Press Release
November 5, 2015

Pahayag ni Bam Aquino sa Tanim Bala Isyu

Kapag naisabatas ang panukalang inihain namin ni Cong. Leni Robredo, hindi na krimen ang pagdadala ng tatlong bala pababa.

Bagkus, maaaring kumpiskahin ang bala ng mga awtoridad sa airport, gaya ng pagkumpiska sa lighter, pointed item o likido bago sumakay ng eruplano, wala nang takot ang ating mga kababayan na masampahan ng napakabigat na kaso sa ating criminal justice system.

Hulihin, litisin at parusahan ang mga nambibiktima sa scam na ito, pero huwag sanang palampasin ang pangmatagalang solusyong pagbago sa ating mga pangkasalukuyang batas.

News Latest News Feed