Press Release
February 24, 2016

GRACE POE'S STATEMENT ON THE 30TH EDSA PEOPLE
POWER ANNIVERSARY

Sa mga naglaan ng buhay at nakipaglaban sa mahabang panahon upang mangyari ang EDSA Revolution, utang natin sa kanila ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Subalit hindi pa tapos ang ating pakikipaglaban.

Tatlumpung taon matapos ang EDSA, marami pa tayong dapat gawin bilang isang bansa para maging ganap na malaya - sa gutom, sa kahirapan, sa kawalan ng edukasyon, sa pagsupil sa ating karapatan sa impormasyon, sa pagkitil sa karapatang pantao.

Malaking hamon sa mga lider ng susunod na administrasyon na bigyang katuparan ang pagkamit sa mga kalayaang ito.

Itutuloy natin ang Diwa ng EDSA. Kasama natin sa labang ito ang mga kabataan, ang buong sambayanan.

Naniniwala tayo sa kagalingan ng mga kabataan na maging bahagi sa pagbuo ng isang bansang maunlad, malaya at makatao para sa lahat ng Pilipino. Kung sama-sama at nagkakaisa, ang labang ito ay mapagtatagumpayan.

News Latest News Feed