Press Release
May 7, 2016

Reelectionist Senator Teofisto "TG" Guingona III Thanks El Shaddai
for the Endorsement

Lubos po akong nagpapasalamat sa El Shaddai, kay Bro. Mike Velarde at sa inyong lahat na nananampalataya.

Nagpapasalamat din po ako, dahil ang patuloy na pagmamahal ninyo sa Diyos ang nagpapalakas ng inyong pagmamahal sa ating bansa.

Dahil sa pagmamahal na ito, nasa puso at isip ninyo ang pagpili sa kung ano at sino ang makakabuti sa ating bayan.

Nagpapasalamat po ako dahil hindi kayo nawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok.

Nagpapasalamat ako sa inyong pagdarasal para sa ating bayan. . . na tayo ay umusad at umangat mula mga baluktot na pag-iisip at gawa.

Muli, tayo ay mahaharap sa pagsubok ng pagpili ng mga susunod na maglilingkod sa ating bansa.

Sa lahat ng problemang hinaharap ng ating bansa - kahirapan, kriminalidad, korupsyon, kalusugan, trapiko, trabaho, kapayapaan - ang ugat ng solusyon ay pagkakaisa.

Kung isasantabi natin ang ating mga pagkakaiba-iba at dadagdagan ng dasal ang ating mga desisyon at aksyon, mas gagaan ang trabaho kung may pagkakaisa.

Muli, maraming salamat sa inyong suporta at sa paniniwala sa ating kagustuhan at kakayahan na maglingkod.

News Latest News Feed