Press Release
March 1, 2016

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Rey Sibayan and Henry Uri

Q: Ano po ang isusulong ninyong mga batas sakaling muli kayong bigyan ng bayan ng mandato na maupo sa darating na 17th Congress?

SPFMD: Isa po sa aking tututukan sa 17th Congress ay ang pag-bubusisi sa ating income tax structure. Alam mo, noon pang 1995 ang basehan ng ating income tax system, kung saan yung kumikita ng P500,000 annual taxable income ay binubuwisan po ng 32 percent. Eh yung P500,000 ay iba na po sa katumbas ngayon, kaya dapat lang na mareview at maitama ito alang-alang sa mga mamamayan na lumiliit ang kanilang take-home pay.

Kailangan po talaga na itama natin ang ating buwis o income tax system, kagaya ng ating sin taxes na aking tinarabaho ilang taon na rin ang nakalipas. Tayo po, ipinasa natin ang Sin Tax Reform Law, si Senator Drilon po ang namuno sa pagpasa ng mga buwis sa sigarilyo at alak. Nakaipon po tayo ng P141 billion kung saan pinopondohan natin ang Philhealth, yaan po ang ating ginagamit.

Kaya kailangan po na tama ang ating buwis para mabigyan natin ng sapat na suporta ang mga programa gaya ng Philhealth na ating pinondohan sa mga sin taxes na itinulak ni Senator Drilon.

Q: Maganda po iyan.

SPFMD: Opo, kailangan po na ang ating income tax system ay ating tingan, pag-aralan at kung ano ba ang karapat-dapat na para po hindi inequitable ang ating tax system ngayon.

Q: Maasahan po ba natin kung kayo ay muling maluklok?

SPFMD: Ay ito po ay ating tututukan, ang pagbabago ng ating sistema ng income tax, lalo na po ang unang parte ng Salary Standardization Law ay umepekto na. Itong linggo po ay pinoproseso na po ng Department of Budget and Management ang pagpapataas ng pondo para sa compensation adjustment, na para mahigit sa P1.3 million na kawani ng pamahalaan. Ngayon linggo, ilalalabas po sa mga ahensya ng ating pamahalaan yung P24 billion para po sa salary adjustment, pero ito po ay para sa 2016 lamang.

Kaya ngayon po sa pagbalik natin, at ako po ay humihingi ng tulong sa ating mga kababayan, na ibalik ninyo po si Senator Drilon at una ko pong bibigyan ng kaukulang pansin yung pagtaas sa sahod sa 2017 sangayon sa ating Salary Standardization Law IV dahil wala pa pong authority iyan for an increase in 2017. Ang ginawa ng Pangulong PNoy, dahil ang authority ninya ay hanggang 2016 lamang, ay magtaas ng sahod para sa unang taon lamang, sa 2016. Sa mga susunod na taon, ay wala pa pong authority sa Kongreso, kaya iyan po ang pagtatrabahuhan natin, ang pagtaas ng sahod umpisa sa 2017 pagkatapos maibigay itong sa 2016.

Q: Ano po ang reaksyon ninyo sa pagsuporta ng Nationalist People's Coalition (NPC) sa tambalang Grace Poe at Chiz Escudero?

SPFMD: Ginagalang natin ang desisyon ng NPC. Sa loob ng maraming taon ay sinuportahan din ng NPC ang "Daang Matuwid" ng Pangulong Aquino at ang ibig sabihin noon ay ay naniniwala sila sa "Daang Matuwid," subalit nirerespeto natin ang kanilang desisyon.

Nananatili ang Partido Liberal na pinakamalaking partido sa buong bansa, at malawak ang aming makinarya, at hindi po kami nababahala sa naging desisyon ng NPC. Ganoon talaga ang demokrasya, may iba't-ibang plataporma kaming inihaharap, sa amin po ay "Daang Matuwid," ang record po ng Aquino administration ang aming inihaharap.

Doon naman sa nakaraaang limang taon ng panunungkulan ng Pangulong Pnoy ay ang NPC naman ay sumusuporta sa "Daang Matuwid." Dahil panahon ng pulitka at kampanya na ay naghiwalay na sila, at sinasabi nila ay iba na ang kanilang sinusuportahan. Inuulit ko lang, ginagalang po namin iyan.

Ngunit mukhang naman may mga ibang NPC members na nananatili kay Secretary Roxas. Si Congresssman Jun Acharon ng South Cotabato, sinabi ninya ay mananatili siya kay Secretary Roxas, si Congressman George Arnaiz ng Negros Oriental, at may ilan pang NPC stalwarts.

Q: Wala po itong epekto sa Liberal Party, ano?

SPFMD: Patuloy po ang aming pagharap sa taumbayan, and siguro it will encourage us more to work harder sa Partido Liberal.

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa pagusad ng kaso ni Senator Poe sa Korte Suprema?

SPFMD: Sana po ay madesisyunan na sa lalong madaling panahon for the sake of Senator Poe, patuloy po ang kanyang pagkampanya dahil wala namang sinasabi ang Supreme Court, at gumagastos. Ganoon din ang balota, ang balota naimprenta na, nandoon ang pangalan ninya, dahil nakabinbin ang kasong ito.

Akin pong hinhiling na sa lalong madaling panahon ay madesisyunan na ng Korte Suprema, para malaman ng taumbayan kung kwalipikado ba si Senator Grace Poe na humarap sa taumbayan sa pagka-Pangulo. Sana sa loob ng 2 linggo ay mailabas na ang desisyon. Yan po ang aking opinyon diyan, at matagal ko na pong hinihiling na bilisan ng konti ng Korte Suprema ang pagdesisyon sa kasong iyan.

News Latest News Feed