Press Release
February 11, 2016

SEN. GRACE POE DIALOGUE WITH STUDENTS MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
Batac, Ilocos Norte

Sen. Grace Poe: Naimbag nabigat kadakayo amin apo. Sa mga magaganda at mga gwapong estudyante ng MMSU, parang ang dami eh, nakita ko pang mga commercial ng shampoo yung mga buhok ninyo ang dami niyo mga magaganda dito. Sigurado ako na naririnig ninyo ang mga bali-balita at minsan ay tinatanong ninyo ano ba talagang istorya ni Grace Poe, alam naman ninyo na ako ay isang ampon, ako ay isang napulot sa isang simbahan sa Ilo-Ilo at dahil dito sabi nila dahil daw hindi kilala ang aking mga magulang, hindi alam kung sino mga kadugo kong magulang, ako daw ay hindi Pilipino. Pero para alangan naman isipin yun, na isang bata iniwan sa Ilo-Ilo na ang mga magulang ay foreigner at paglaki ng bata yung height, yun ilong, yun itsura, hindi ba mukhang Pilipino naman.

Kaya sa ating mga estudyante na naririto ngayon lahat tayo ay may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay. Maaaring siguro ang iba sa inyo sobrang talino pero nahihirapan kayong bayaran ang mga kailangan ni-niyo para sa paaralan, kung hindi man ang inyong tuition yung inyong allowance o kaya naalala ninyo ang inyong pamilya na kulang sa kinikita, ang iba naman sa inyo sapat marahil ang kinikita ng inyong pamilya pero naghiwalay ang inyong mga magulang, ang iba naman sainyo siguro masaya kayo sa inyong pagaaral pero kaka-break-up lang ninyo sa boyfriend ninyo. Kung ano man ang pinagdadaanan natin sa buhay ang importante ay huwag tayong sumuko, ang importante ay patuloy natin ipaglaban kung ano ang nararapat at kung ano ang tama.

Ngayon, nandito kami para sagutin ang mga tanong ninyo, kung ano ang mga gusto nyo malaman, ano ang plataporma namin, hindi na namin pahahabain ito. Nais kong pasalamatan si Governor Imee Marcos. Si Governor Imee, marami ring mga pinag-daanang unos sa kanyang buhay pero pag marunong kayo magdala, pwede pa rin kahit na maraming problema. Nakita naman natin ang ating tumatakbong senador, hindi lamang isa sa pinakamasipag na tumatakbong senador, magaling na vice mayor ng Makati, ah ng sorry ng Manila. At higit sa lahat isa pa sa pinakagwapong tumatakbong senador. Pero alam mo naman ang istorya ni Vice Mayor Isko, na siya ay nagumpisa sa sobrang hirap rin pero hindi siya sumuko, nagaral siya nagartista muna alam ba ninyo na nagaral pa yan sa Harvard. Marami talaga tayong pwedeng gawing halimbawa at inspirasyon at kayo ang kinabukasan ng ating bayan. Sabi nga pala ni Governor Imee na dito daw sa Mariano Marcos State University ang dami daw na nag-top ng Accounting at Nursing, congratulations at Education. Talagang may pinag-manahan kayo marami talagang matatalino na galing dito sa Region I, sa IIocos Norte in particular. Kaya huwag kayong susuko kung ano man ang inyong pinagdaraanan nandito kami, isang gobyernong may puso bakit? Kasi pare-pareho tayong may pinaghuhugutan naiintindihan ko kayo hindi katulad ng iba napaka-swerte nila sa buhay pinanganak sila na walang kaissue-issue, pinanganak sila na nanjan lahat ang oportunidad. Masaya tayo para sa kanila. Pero tayo na merong mga kailangan ay dapat magtulungan. Kaya andito kami para sa inyo. Huwag niyo kalimutan, ako ang pinaka-magalang na kandidato, Grace Poe, apo. Salamat po.

QUESTION AND ANSWER:

Q: One of the criticisms thrown at you is your lack of experience in public governance. We recognize your stint in MTRCB and your legislative accomplishments. What makes you think that this criticism is wrong? What is it that you have more than what others have?"

Poe: Ang tanong mo, what makes me think that I'm qualified in spite of the lack of experience, sasabihin ko na sa inyo ngayon, kulang talaga ako sa karanasan, kulang talaga ako sa experience. Wala akong karanasan sa pagnanakaw at wala akong karanasan sa pangungurakot. Pero pag sinabi namang karanasan sa trabaho, hindi nangangahulugan na ikaw ay pwede maging pangulo ng bayan kung ikaw ay nagdaan sa gobyerno ng napakatagal. You don't have to be in government for so long to be president of the country. Kung babalikan natin ngayon sa buong mundo,maraming mga namamayagpag na sandali lang ang kanilang experience pero sila ang nagiging pinuno ng bansa. Bakit? Kasi kailangan natin ng bagong pananaw, isang tao, isang leader na hindi makaluma ang sistema. Matagal na yun iba dyan pero ang problema ng ating bayan ay pareho pa rin. Gutom, trabaho, kriminalidad pero ano ang solusyon na naibigay nila. Siguro naman panahon na na kumuha rin tayo ng isa na bago man ay may tapat na layunin may kakayanan at higit sa lahat ay mapapagkatiwalaan niniyo. Yung iba ay sinasabning ako ay isang babae. Yung mga babae ba dito, hindi matapang? Matapang. Pero pag nagsalita tayo, matapang. Pero sa loob natin alam nating na kaya natin itong trabaho na ito. Kaya hinihiling ko ang inyong pangunawa at tiwala kaya natin ito kahit na bago tayo. Thank you!

Q: Owel Salvador, mula sa lipunang mambabalagtas ng pamantasan na ito. Galling po ako sa Kagawaran ng agham panlipunan.

"Identify one national issue that you're so passionate about, and how do you think you differ, in terms of the way you understand it, from your contending presidentiables. For example, the issue about INC, issue on the west Philippine sea. How fresh is that perspective coming from you that warrants us to consider you for the highest position in the land?"

Poe: Thank you so much for your question. Balagtas! Alam niyo po, tama yun mga nabanggit mo, West Philippine Sea, maraming mga ibang issue. Pero para sa akin ang pinakaimportanteng issue sa lahat ay kahirapan at kagutuman. Bakit? Sapagkat yan ang pinaka pangangailangan na dapat matugunan muna natin bago tayo tunay na makakaangat. Bibigyan ko kayo ng halimbawa, ang Pilipinas ang ating populasyon ay 104 Million people. Lagpas sa 34% ay mga batang 17 years old below. Maraming pumapasok sa eskwela na gutom at walang makain at lumalaking hindi ganoon katalino. Noong panahon noong administrasyon ng tatay ni Governor Marcos, merong tinatawag na NutriBun na pinapamigay sa mga paaralan. Naalala na niniyo yoon yung mga teachers na nandito. So mga students pumapasok meron silang kinakain at kahit papaano nakakatulong ito, tumataas ang grade nila mas maraming nakakapasok sa school. Ang isa sa gagawin ko kung ako'y mabigyan ng pagkakataon, ay dapat libre ang pananghalian sa lahat ng public schools. Sasabihin ko sainyo kung bakit, babalik na rin tayo sa West Philippibe sea. Hindi ba yun China, napakayaman. Hindi ba yun Chiba lagpas sa isang bilyon ang kanilang populasyon pero nagkaroon ng yugto sa kasaysayan ng China kung saan ang sabi nila napakaraming tao na dito. Bawat mag-asawa isa lang ang pwede ninyong maging anak. Alam mo ang nangyari doon, pagdating ng year 2050, ang average age ng mga Pilipino ay 23 years old meaning ang majority ng ating population ay bata, alam niyo ba na sa China, isa sa bawat tatlo ay magiging 60 years old ibig sabihin ang ating populasyon ay bata. Kaya importante na ang mga bata ngayon, at kayo na kinabukasan natin ay mabigyan ng tamang edukasyon, mabigyan ng sapat na nutrisyon at maprotektahan laban sa mga droga at kriminalidad dahil kayo ang magpapalakas pa ng ating bansa sa kinabukasan. Kaya yan ang issue sa akin. Huwag niyo sabihin na kung ano ano pa ang issue ang dapat nating unahin kailangan muna ay kahirapan at kagutuman. Ngayon babalik tayosa trabaho dahil dyan tayo makakakuha ng pera. Dito sa Ilocos Norte sa laoag sa batac at sa iba' iba pang lugar dito napakaganda ng inyong lugar. alam ba ninyo na kung dumami ang turista dito mas yayaman ang inyong lugar mas maraming trabaho para sa mga graduates dito pero ang airport ay matagal na hindi pa rin naeexpand. Kung maeexpand ang airport mas derecho dito ang flight mula sa ibang bansa na magkakarga ng mga turista. Bakit importante ito? Alam ba ninyo ang bansang Thailand? Sigurado diba. Ang Thailand ang kinikita nila sa turismo sa isang taon ay 42 billion dollars sa kanilang ekonomiya. Ang kinikita ng Pilipinas ay wala pang 6 billion dollars. Palalakasin natin ang turismo dadami ang trabaho sa ating bansa at huwag natin kalilimutan na piliin ang agrikultura. Sino sa inyo dito ang nagaaral ng kurso sa agrikulutra? kayo ang mga bagong bayani. Alam niyo kung bakit? Sapagkat sa ating bansa ngayon, ang average na edad ng mga magsasaka ngayon, ay 55 years old. Wala ng gustong magsaka. Dahil nga sabi nga ni Governor Imee, ang tawag daw ay "ugly cor" ugly culture at poor ... Kawawa naman kaya kailangan ng gobyerno bigyan ng sapat ng tulong ang ating magsasaka. Libreng irigasyon, pataba sa lupa at iba't iba pa. Pero ito ibang issue na ito, sino sa inyo ang namamahalan at nababagalan sa internet? Isa sa aming panukala ni Senator Isko Moreno dapat lahat ng mga state universities and colleges libre at mabilis na ang WIFI. Kasi alam naming na gagamitin niyo yan para sa homework niyo diba. Oh yun lamang. Salamat po.

Q:: If you will be disqualified, let's be hypothetical, for presidency, will you still vote for presidency and if yes who will be that candidate that you will vote. And second question will be, what are the different programs that could actually help the youth including the MMSU or the people in Ilocos Norte, core part and youth sector, what are your platforms to improve the youth sector or anything any projects about the youth when it comes to educational aspect or what not? Thank you

Poe: Wow you speak very well, jake. Ej. You speak very well talagang pang debate. Ang galing. For your first hypothetical question, and I'd like to stress very hypothetical because I'd like to remain optimistic and I feel that it is not beyond reach that we will actually have a successful outcome in this candidacy. My answer would be, your question is, whom will I vote for and will I vote and who will I vote for? Okay. Karapatan ng bawat Pilipino ang mamili kung sino ang nararapat na mamuno sa kanila. Sa araw lamang ng halalan tayo tunay na pantay pantay na bawat isa sa atin na mayaman man o mahirap isa lang ang boto, kung hindi dadayain. Ngayon, so sa tanong mo sino ang aking pipiliin. Una ang boto ay sagrado. Kaya kung ano man yun, ikikimkim ko. Pangalawa, ayoko kasi mag-sabi eh baka mamaya matuwa masyado mas lalo akong i-DQ, para siya na lang iboto ko. So huwag na lang diba para pag sinabing ganun. Kaya para sa akin siguro ano no, kung hindi man sa halalan na ito, balik na lang tayo sa 2004, ang tatay ko sa tingin ko ay magiging isang pangulo na may tunay na damdamin para sa mahihirap kasi 11 years old palang siya or 12, namatay na ang tatay niya, nag trabaho siya tinulungan niya pamliya niya, tumulong siya sa mahihirap, alam yan ni Governor Imee, hindi siya balimbing, maayos siya sa pakikitungo sa kanyang mga katrabaho at alam ko magiging priyoridad niya ang edukasyon, ang trabaho at ang proteksyon ng ating mga kababayan. Yan ang gabay sa akin kung ako mabibigyan ng pagkakataon, babae man ako kung salbahe ka kung nangungurakot ka kung sasaktan mo ang aking mga inaalagan mga kabaabayan ipapakulong kita, sisiguraduhin ko na ang hustisya ay mabilis at dapat ay mawala na ang pangungurakot. Are you familiar with the Freedom of Information Bill, ang freedom of information ay isang bill na nais natin isa-batas para lahat tayo ay pwede nating mabusisi ang transaction ng gobyerno para kung anong pera na dapat mapunta sa inyo ay mapupunta sa inyo. Sabi ni Governor Imee, na ang kanyang mithiin at mukhang magagawa na niya sa mga darating na, next year ay libre na ang tuition ng inyong state university, hindi lahat pero yung mga hindi kaya. Di bali, maging masaya kayo kung kaya ninyo diba pero kung hindi ninyo kaya meron din na aside from the initiative of our governor, and I'd like to acknowledge and thank you for that, meron tayong tinatawag na Unifast Law na naipasa na at napirmahan na ng ating pangulo. Ang ibig sabihin nito na kung ikaw ay matalino pwede ka magka-scholarship. Eh papaano kung hindi ka ganoon katalino, pwede ka pa rin makakuha ng Study Now, Pay Later Program. Ang ibig sabihin nun, uutang ka sa gobyerno, maliit lamang na porsyente ang interest na babayaran mo pag nag graduate at may trabaho ka na and many years to pay at hindi lang kasama ang tuition, kasama ang books materials, board lugging na kailangan ninyo. At para naman sa ating mga teachers, unang una gusto namin siguraduhin na babaan ang buwis sapagkat napakalaki ng taxes na kinakaltas sa sweldo ninyo. Pangalawa, gusto naming sa Standardization Law para sa mga guro ay gawin 25,000 yung across the board na umpisa. So yun ang ating mithiin para sa ating mga teachers na malaking tulong sa nation building at malaki ang sakripisyo. Maraming salamat po.

News Latest News Feed