Press Release
March 7, 2016

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate
President Franklin M. Drilon by Jun Desca

Q: Malapit na po ang eleksyon, mangungumusta po muna kami sa kampanya ng Liberal Party.

SPFMD: Mainit po ang pagtanggap ng ating mga kababayan sa kanayunan, sa partido natin. Nakikita po natin na kapag local campaign, ang aming makinarya, sa mga kanayunan, ay gagalaw. Diyan po ay nakikita natin ang pagsuporta kay Pangulong Pnoy at Mar Roxas at Leni Robredo, diyan po sa mga probinsiya, dahilan po sa maganda nilang nakikita na resulta ng "Tuwid na Daan" sa nakalipas na limang taon at kalahati.

Q: Matunog po yung balita na yung nalalapit na pagdesisyon ng Supreme Court sa kaso ng disqualification sa kandidatura ni Senator Grace Poe. Ano po ang tingin ninyo dito?

SPFMD: Sa akin tama iyan, sa lalong madaling panahon - ang balita ko bukas at sana nga po ay mailabas nila bukas dahil hindi po fair kay Senator Grace Poe na mabinbin itong kasong ito. Kung siya po ay qualified, sana po ay mailabas na ang desisyon para wala nang duda. Kung siya naman po ay kulang sa residency at hindi natural born, aba'y dapat sabihin na agad in fairness to our people and para po ang integridad ng ating halalan ay manatili.

Q: Mainit rin po yung usapin ukol sa money laundering, sa mga casino. Ano po ba ang nakikita ninyong solusyon dito? I understand noong panahon ninyo as Senate President naipasa ang Anti-Money Laundering Act.

SPFMD: Ako po ay sangayon at sinusuportahan ko ang hakbang na ipasok ang mga casino. Noong pong panahon nating bilang Senate President naipasa yang Anti-Money Laundering Act, noong nakalipas na taon ay dapat naipasok na iyan, pero dahil sa version ng House dati ay ayaw nila ipasok ang mga casino, kaya siguro ngayon, ay maliwanag na na kailangang ipasok ang mga casino, dahil iyan na lang po ang hindi naisasama.

Kailangan po nating maisama iyan para po sasangayon ang ating batas doon sa reglamentong internasyunal, at hindi magamit ang ating financial system sa mga criminal activities na ating nakikita ngayon.

Q: Aba ay bagong survey ang Pulse Asia, at lumalabas na neck to neck ang mga kandidato sa pagka-Pangulo. Anu po ang masasabi ninyo dito?

SPFMD: Tama po iyan, at hanggang ngayon siguro ay talagang binubusisi pa ng ating mga kababayan, talagang kinikilatis pa ang apat na kandidato. Kaya nga po kailangan nang desisyunan ng Korte Suprema ang kaso ni Senator Grace Poe dahilan po sabi mo nga, gitgitan ngayon.

Pagdating ng local campaign, nakikita ang buong makinarya ng Partido Liberal, at makakalamang ang aming kandidato, hindi lang sa dahilan na mayroon kaming malawak na machinery, kundi dahil sa ang aming platapoprma, na ipag-patuloy ang "Daang Matuwid."

Lalo na po yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program, kung saan may 4.6 million na pamilyang nakikinabang po sa allowances na ating binibigay sa tulong ng pamahalaan, ganun din sa ating Philhealth program, na siyang napopondohan dahil sa mga sin taxes na ipinasa ni Senator Drilon.

News Latest News Feed