Press Release
June 7, 2016

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: May tweet si Sen. Ping, sabi niya ang SP ay si Senator Koko, ang Pro-Temp si Drilon, at ang Majority leader si Sotto... Villar: Ayaw yata mag-Majority Leader ni Tito, sabi niya sa akin.

Q: Diba ang inyong manok ay si Sen. Alan... Villar: Iyon kasi ang bilin sa akin.

Q: It means po ba nagsama ang LP at grupo nila Sen. Sotto, Koko... Villar: Ewan ko. I don't think so but anyway pabayaan n'yo na lang sila.

Q: Sa tingin ninyo sa ngayon wala pang solid group na makak-elect ng SP? Villar: Too early.

Q: Marami pang pwedeng mangyari? But you're hoping si Sen. Alan? Villar: It's the wish. Syempre ang gusto niya cooperative sa kanya. Tingnan natin kasi diba, hindi katulad ng Congress na mas nagpa-follow sa wish, kasi dito mas independent ang Senado. Okay lang.

Q: Hindi na magbabago ang commitment n'yo kay Sen. Alan? Villar: Hindi na, kasi iyon na ang commitment. Masama naman iyong pabago-bago ang commitment.

Q: Nagliligawan pa rin ngayon? Villar: Okay naman yan.

Q: May kumakausap pa rin sa inyo kahit pumirma na kayo sa resolution? Villar: Wala na.

Q: Kung sakali, ready naman kayong maging member ng Minority? Villar: Okay lang, pero I want that Committee on Agriculture. That's my wish and I don't think I will lose it. Kahit ka naman Minority you are entitled to your previous committee kung hindi ka umaalis doon. Tradition iyon sa Senate na kapag ikaw ang may hawak n g committee whether you're Minority or Majority, they give it to you. Ang ipinamimigay na lang ay iyong ivinacate ng umalis sa Senado. Normal iyon. Ang dami namang iba-vacate. Tingin ko I am entitled to that Committee on Agriculture. Iyon lang naman ang aking concern kasi I think I can do a lot for agriculture.

Q: Sa tingin ninyo gagamitin ni President-elect Duterte ang impluwensya niya para maging SP si Alan? Villar: I think so.

Q: To make sure na ang agenda ng kanyang administrasyon ay maisusulong... Villar: Alam mo naman sa Senado basta maganda, makakapasa naman sa Senado. Very logical naman kami dito pero iba na rin iyon diba. May certain committees na dapat may support ng President, kukunin ng mga allies. Siguro iyon lang.

Q: Si Duterte daw hindi na magpapa-interview... Villar: Siguro naman magiging active ang kanyang spokesman. Kasi ang tradition naman na ang talagang sumasagot sa mga questions ay mga spokesman. Siguro hindi naman permanent iyon but i can never tell kasi iba naman siya. In fact tingin ko kaya siya na-elect he is kind of different at ang mga tao is looking for change. Huwag naman tayong mabibigla na he will do it differently kasi in the first place kaya siya na-elect ay dahilo ang mga tao ang gusto ay somebody who will do it differently.

Q: The appointment of Mr. Martin Andanar... Villar: Hindi naman siya spokesman. Ang spokesman si Panelo.

Q: May maitutulong ba siya para magkaroon ng magandang relationship sa media... Villar: Yes kasi under sa kanya ang mga agencies on information like PTV 4, Philippine Information Agency, Radyo ng Bayan, Philippine News Agency. Tingin ko with that and making use of that, marami ring maitutulong to communicate what the President would want to communicate. And of course may spokesman siya. And there's another agency, yung Stratyegic Communication and Planning. It used to be handled by Quezon. I guess they have to work within that scope.

Q: Hindi ba kayo ang nag-push kay Andanar? Villar: Hindi. Taga Mindanao iyon. We have nothing to do with that. Maski iyong kay Mark it did not come from us, it came from him. Hindi nga namin ini-expect na public works. Iyon ang gusto niya.

Q: May next batch pa ba ng OFW na pauuwiin? Villar: Nakakaawa naman sila kasi matagal na pala sila doon. Kami naman, basta may sumulat sa amin that's when we act kasi ayaw naman naming makialam doon sa hindi naman interesadong magpatulong sa amin kasi baka may reasons naman sila. Mabuti naman at ang katulong namin ay si Toots Ople kasi wider ang kanyang contact abroad. That's their advocacy kaya kapag may sinabi siya na may umuwi na kailangan ng livelihood o ng assistance, kami naman ang tumutulong. Kasi this is one of our three advocacies-- poverty reduction, environmental protection tsaka OFWs. Ito talaga ang aming advocacy sa Villar SIPAG. It will be consistent. Iyong mga OFWs, napakalaki ng kanilang contribution sa ating economy. Whatever na ibibigay natin sa kanila is all worth it kasi parang $48 billion a year; $25 billion sa formal remittance at $23 sa informal. In fact, hindi nila sinasabi ang 23 na galing sa informal remittance. It's a total of almost $50 billion a year. Kaya kung humingi man sila ng budget sa GAA for repatriation , legal assistance, so small compared to their contribution to the economy.

Q: May nakita na kayong agenda ni Duterte para sa OFWs? Villar: Gusto niya iyong Department of OFWs. Malaking bagay na ang presidente gusto ito. Kasi normally merong hesitation na mag-create ng department, with his support that will be very good. Kasi confusing ang OFW. Like ako, kung hindi ako masyadong familiar sa government, hindi mo alam kung saan ka pupunta sa DFA or sa DOLE kasi may agencies na nasa DOLE, may agencies na nasa DFA. Kung may Department of OFWs, alam na ng lahat ng tao na doon ka pupunta. Ipupush natin ito, author kami ng bill diyan.

Q: Ibibigay daw ni Duterte ang additional 2,000 SSS pension. Villar: Yes, mae-executive order daw siya. Nag-away-away pa nga sila sa House gusto nilang i-override ang veto. Actually, sinabi na niya na pag-upo niya mag-executive order siya na ibigay ang 2,000 sa retirees as pension sa SSS.

Q: Kailangan pa rin ng law? Villar: Kasi minsan ang EO na-rerevise, iba na talaga ang legislation. Baka naman mag-file na kami kapag gusto naming taasan in the future, hindi lang ngayon. I think no sane president will repeal an EO na ganun kapopular.

Q: Kaya hindi nyo na pinush na i-override because of the EO? Villar: Hindi kami makaka-override until ang Kongreso ang mag-override. It has to come from the House of Representatives, hindi sa amin.

Q: Pero mas maganda may law? Villar: Oo, syempre permanent iyon, better. Pero willing na willing naman siya. (end)

News Latest News Feed