Press Release
February 1, 2016

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference during the awarding of livelihood and medical assistance to OFWs
February 1, 2016 at Recto Room

Villar: Kasama natin ngayon ang pamilya ng OFW na tutulungan natin na pinangungunahan ng pamilya ni Joselito Zapanta na executed sa Riyadh for robbery and murder against his employer. Hindi tayo nakaraise ng enough blood money kaya siya ay napugutan. Nailibing na siya sa Riyadh dahil may rule, since nag-convert siya sa Muslim, within 24 hours ililibing. Hindi tayo naka-akto para maiuwi siya agad. Narito ang kanilang mga magulang who are taking care of Joselito's two children. Kasama rin natin si Susan Asis, bibigyan din natin ng livelihood and financial assistance, na-repatriate din from Jawazat, KSA. And then si Frelyn Aboy bibigyan rin ng livelihood, financial and medical assistance. Na-repatriate siya from Dammam, KSA. Isa ring OFW si Rhodel Jayson Barrera na bibigyan ng gamot for three months; he is suffering from diabetes. Na-repatriate siya from Al- Khobar KSA.

Q: On blood money

Villar: Ang binigay naming pondo sa government thru the GAA ay yung legal assistance fund na may P100 million a year, and repatriation assistance na may total P450 million a year. We never talked about blood money. Siguro sa susunod na Kongreso kapag gumagawa ng GAA, maybe we can discuss with them kung kailangan magbigay ng blood money. Hindi sila humingi. Kami naman we are always asking them kung yun bang binibigay namin sa GAA ay kulang sapagkat wala namang problemang magtaas kasi alam naman natin na very supportive ang lahat ng mga senador towards helping OFWs kasi ang laki-laki rin ng serbisyo natin sa ibang bansa. Although we have almost 12 million OFWs, usually in a year, parang .1 or 1% lang ang nagkakaproblema, mga 10,000 so talaga namang dapat tulungan ang 10,000 na yun. Napakaliit na porsyento considering yung napakarami nating OFWs abroad.

Q: Yung P23 million blood money saan na kaya napunta?

Villar: Iyon ang tatanungin namin kasi maraming nagbigay doon. Like for example kami, nalimutan ko na but in 2011 nagbigay kami doon ng P100,000. Gusto namin sana dahil nagbigay kami doon, ibigay na lang sa family. Hindi naman nagawa iyong dapat kapuntahan, hindi rin umubra, so matulungan naman yung mga anak na magkaroon ng magandang kinabukasan kung namatay yung ating OFW. We will ask, we are entitled to know because nag-contribute din kami doon.

Q: Para sa inyo ibigay na lang sa family?

Villar: Oo, kasi it was meant for them, for Joselito. Hindi naman naka-raise ng enough so ibigay na lang sa pamilya.

Q: Sino po ang may hawak ng blood money

Toots Ople: Nasa account iyon ng Philippine Embassy sa Riyadh so ang may control nun Department of Foreign Affairs. By the way,in addition sa contribution ni Sen. Villar, meron din pong contribution ang mga OFWs themselves. Nagcontribute din sila twice.

Villar: Maybe iyong mga nag-contribute ang tanungin. Kung masyadong malaki sa tingin nila para ibigay lahat sa pamilya, idetermine kung ilang percentage ang para sa pamilya tapos the rest would be there as a fund in case mangailangan ng blood money para may pagsimulan na. Baka iyon ang pwedeng maging simula ng pondo para sa blood money.

Ople: Meron kasing mga 5 cases na nangangailangan pa rin ng blood money sa pagkaalam lang namin. Kung sa paggagamitan lang ng pera, may 2 anak kasing naiwan si joselito, isang 11 years old, isang 13 years old. Parehong nag-aaral. Si Nanay Mona Zapanta rin nadiagnosed noong namatay si joselito na kailangan ng medical treatment for hypertension, yung cause ng fluctuation sa blood pressure.

Villar: Maybe before we end Congress this Wednesday, I will file a resolution to clarify kung ano ang status ng blood money. Para kahit tapos na ang Kongreso we can still investigate. Para lang makita natin kung saan dinadala at kung saan dapat dalhin para magkaroon tayo ng policy on how we spend the blood money.

Q: Ngayon wala tayong policy on blood money?

Villar: Wala.

Ople: Ang nangyari po kasi, sa pagkakaalam namin sa NGOs, nag-create ang Office of the President ng technical working committee to look into blood money cases. At kasama doon si dating Presidential Adviser for OFW Affairs VP Binay. Hindi kami nabibigyan ng updates, hindi rin namin alam kung ano na talaga ang napagkaisahan sa committee na iyon.

Villar: Kaya dapat siguro mag-file na ng resolution to clarify.

Q: Pwede po iyon ilagay sa GAA?

Villar: This is contribution so hindi naman siguro dapat. It should be a special fund. Hindi naman ito pag-aari ng gobyerno. Binigay ito ng mga tao. So dapat nga siguro iyong sina-suggest na maybe we should create a fund na pwedeng pagsimulan noon, to make a policy how much to retain in the fund and how much to give to OFWs who died o hindi nag-benefit sa blood money.

Ople: For the coming Senate inquiry, iyon namang OFWs na sila naman ang namatay because of accident or because of crime sa Middle East, our OFWs are entitled to the same, pwede rin silang mag-impose ng blood money doon sa mga nakapatay sa kanila. Minsan may mga nakasagasa, may mga blood money claims din iyon. Pero hindi rin malinaw sa amin and that can be part of the inquiry ano naman din ang goal ng embassy natin or consulate sa pagtulong sa kanila in requesting this from the courts.

Villar: From experience naman kapag nagkakaroon ng investigation at naka-clarify, nagiging very responsive naman ang DFA at DOLE. Parang nung isa nating investigation, nag-improve talaga ang repatriation saka yung legal assistance. So hopefully kapag tayo ay nag-investigate at ma-clarify, maganda ang response nila sa mga ganitong problema.

Q: Aside from financial and livelihood assisatance ano pa ang pwede nating gawin para sa kanila?

Villar: Mag-iinquiry sa Senado; where is the blood money and how do we spend the blood money sa case na ganito na nag-raise ng blood money for a certain OFW at hindi naman nakumpleto namatay din ang OFW. What do we do with the money? Kaya nga tayo magi-inquiry para gumawa tayo ng policy with regards to that.

News Latest News Feed