Press Release
November 23, 2015

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: On Duterte's decision to run na kayo (Sen. Grace Poe) ang dahilan...

Sen. Grace Poe: Ako naman kasi, ginagalang ko yung kanyang desisyon na tumakbo. Unang-una, mas mabuti sa ating mga kababayan ang mas maraming napipili. Ngayon, yung desisyon niyang tumakbo, personal niyang desisyon iyon, ginagalang ko. Pero hindi ako sang-ayon.

Q: Saan po kayo di sang-ayon?

Poe: Hindi ako sang-ayon sa kanyang pananaw ukol sa akin. Subalit sa kaniyang desisyon, siyempre, mas mabuting maraming pinagpipilian ang ating mga kababayan. Ginagalang ko. Dahil alam ko hindi rin madali na umabot sa puntong pagdedesisyon.

Q: So, hindi ninyo tanggap na ginamit niya ang SET decision?

Poe: Nasasakanya iyon. Pero hindi ako sang-ayon na sa tingin nila na hindi makatarungan iyon para sa akin naman ay dumaan iyon sa proseso. At tama sila. Mayroon pa namang apila iyon.

Q: Willing daw po siya na umatras at maging campaign manager ninyo just case mapatunayan kung sino ang tunay ninyong mga magulang?

Poe: Gusto ko nga ring malaman iyon, matagal na. Pero, siya na lang ang tanungin ninyo tungkol sa sarili niyang mga plano. Hindi ko masasabi kung ano talaga ang magiging desisyon niya kung sakaling nangyari.

Q: Nasurprise ba kayo sa desisyon niya na tatakbo siya?

Poe: Sa totoo, hindi. Sa tingin ko naman, noon pa ay desidido na rin siyang tumakbo. Sa kanyang mga kilos. Kaya nga sabi ko, mabuti na rin, para yung kanyang mga adbokasiya at pananaw, na para sa bayan ay mabigyan ng pansin at lalong-lalo na sa mga ibang kandidato rin. Lahat ng aming mga gusting gawin para sa bayan--pagtulong sa ating mga kababayan--pati ang pagtutok diyan.

Q: Sa tingin niyo ba mayroong game plan to ease you out of the presidential race? And the SET decision was just being used?

Poe: Lahat naman may game plan. Hindi ako pwedeng magsalita ukol sa game plan nila. Basta yung aking game plan ay ito: Ako ay palagaing makatotohanan sa sinasabi ko. Kung ano ang pwede kong gawin para sa bayan kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon, yun ang aking mensahe. Na pagtulong para lahat ay maramdaman ang pagkalinga at malasakit ng gobyerno.

Q: On surveys and Duterte affecting the results.

Poe: Oo naman. Talagang mababago lahat iyan. Kaya nga po ang survey ay isang gabay lamang para malaman mo kung saan ka kailangang tumutok, anong kailangan mong gawin para mas maabot ang mensahe mo sa ating mga kababayan.

Q: On Duterte saying that you wanted to be his VP? That you told him yourself that?

Poe: Hindi po totoo iyon. Hindi nangyari iyon. Noong una, hindi po nakatira sa aming lugar si Sen. Romulo. Bert Romulo. Ang kanyang anak ang nandoon, dinala ko si Mayor Duterte sa aming bahay, dahil magkapitbahay lang kami nung isang kaibigan ko. Ang pinag-usapan namin ay puro mga kampanya noong mga nakalipas at mga personal na bagay. Kung ako naman ang nangangailangan, bakit ko naman siya papupuntahin sa bahay ko? Hindi pa nga ako nagpupunta ng Davao magmula noong mga panahon na nagdedesisyon siya bilanng paggalang rin sa kanya. Sapagkat, ayokong sabihing mag-presidente ka o mag-vice president ka. Sariling prerogatiba iyan. Hindi po nangyari iyon, hindi namin pinag-usapan. At ako po ay nagulat sa kanyang mga nasabi. Siguro, baka, na-misinterpret ng iba.

Q: On conversation with Duterte?

Poe: Wala. Kaibigan niya yung kapitbahay ko at nakilala ko rin siya noong 2013. Tinulungan niya ako. Kaya nga nagulat ako sa sinabi. Basta, ako kasi sa lahat ng sinasabi ko, dapat ay makatotohanan at yun ang mapaninindigan ko sapagkat may mga tao rin doon. At parang hindi po ako mayabang na sasabihin ko na ganito ang kailangan, kung pwede ay ganito ako sa iyo. Hindi ako mamimilit ng tao, lalong-lalo na kung sa aking palagay ay yung tao nay un ay mayroon din namang karapatan at prerogatiba kung piliin kung anong posisyon ang gusto niya.

Q: Kailan ma'am nangyari iyon?

Poe: Matagal na iyon. Siguro, early this year pa. Wala pa nga akong desisyon eh. Kaya nga po walang dahilan para pag-usapan iyon.

Q: Bakit po siya pumunta sa bahay ninyo?

Poe: Walang meeting. Siya ay imbitado for lunch ng aking kapitbahay. Yung aking kapitbahay na kababata ko pa nung highschool, kaibigan niya rin. Yun ang anak ni Sen. Romulo. Wala si Sen. Romulo sa meeting, nandoon yung kanyang anak, at dun sa aming pag-uusap, maaga pa ito, siguro, hindi ko na matandaang eksakto, pero early this year...First quarter po ng taon na ito, na wala pa akong desisyon.

Q: He came to your house to?

Poe: Wala lang, parang sabi ng kaibigan niya, o mayor, diyan lang sa tapat ang bahay ni Senator Grace, o daan naman siya sa bahay ko. Wala lang.

Q: Parang ang dating is parang hindi naman kayo necessary ang nagsabi?

Poe: Wala po akong sinasabihan maski na sino at ako, tatayuan ko po iyan sapagkat unang-una nga wala sa akin ang determinasyon kung ano ang magiging desisyon ng isang tao. Ginagalang ko siya bilang isang nakakatanda at mas matagal na sa gobyerno.

Wala akong alam na kinausap siya, at wala akong sinasabihan na kausapin siya. Hindi ko alam kung siya, kung galing mismo sa kanya ang pag-sabi na ako'y kumausap sa kanya ukol doon.

Q: Sa dyaryo sabi niya you had ambitions daw even before?

Poe: Hindi po totoo iyan. Noong nag-usap kami pati siya tinatanong ko. Pareho kaming hindi pa nakakapagdesisyon noong panahon na iyon.

Q: Do you see as a cause for worry yung entry ni Duterte sa presidential race? Kasi si Pia Cayetano was the swing vote sa SET so yung possibility na baka bumaligtad siya ng boto niya, how could she reconcile her support kay Cayetano and Duterte doon sa vote niya sa SET?

Poe: Ako naman po ay kumpyansa at nagdadasal na yung tunay na adbokasiya ni Sen. Pia ang nanaig dito sa SET. Para sa mga batang walang kinalaman sa pagpili kung sino ang dapat na maging biological parents nila. Sa tingin ko naman ay nakita natin ang paninindigan ni Sen. Pia, mayroon pa pong proseso..

Q: May kaba po ba kayo na baka po bumalik?

Poe: Wala po akong kaba, sapagkat kung ano ang magiging desisyon dito ay isang proseso at pinaglalaban ko ay para naman sa ikabubuti ng ating mga kababayan hindi para sa aking sarili. Napakahirap po ng hamon na ito. Ang pinakamadali po ay umatras nalang.

Q: Pero the mere fact na wala siyang binigay na rason for her dissenting opinion, she merely said the decision of the SET is not yet final. The possibility that she could change her mind?

Poe: Why don't you just ask her about it, tanungin niyo nalang si Sen. Pia bilang paggalang na miyembro siya ng SET. I shouldn't be putting words in her mouth then she should be able to state her decision.

Q: (inaudible)

Poe: Kasi yung kapitbahay ko na anak ni Sen. Romulo, yun ang koneksyon.

Q: Si Cong. Roman?

Poe: Hindi din si Cong. Roman, kasi nga family friends sila noon pa.

Q: How do you feel about Duterte right now?

Poe: Sa tingin ko ang isang leader na tumatakbo, ang dapat na tutukan ay kung ano ang magagawa natin para sa ating mga kababayan. Sa personal naman na pananaw, sa akin na ho yun ngayon basta ang importante ay sa akin, ako ay makatotohanan. Ako ay pinalaki ng aking mga magulang na tumulong sa kapwa at gumalang sa nakakatanda.

Q: How do you feel sa sinasabi niya na I cannot accept an American president?

Poe: Hindi totoo yun. Hayaan mo na lang siya na magtawag ng mga pangalan. Basta sabi ng nanay ko, gumalang sa nakakatanda.

Q: Wala kang sama ng loob?

Poe: Sa akin na lang iyon.

Q: Would you say hindi siya makatotohanan?

Poe: Sinasabi ko kung ang katotohanan, kayo na po ang bahalang magdetermina. Mayroon pong tatayo diyan at magsasabi na andun sila doon sa aming pag-uusap.

Q: But he's a gamechanger?

Poe: Anybody entering the race is a gamechanger.

News Latest News Feed