acceptable iyon sa gobyerno. Ang compromise nalang natin ngayon ay iyong tinatawag na indexation. Ang ibig sabihin ng indexation, ibabalik natin yung halaga ng piso noong 1997. Kung ano halaga noon, iaadjust natin yung lebel ng buwis ng tao sa ngayon.

Q: Ano ang chances na mapasa ito lalo na may isyu sa quorum?

SJEA: Pero wala pa tayong araw na nag-adjourn because of lack of quorum. I think sa Senate okay pa 'to. Hindi ko namomonitor yung sa House.

Q: Sa House sir si Cong. Miro?

SJEA: I know he's still working on it. Gusto niya talagang ipasa yun.

Q: Akala namin sir patay na?

SJEA: Hindi pa naman. Pumapadyak pa.

Q: May statement kasi kayo sir na next admin nalang?

SJEA: Hindi, kasi tinanong ako ng isang reporter will I file it in the next Congress. Sabi ko, of course kung hindi mapasa this Congress. At saka I never made a statement that tax reform is dead. Ang sabi ko lang, my exact words were, kapag hindi ipinasa ng House, hindi namin maipapasa dito kasi yun ang requirement ng Constitution. Yun lang yung sinabi ko actually. Interpretation nalang yung parang dead na siya.

Q: Ang sabi ni PNoy aaralin pa ng DOF?

SJEA: Hindi pa bumabalik sa amin. Baka siguro ang dapat magtanong nyan yung reporters sa Malacanang. They can ask the president or the PMS or the spokespersons kung may pagbabago ba sa pananaw ng DOF base dun sa meeting namin.

News Latest News Feed