Press Release
January 26, 2016

Transcript of interview with Sen. Francis G. Escudero (FGE)

FGE: ....hindi naman. Umiikot yun at humihingi ng sapat na panahon ang ilan naming kasamahan para pag isipan at pag-aralan yung pag-pirma dun sa Sense of the Senate Resolution kaugnay ng override ng veto ni Pangulong Aquino. Sana, sa loob ng linggong ito hanggang bukas, makumpleto, kung hindi madagdagan ang unang labing-isang pumirma.

QUESTION: Sir tungkol dun sa audio recording na iprepresent bukas sa hearing sa Mamasapano. (inaudible)

FGE: Ayon sa batas, inadmissible yun. Pero bago malaman na inadmissible, kailangan maestablish muna kung wiretap nga ba yun at ano ba ang andun. Baka mamaya kasi inimbento lamang yung tape at hindi naman talaga wiretap. Kung wiretap man yun, marapat mag-object dun yung mga personalidad o tao dun sa audio recording. Kung wala namang umaamin, kung sino man ang magrereklamo dun at magoobject. Katulad lang yan ng Hello Garci tapes kung saan naging issue noong panahon ng dayaan nung 2004. Hindi naman inaamin ni dating Pangulong Arroyo at Garci na boses nila yun. Ngayon, sino sila para mag-object na patugtugin yun?

QUESTION: Nagwawarning lang sya na...

FGE: Na?

QUESTION: (inaudible)

FGE: Meron nang posisyon ang (inaudible) kaugnay ng bagay na yan, kaugnay ng Hello Garci tapes. Sino man ang may hawak o mag-play nun ng walang personal knowledge ng pagiging wiretap nun, kung hindi sya tiyak kung saan galing yun, hindi pwedeng masisisi kaugnay ng anti-wiretapping law. Atsaka para sa akin, ano man ang laman nun, marapat na ilabas. Kung imbento man yun, at least malaman na natin. Kung totoo man, lalong tinatago, lalong nagiging interesado ang sambayanan at taong bayan sa nilalaman ng tape na yun. Kung totoo man.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi man i-play ditto, baka ma-play ng media. Nahiya naman siguro ang Senado. Narinig ng sambayanan pero kami rito na kinatawanan ng taong bayan, ayaw pakinggan at hindi pa naririnig.

QUESTION: Sir wala kang natatandaan na any conversation between (inaudible) on Mamasapano?

FGE: Syempre, pinaguusapan naming palagi yan among ourselves. Top official, wala akong maalala. Kung meron man, kung ako man ang andun, may consent ako. Kasi consent naman, sa mga naguusap sa isang conversation ay exception sa wiretapping rule.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Kung ako man yun, hindi ko alam. (laughs)

QUESTION: (inaudible)

FGE: Kanina. Inimbitahan kami ng Northwestern University para sa isang forum kaugnay ng Vice Presidentiables.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi naman. Ang tingin ko sa bawat sulok ng bansa, hindi bilang Bicolano, Ilocano, Cebuano, Ilonggo, o ano man. Bawat isa sa atin, naninirahan sa Pilipinas at Pilipino ang pananaw at tingin ko.

QUESTION: Sir sabi ni Senator Trillanes, kung maisasapubliko ang executive session, suspended na si President Aquino?

FGE: Pwedeng pagbotohan ng mga miyembro ng Senado ang paglalahad ng executive session, sang ayon sa aming rules. By a vote of the majority of the members of the Senate, pwedeng ipalabas sa publiko anumang pinagusapan sa executive session.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Alam mo, wala akong nakikitang dahilan para hindi ilabas yun, maliban sa kokonting sensitibong impormasyon na maaring magkaroon ng bahid o latay sa relasyon ng AFP at PNP at yun lamang ang dapat natin pag-ingat.

QUESTION: Agree kayo na maabswelto si President?

FGE: Para sabihin kong oo o hindi, parang nilahad ko na rin ang laman ng executive session. Pagkatapos na lang siguro pagbotohan ng mga miyembro ng Senado.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi. Hindi naman sa magkabaligtad. Siguro mabibigyan linaw ang ilang issue pero hindi rektang masasagot pa rin ang ilang katanungan.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Tinake into consideration ng komite, ng findings ng komite, ang lahat ng nilahad sa executive session. Bagaman hindi sinulat at nilagay ang parte ng committee report, tinake into consideration yun nung sinulat at pinirmahan rin n gaming mga kasamahan yung committee report.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Yun naman talaga ang nakalagay sa report. Hindi man direkta, bilang commander in chief, yun ang sinasaad sa report.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Narinig ko nang ginamit din yan ng mga parehong indibidwal. Kaso sa huli, nilabas at nilabas naman ang katotohanan at nilalaman ng mga tapes. Kung peke man ito, hindi ito totoo, mas magandang malaman na rin ng ganitong kaaga.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Depende. Ni hindi ko alam kung sino may hawak, hindi ko alam kung ivovolunteer yun ng may hawak. Hindi naming alam kung iprepresenta yun bukas. Siguro pag nangyari, dun pa lamang naming pagpapasyahan.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Actually, puro chismis ang naririnig ko sa nilalaman ng tape. Kaya siguro, dapat mapakinggan, marinig para masabi man lang ng may hawak kung sino at kaninong boses nga ba ang nilalaman nun at ano ang sinasabi. Baka mamaya masyado tayong excited sa isang bagay, wala naman palang laman at wala naman sinasabi o nasasabi.

News Latest News Feed