Press Release
April 8, 2016

Transcript of ambush interview with Sen. Francis G. Escudero (FGE)
in Calaca, Batangas

QUESTION: Reaksyon po si Mar Roxas nakipag-meeting sa mga actively generals, hindi ba nakakaalarama ito?

FGE: Matagal na naming naririnig yan, na may papel na giagampanan ang ilang mga active at retired na miyembro ng PNP. Ngayon lamang marahil sila nahuli ng litrato at kamera sa Novotel. Ayon kay PNP Chief Marquez, pag may nagreklamo raw ay agad niyang ire-relive tulad ng ginawa niya sa isang Chief of Police sa bayan ng Abra.

First, plano naming maghain ng reklamo laban sa mga pulis na nabanggit na nakipagpulong sa staff ni Sec. Roxas. Dapat matigil na ito...masyado na, akala nila lahat kaya nilang gawin kahit na anong bagay porket administrasyon sila. May tungkulin na dapat gampanan ang PNP. Inaasahan ko, si PNP Chief Marquez, magiging totoo sa salita niya at ire-relive ang mga heneral na ito basta may magreklamo.

QUESTION: Sir, follow up lang. Sa palagay niyo, ano ang intensyon nila? May related ba sila, Sir?

FGE: Palaging related sa election, kaya naman, sino ba namang makikipagpulong sa mga staff ng kumakandidato at dating under pa niya. Sa katunayan, sa maraming lugar na aming pinupuntahan, alam namin, panay ang tawag niya sa mga Regional Director, Provincial Director, akala niya, siya pa rin ang DILG Secretary.

QUESTION: Sir, may gusto raw malaman si Congressman Leni Robredo na nangyari daw sa sarili mong barangay sa Sorsogon? Yung panunutok ng ilang armadong kalalakihan. Parang pinaniniwalaan nilang supporters mo daw?

FGE: Kahapon din ay kinondena ko ang insidenteng yan. Walang armadong grupo ang puwedeng pumigil sa kahit na anumang grupo na pagpupulong, pero hindi LP yon, PDP Laban ang nagpulong doon. At inireklamo na namin sa pulis at hiniling namin sa pulis na ito'y imbestigahan.

QUESTION: Sir, in Kidapawan incident, what should have been done by the government?

FGE: Una sa lahat, maximum tolerance. Bigas ang hinihingi nila bakit bala ang binigay sa kanila. Pangalawa, kung may nanakit man sa kanila, bato yon, bakit bala ang ipuputok nila sa kanila. Pangatlo, siguro dapat ang Pangulo mismo, inaddress ang insidenteng ito para sa gayon, maibsan naman yung sakit, pait na dinanas ng ating mga magsasaka na gutom lamang naman ang naging dahilan kung bakit nag-udyok sila, o nag-udyok sa kanila mag-rally at ihayag ang kanilang nararamdaman at nasasaloob.

QUESTION: Sir, bigyan niyo kami ng reaksyon kasi hindi mamatay-matay yung isyu na nagsabi na nag-away daw kayo ni Senator Grace Poe at maghihiwalay daw po kayo?

FGE: (laughs) hay nako, tatlumpung araw na lang at eleksyon na at hindi po totoo, madali naman pong mapatunayan at lagi niyo pong nakikita, magkasama kami kaninang umaga, magkasama na naman kami bukas. Siguro yung intrigang yan, ang masasabi ko na lang sa kanila, dahil tulad ng sinasabi nila ngayon, ngayon lang sila nagiging close, kami matagal na.

QUESTION: Sir, Vice Presidential Debate na, paano ka maghahanda sa dami mong schedule?

FGE: Nagbabasa-basa nang kaunti, matutulog nang mahimbing at nakikipag-usap sa ilang mga eksperto para ma-brief kaugnay ng mga latest updates kaugnay sa ekonomiya at sa ilang mga bagay-bagay pa tungkol sa iba't ibang Local Government Units sa ating bansa.

QUESTION: Pero, masasabi mong handa ka, Sir?

FGE: Wala naman sigurong lubusang handa para sa anumang debate pero ano man yon, haharapin na lamang natin.

QUESTION: Sir, bakit po kayo na-late?

FGE: Nagka-diperensya ng kaunti yung sinakyan namin kaya hindi kami naka-takeoff agad sa Manila kanina. Pag nasimulan mo nang late, ang hirap nang humabol.

QUESTION: Sir, on Kidapawan incident, what are the issues that should be addressed especially on the side of the PNP?

FGE: Maraming inaddress ang Pangulo na mas maliliit na bagay. Siguro, isang bagay ito lalo na nasa gitna ng eleksyon, na dapat ito'y i-address lalo na number one, tungkol sa magsasaka at number two, kakulangan ng pagkain doon sa lugar na yon.

QUESTION: Sir, what would be the nature of your complaint against the PNP officials?

FGE: Electioneering and partisan particularly being conducted by members. Active members, that is of the Philippine National Police.

QUESTION: Anong penalty ninyo sir?

FGE: Hindi ko kabisado pero meron. That is considered as an election offense.

QUESTION: Sir saan ninyo ifafile iyon? Sa Comelec?

FGE: Pinapadraft pa namin sa mga abogado namin at titignan namin kung magiging totoo sa salita niya si General Marquez. Katulad ng ginawa niya sa pulis ng Abra may nagreklamo daw kaya niya nirelieve. Pwes mag rereklamo kami aantayin namin iyong relieve niya. Ang mga heneral na ito.

QUESTION: Thank you sir, sir salamat.

QUESTION: Sir naka... doon sa Davao?

FGE: Hindi rin naman ako pupunta.

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi ko alam.

QUESTION: Parang iyon ang pinopoint ni Senator Enrile na walang notice of hearing. That is why he is questioning it.

FGE: Actually 3 days dapat iyon.

QUESTION: Yes oo.

FGE: Dalawa pala. Pero wala rin naman akong balak umattend so I am not affected by it.

QUESTION: But they shared the observation that there has no need of legislation rather enable election.

FGE: Matatanda na ang mga senador alam na nila ang ginagawa nila. Alam din nila iyong rason kung bakit nila ginawa iyon. Ang tao hindi rin mangmang, alam din nila kung ano ang pakay ng mga senator na nagpunta roon.

QUESTION: Hindi naman obvious?

FGE: Alam na ng tao iyon hindi na kelangan sabihin pa. At saka hindi ko ugali manira at makipag away.

QUESTION: So kahit na nakareceive kayo ng notice of hearing hindi kayo aattend?

FGE: Actually hindi ko sure kasi wala naman akong balak mag (inaudible) because I don't want to be perceived as using my position. Naalala ninyo nagpaplano pa lang akong tumakbo, nagresign na ako as Finance Committee Chair ay hindi lalo na iyong simpleng pag attend ngayong kandidato na ako.

QUESTION: Pero sir you shared the view of Senator Enrile na may procedure kapag dating sa pag conduct ng hearing?

FGE: Meron naman talaga hindi ko lang alam kung natupad iyon o hindi. Wala akong personal knowledge kaugnay sa paglabag sa anumang rules. Kung meron man may karapatan si Senator Enrile i bring up iyon.

QUESTION: Pero what is the proper committing? Blue Ribbon or Justice (inaudible)? To handle this issue?

FGE: Justice... Actually iyong Committee ni Senator Guingona, Peace at saka Mindanao. Pwede rin justice and Human rights dahil bahagi naman iyon. Pwede ring Agriculture. Blue ribbon hindi siguro. Baka pwede pa nga iyong Committee ni Senator Grace, iyong Public Order and Security. Dahil PNP officials ang invlove.

QUESTION: Sir kelan ninyo ifafile?

FGE: Hindi hindi ako ang magfafile. Itinatanong lang kung anong committee.

QUESTION: Hindi sir iyong sa ano iyong sa PNP sorry.

FGE: Inaantay lamang namin magawa ng mga abogado iyong reklamo o complaint kaugnay dito sa insedenteng ito. Sinuman ang maniniwalang hindi nila pinag usapan ang eleksyon? Sa Cubao pa talaga sila nag meeting.

QUESTION: You will be the complainant?

FGE: Depende kung may makukuha kaming testigo kung malaman... Iyong abogado namin o ako mismo kung kinakailangan.

QUESTION: Sir acceptable ba iyong sinabi ni Coordinator Honrado na minalas lang daw sila kaya nag...

FGE: Hindi, kaibigan ko si (inaudible) sub alit hindi. Para sa akin isang bagay ito na dapat matagal na nilang pinaghandaan. Dapat marami silang redundancy para hindi ito mangyari kailan man. Malas man o swerte iyong mga nakaupo diyan.

QUESTION: Sir sabi phone in question lang ano, hindi ba iyong si Honrado, tumender ng full accounting of where airport funds went. Can the Committee on public services demand accountability over the failure of NIA and what to address the problems?

FGE: Dapat naman talaga inaaccount ang pondo, si Sec. Honrado man, si Secreatary Abaya man o kung sinupaman. Dapat subject to all rules and regulations lahat iyon. Pero tama rin nakakapagtaka, bakit walang redundancy. Bakit walang first, second, third line of defense ang airport natin kaugnay sa ganitong uri ng mga insidente? Noong panahong iyon, airport lang ang brownout sa buong area. Hindi naman yata tama at makatarungan iyon. At lalong hindi katanggap tanggap iyon.

QUESTION: Okay thank you.

News Latest News Feed