Press Release
June 1, 2016

STATEMENT ON THE INCOMING CABINET MEMBERS AND AGENCY HEADS

Maraming bagong pangalan, marami ring kilala nang nanilbihan sa publiko bilang miyembro ng gabinete o lehislatura, at may mga akademiko rin. Mayroon ding galing sa kaliwa tulad nitong administrasyong Aquino at noong panahon ni Cory. Hopefully, there will be synergy or what we call 'the sum is greater than its parts.'

Sana ay mabigyan din ng posisyon si Vice President-elect Leni Robredo dahil may kakayanan at karanasan naman siya. Pero dapat huwag madaliin ang bagong pangulo sapagkat marami pa namang bakanteng posisyon sa gabinete at ahensya. Pwede rin namang lumikha ng posisyon si President-elect Duterte para sa bise presidente.

Sana'y maipagpatuloy din ng administrasyong Duterte ang pagkakaroon ng clusters kung saan nagtutulungan at naguusap ang iba't ibang departamento sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa publiko.

News Latest News Feed