Press Release
January 20, 2016

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Sino po yung mga na-invite natin for the hearing ng Mamasapano?

Senator Grace Poe: Merong isinumite sa opisina namin, sa pagkakaalam ko, pareho pa rin. Ang natatandaan ko may General Napeñas, may Secretary Mar, mayroong Secretary Gazmin at in short, lahat halos ng mga nandoon dati ay pinapaimbita. Yung mga iba rin na naglahad ng kanilang mga testimonya sa executive session dahil sila'y intelligence ay inimbita rin. So isa iyan sa aming pag-usapan, kung alin ang pwede nang i-release from the executive session kasi yung iba naman ay walang nakikitang balakid para ilabas yun.

Q: May additional po ma'am from the executive like si Secretary Sonny Coloma, pinapa-invite, sina Ochoa, invited din po sila ma'am?

Poe: Yes, you're right, oo. Sila naman, ang pagkakatanda ko kasi noon, si Ochoa ay naimbitahan din, nagpadala siya ng mga kinatawan at sila naman yung natanong dati, wala namang karagdagang tanong. So pagkakataon na ito, kung may kulang pa, di tanungin niya, ni Senator Enrile. Noong nag-usap kami ni Senator Enrile ang sabi niya mabigyan lang siya ng panahon para magtanong, sabi niya baka daw matapos ng dalawang oras lahat ng kanyang katanungan.

Q: Ma'am, may mga survivors ng operation? Yung SAF?

Poe: Oo. Hindi ko na matandaan yung mga eksaktong, pwede naman ipa-release namin. Survivors, meaning yung mga nakausap namin sa ospital?

Q: Opo. Yung nakausap niyo sa ospital.

Poe: Wala akong natatandaan, pero titingnan din natin. Pero ang balak kasi namin, para huwag na rin maabala ang mga ibang pamilya, ay mahingi na ng diretso kay General Marquez yung mismong listahan ng mga benepisyaryo at kung ano na yung naibigay sa kanila, para hindi na kailangan sariwaing muli yung pait nito, dahil si Senator Enrile ay hindi naman nagbigay ng mga listahan ng pamilya na pumunta. Yung sa kanya talaga ay kung ano yung nangyari, pero gusto lang nating siguraduhin na yung mga benepisyo ay talagang makarating dito sa mga pamilyang ito. Pinadala na namin ang mga imbitasyon at ire-release namin yung mga pangalan para mas eksakto, kasi mahirap na, wala sa akin ang listahan.

Q: Ma'am ia-allow niyo daw just in case may surprise witness?

Poe: Wala namang pwedeng pumigil sa kanila kung gusto nilang lumabas doon, basta kapag nakita kong meron naman talagang dahilan para sila'y magsalita doon. Pero kapag nakikita ko namang walang koneksyon, bilang presider ng meeting, siyempre, kasama rin naman natin yung ibang mga senador na magsasabi kung ito ba ay naayon o hindi.

Q: May video presentation ba ma'am?

Poe: Wala namang video presentation.

Q: Ma'am, yung officials from the executive, can they be compelled to attend this time, lalo na Enrile will be asking the questions.

Poe: Well, sana mag-attend na sila, para hindi na sila tawagin uli. Ngayon, kung katanggap-tanggap naman ang kanilang kinatawan, katulad din dati, yung iba nagpadala ng kinatawan, nasa mga senador din iyan. Kasi kung para sa kanila ay hindi sapat iyon, matatagalan pa tayo. Magpapadala pa sila ng isa pang liham tapos mamaya ay subpoena and matatapos na tayo ng session natin. Ang aking dasal ay sana matapos na lang ito ng isang hearing dahil isa lang naman talaga. Kapag kausap ko sa mga ibang senador, lahat naman sila ay sumasang-ayon na ibigay na ang oras kay Senator Enrile at kung mayroon mang mga pahabol na tanong ay hindi na rin ganoon kalaki o kadami.

News Latest News Feed