Press Release
January 30, 2016

Transcript of DWIZ Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Cely Bueno

Q: Recently nabanggit niyo po na 45th victim nitong Mamasapano ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at aminado na kayo na malabo na maipasa ito dahil kapos na sa panahon. Nakausap niyo na ba ang Pangulo na Malabo na maipasa ang BBL?

SPFMD: I sent word to the President na talagang mahirap na. Alam mo, isa itong local bill at kailangan manggagaling sa House of Representatives ayon sa Saligang Batas, yung nakalipas na ARMM bills ay lahat po galing sa lower house, sa House of Representatives, bago po namin naaktuhan, gaya rin po ng General Appropriations Act.

Ngayon po ay mukhang hindi maipapasa sa House of Representatives bago mag February 3 dahil alam naman natin na hirap sila sa quorum kaya hindi mo matatransmit sa Senado ang BBL bago po kami mag-adjourn. Wala na po kaming panahon, although the BBL remains on top of our agenda.

Si JPE - si Senator Juan Ponce Enrile - hindi pa tapos sa interpellation at sinabi niya pa sa akin na kailangan niya pa ng panahon. Si Senator Bongbong Marcos naman, medyo busy na sa kampanya. The reality is that the election campaign is already here. Ang aming Senate Majority Leader ho, medyo hirap din ho, dahil busy rin sa kampanya. Kaya for all these things hindi rin namin kayang tapusin itong BBL na hindi pa nga po nakakarating sa amin from the House.

Uulitin ko lang si JPE, is still at the Senate floor, nagi-interpellate pa, may period of amendments, pwede na namin isara iyon, pero hindi namin magawa dahilan po sa hindi pa namin natatapos ang period of interpellations at hindi pa po namin natatanggap ang bersiyon ng House of Representatives.

Q: Sir, tanggap na po ng Pangulo o medyo disappointed siya dahil isa ito sanang magandang legacy?

SPFMD: Ay talaga pong sinikap ng Pangulo na maipasa ito ngunit the circumstances - the stars did not align themselves, ika nga, para maipasa po ito. Sabi ko nga, ito ay naging 45th victim ng Mamasapano dahil kundi rin po nadivert ang attention namin sa Mamasapano hearings ay baka po natapos namin ito earlier, nagkaroon po ng mahabang debate tungkol dito, attention was devoted to Mamasapano, hanggang nitong Miyerkules ng nakaraang linggo ay Mamasapano pa rin ang ating pinaguusapan, kaya po hirap na hirap kami.

Q: May mga nagtatanong po dahil nagkaroon nga muli ng pagdinig sa Senado nung Miyerkules, yun daw po bang naging role ng US ay naging malinaw na? Kumbinsido ba kayo na legal ang tinukoy na naging papel ng US o may dapat pang klaruhin?

SPFMD: Wala na po, at maliwanag naman na ito ay amin ring tinake-up ng ilang araw sa executive committee hearings, ngayon nga po ay inilabas na ang transcripts ng executive committee hearings at mayroon din sa open hearing noong Miyerkules. Wala pong pagbabago. Ang naging assistance ng US dito ay intelligence sharing which is done worldwide. Hindi naman po pwede na tayo lang ito. Ang intelligence sharing ay isang bagay na lahat ng bansa ay nagco-cooperate, ito nga po ay War on Terrorism ika nga.

Pangalawa yung pong training, yung Balikatan, sa ating treaty sa America ay ito ay pinapayagan. Ala naman pong base military na sinsasabing binuo, kaya wala pong sinasabing nilabag sa ating treaty sa America and under the Constitution.

Q: According to Senator Poe, wala naman po siyang nakikitang dahilan para baguhin yung kanyang committee report after nitong hearing sa Mamasapano. Ano na po ba ang susunod, aaprubahan na sa plenary ang report?

SPFMD: Kung ipepresenta niya iyan ay pagdedebatehan pa namin iyan, at tingnan natin ang pe-pwede nating baguhin dahilan na po sa mga nareiterate at sinabi nang maliwanag doon sa hearing.

Q: At sa tingin niyo po ano po yung dapat baguhin, yung ultimately responsible ang Pangulo?

SPFMD: Ay isa po iyan sa aming paguusapan dahilan sa maliwanag naman na ang authority dito, ang gumawa ng plano, ng Oplan Exodus, ay si Napeñas, inamin niya po na siya ang nag-apruba nito. Wala namang pong ibang sirkumstansiya na nagpapakita na ito ay may partisipasyon ang Pangulo maliban lamang syempre, ay sinabi sa kanya na ito ay isang operasyon at si Napeñas ang nag-direk, siya ang nag-decide kung kalian ilulunsad itong Oplan Exodus, kulang pa ang impormasyon na ibinigay sa Pangulo during that day, kaya contrary to the claims of the opposition, wala pong responsibilidad ang Pangulo sa nangyari.

Q: Ito daw po si dating Police Superintendent Valeroso na may hawak ng audio recording, nagiingay at sinasabi na hindi mapapalabas ang katotohanan sa Mamasapano hanggat hindi napa-play itong audio.

SPFMD: I will not dignify Valeroso with any comment.

Q: Itong SSL, hinihintay ng mga government employees but the problem is nagkaroon ng deadlock sa bicam at sabi ni Secretary Abad ay may lack of funds kapag sinunod ang Senate version. Pano po ito mareresolve?

SPFMD: Bigyan mo ako ng konting panahon para ito maipaliwanag. Alam niyo po sa ating kasalukuyang General Appropriations Act ay may nakalaan na P57 billion for year 1, for 2016. Itong SSL ay 4 years. Ang unang 2016, may nakalaan na P57 billion na approved na sa ating present budget, ngunit ito po ay para lamang sa mga government officials in the active service. Hindi po kasama diyan ang mga military pensioners, ang mga pension ng ating military at police, hindi po naisama.

Ang kailangan po na pondo diyan ay aabot sa mahigit na P19 billion. Uulitin ko lang, ang nakalaan po sa budget ay P57 billion, hidni po nakasama ang pension ng mga uniformed personnel dahilan sa ito po ay tataas ng 39 percent o nasa P19 billion kung isasama mo. Kaya po yung 2016 budget ay hindi po naisama ng Department of Budget and Management ang pangangailangan dito po sa mga pension.

Ngayon sa kasalukuyang batas, yung monthly pension ng mga retired military at police pensions ay kailangan at the same level of those in the active service. Sa makatuwid, kung may P1,000 na pagtaas ang sahod ng mga heneral, yung mga retired na heneral ay dapat ganoon din yung itataas na sahod. Kaya po sa aming bersiyon, kahit hirap, ay aming isinama ang indexation. Ibig sabihin, sinusunod namin ang mga PD (presidential decrees) na inilabas noon ng pnahaon ni Presidente Marcos, which are effective up to this point. Yung House version ay walang indexation.

Sa ngayon po ay walang agreement. This is a very serious problem, ang pension po ng retired police and military personnel, hindi po sila contributory. Hindi po sila sa ilalim ng GSIS. Ito po ay non-contributory, ang ibig sabihin ay wala pong contribusyon ang mga policemen at tsaka AFP hindi kagaya ng mga ordinary employees sa ilalim ng GSIS. Kaya po we use the General Appropriations Act, or the national budget, the taxes, binabayaran po natin ito. Pero ito po ay vested right na ng ating PNP at AFP retired personnel.

Ngayon, ang SSL ay apat na taon, at ito ay magiging yung tinatawag natin na unfunded mandate, dahilan po sa hindi po kasama sa budget ngayon ang additional pension para sa mga retirees. Ang akin pong suggestion, para maresolve itong deadlock na ito ay gagawin muna nating para sa 2016, huwag muna yung para sa 2017, tapos pagusapan muna natin pagbalik sa Kongreso yung 2017, tutal yung ating naging budget is only for 2016 muna, para lang mailabas na yung para sa 2016, para po magkaroon na ng dagdag sahod ang ating mga kawani sa pamahalaan, and then yung sa next year, pagusapan kaagad pagbukas ng bagong Kongreso.

Q: Sir in-aassure niyo na mareresolve itong deadlock at mararatify itong bicam report sa SSL bago mag-adjourn ang session sa Wednesday?

SPFMD: Kung tatanggapin po iyan ng House contingent dahil sa amin may indexation pero unfunded, let it be funded in the next budget. Sa amin may indexation, the funding will come in the 2017 budget. Sana po matanggap iyan at matatapos na.

Q: So sir isusuggest niyo po iyan sa bicam contingent?

SPFMD: Opo.

Q: Ano-ano pa po ba ang mga aaprove na mga bill bago mag-adjourn ang Senado?

SPFMD: Nasa bicam po ngayon yung Customs Modernization and Tariff Act, kung saan po may mga pagbabago sa Bureau of Customs, para hindi na maulit yung problema ng ating mga balikbayan boxes. Kung inyong maalala, nagkagulo doon, dahilan binubuksan lahat. With this proposed measure, pag naipasa namin ngayon, nasa bicam ngayon, yung mga problema po sa balikbayan boxes na pinapadala ngayon ay hindi na mauulit.

Atin din pong nasa bicam at aming tatapusin ay yung NBI Modernization Act, yung para maging effective ang National Bureau of Investigation sa paglaban sa krimen, meron pong insentibo para po sa low-cost housing, o pabahay, na aming ipapasa, yung pong charter ng OWWA amin din pong ipapasa para mas maging maayos po ang benepisyo sa ating mga OFWs at ating mga seamen, na ngayon po ay disadvantaged, dahilan sa mas marami silang kontribusyon sa OWWA kaya iyan po ay ating papantayin na

Amin ding ipapasa yung batas tungkol sa regulasyon ng mga credit card industry, dahilan sa ngayon ay medyo walang regulasyon sa credit card industry, at kaya yung mga interest payments at transparency ay wala po doon, kaya atin din pong ipapasa iyan. Meron din pong tungkol sa additional job incentives, may special program for employment of students para mapaigting natin ang ating programa ng trabaho sa ating mga estudyante at iyan po ay isang batas ay nagbibigay ng insentibo sa pagemploy ng ating kabataan.

Isa din po sa sisikapin namin tapusin ay yung Build-Operate Transfer bill para mas effective ang coordination sa PPP o public-priavte partnership para sa ating infrastructure development. Meron din pong mga tratado na kami ay magcoconcur, at yung confirmation sa Commission on Appointments ng mga heneral at ambassador sa DFA. Iyan po ang aming tatalakayin sa mga susunod na araw. Medyo madami, pero gagawin natin.

Q: Ano po yung assurance na maarpub ang SSL at hindi maveveto ng Pangulo?

SPFMD: Maaprove po iyan. Sa amin po ma-aaprove po iyan. Gagawin ko ang lahat ng aking magagawa para magrecommend kay Pangulong Noynoy na kanyang aprubahan po ito.

Q: Magsisimula na po ang campaign period. Ano po ba ang mensahe ninyo?

SPFMD: Cely ganoon talaga. Sa halalan, inevitably, nagkakahati-hati tayo. Pero siguro naman, ilang halalan na ang ating dinaaan, pagkatapos naman ay nabubuo tayo. ANg aking lang pakiusap sa ating mga kababayan ay ingatan po kung sino ang ihahalal natin, dahilan po ang kinabukasan ng ating bansa, lalo na ng ating kabataan ay nakasalalay po sa ating ihahalal na lider sa susunod na halalan.

News Latest News Feed