Press Release
March 9, 2016

Bam Nagulat sa SC Decision
Ambush Interview in the Senate

Q: Senator kayo ay member ng SET at isa kayo sa mga bumoto para, in favor pa rin kay Sen. Poe, ano po ang reaksyon ninyo roon?

Sen. Bam: Well unang-una, hindi ko pa nababasa ang desisyon. So we haven't really come out with a specific sub-decision.

But if our decision was upheld, it's a good thing, no? Kung tutuusin noong nag-decide kami sa SET, it was a natural born issue, no? Ang tanong po kasi sa amin noon, kung ang mga foundling ay hindi natural born citizen, at in-uphold namin na natural born citizens pa rin ang mga foundlings.

Nasabi na rin sa deliberation na napakasakit naman kung dahil sa election issue na ito, ang mga foundlings natin mapeperwisyo at mawawalan ng karapatan.

Ako naman, just like everyone, medyo nagulat rin sa desisyon ng Supreme Court. I think that's the big news for yesterday but I'd like to see the decision also to see kung nagma-match ba ang aming desisyon doon sa naging desisyon noong mga Supreme Court justices natin.

Q: At saka may issue pa noong before pa ang decision kahapon, may mga story pa na may 50 million suhulan sa Supreme Court justices, from Liberal Party daw?

Sen. Bam: Well, obviously hindi iyan totoo and even with the decision obviously hindi iyan totoo.

Kung sino man ang nag-spespread niyan, maglabas sila ng ebidensiya kung totoo but you know, I really doubt na totoo iyan at galing iyan sa Liberal Party.

Q: Tapos Senator just 9 decision, marami dun sa nasa 9 na justices, is na-appoint ni Presidente Aquino, ngayon lalong tumibay ang speculation kung tatawagin natin na 2nd bet ni Presidente si Sen. Grace Poe.

Sen. Bam: Well iyon naman hindi totoo. Kasi kung tutuusin the President's been very clear that his support is with Sec. Roxas and Congresswoman Robredo, even naman noong SET.

Obviously, I'm with the Liberal Party but I need to allow our colleague-friends and the President to decide on their own. Hindi kasi ito puro pulitikahan lang eh.

I think kasi ang meaning ng media, I guess iyong underlying na sinasabi ninyo ay pulitikahan lang. You have to allow people to do their jobs properly.

I think sa SET, nagawa naman namin ang trabaho namin.

Palagay ko ang Supreme Court you have to allow them to do their job also. Hindi lahat pulitikahan, hindi lahat hulihan, kasi I mean if the decision were the other way, probably sasabihin mo nabili siguro ang mga ganyan.

Which again wala namang ebidensya, wala namang paratang na ganyan.

So palagay ko we just need to allow people to do their jobs properly at magtiwala rin na kaya nating gawin ang mga trabaho natin nang maayos.

Q: Sir, kay Leni Robredo, there was a time na sabi niya na-o-overshadow siya ni Mar and she needs to break away from the campaign, as her campaign manager...

Sen. Bam: Maybe 2-3 days of the week magkasama sila. The rest of the days hiwalay ang kanilang mga lakad. Siyempre pag kasama mo ang presidential candidate siyempre all the attention's with the presidential candidate.

So I think you know, in the times na magkasama sila mahalaga iyon to really show unity, but there are also times na magkahiwalay sila to cover more ground kasi maraming lugar sa ating bansa ang hindi pa naaabot.

So more and more, I think we'll need to cover more ground. Pareho silang naghahabol and I think 1 way to really win in this election is to talk to more people.

Pagdating kasi kay Cong. Leni, kailangan niya lang makuwento ang kuwento niya, masabi kung bakit siya tumatakbo, ang lakas-lakas ng conversion niya.

So to cover more ground, there will be days na magkahiwalay sila and there will be days na magkasama din sila. And that's been the process ever since the start of the campaign.

Q: So parang mali naman ang pananaw na kaya naman nadadala pababa ang ratings ni Cong. Robredo is gawa ni Sec. Mar?

Sen. Bam: I don't think so. In fact if you look at their numbers, pareho sila ng range. So the real question talaga is paano iyon aabot sa next page?

Now, If you ask me, ang mga latest na lumalabas, within 4-5 points from the front runner. Si Leni sa 21, and I think si Bongbong nasa 26. That's a bit quite close, napakalapit na niyan.

Kumbaga if you remember at 2010, si Vice President Binay had a 12 point swing in the last 2 weeks.

So we're actually all na nasa state na tayo na patas patas na ang laban eh. It's really a matter of just pushing this next 60 days to really be able to get the message out.

Now, for Cong. Leni dahil siya ang pinakabago dito, kailangan talagang mas lumabas pa. Mas makilala pa ng taong bayan. For many of us who are supporting her, nung nalaman namin ang kuwento niya, noong nalaman namin ang gusto niyang gawin, talagang solid na solid kami behind her.

So we're really hoping na in the next 60 days we cover more ground, mas maraming lugar ang mapuntahan and hopefully surmount this last 5 points na kailangang ma-overcome.

Q: Meaning magsosolo siya, Sir, ng sortie?

Sen. Bam: Well iyon nga ang point ko eh, I think from the start may mga days talaga na sarili siya, at may mga days na magkasama sila. Ever since hindi naman sila magkasama every single day of the campaign.

So we just have to maximize the days na she is on her own, and of course the focus will be on her. And ang mga days naman na magkasama sila, i-maximize din kasi those are areas na nagtutulungan din.

Q: Madadagdagan ba sir ang solo days niya?

Sen. Bam: That depends on the surveys. Kumbaga titingnan mo kasi ang mga areas na mahina ang isa, malakas ang isa. Kung pareho silang mahina sa isang lugar, okay na puntahan ng sabay.

But if there are areas na malakas ang isa, ang isa naman really needs to go to places na mahina siya. And as the days go on, makikita mo sa mga surveys kung saan mataas ang isa at mababa ang isa. So that's normal for any campaign.

Q: Maniniwala siguro ako na ang support talaga ni Presidente ay kay Mar. Pero ang [inaudible] hindi madadala iyon ni Presidente para kay Mar.

Sen. Bam: Alam mo sa pulitika naman hindi nama lahat ng kasama mo noong 2010, kasama mo ng 2013. Ganoon talaga ang politics natin.

People will decide who they want to support. Ganoon lang talaga. I mean wala namang nangyaring block voting dito sa bansa, walang pilitan and I think iyon ang demokrasyang pinaglaban natin.

So right now, more than focusing on sa mga ganitong bagay, iyong mga nangyayari sa Supreme Courts, sa Comelec, let's focus on convincing people.

Ang taumbayan iyong puntahan natin at kausapin. Siguraduhin natin na ma-convince natin sila kung sino ang gusto nating manalo diba?

And I think we have time pa naman. May oras pa naman.

Q: Thank you, Sir!

News Latest News Feed