Press Release
July 25, 2016

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Are you satisfied with the EO on FOI released by the President?

Sen. Grace Poe: Isang malaking hakbang ito na ginawa ng administrasyon. At least sa executive branch, ibig-sabihin, mga departamento ng gobyerno, pwede na nating busisiin ang kanilang mga dokumento. Kaya lamang, syempre, iba pa rin ang batas. Kaya hinihiling ko rin sa ating administrasyon ngayon, sa ating Pangulo, na kumbinsihin ng konti naman ang Kongreso dahil susi iyan para maipasa ang FOI. At saka ang isa pa, alam mo dito sa nilagdaan ng ating pangulo, hindi kasama diyan ang parusa ng pagkakakulong o di kaya ay pagbayad ng multa. Ang kasama lamang diyan siguro ay administrative penalties. Ang importante, matakot ang bawat isa na magtago ng impormasyon na karapatan ng ating mga kababayan na malaman.

Q: On the supermajority...Ano ang mga priorities na napag-usapan?

Poe: Wala namang mga panukala pang pinag-usapan. Ang pinag-usapan, dun sa narinig ko, ay kung sinong mamumuno bilang Senate President. At nagbigay na rin kami ng aming nais sana na mga komite na hahawakan.

Q: What committees would you like?

Poe: Umaaasa ako na makuha pa rin natin ang Public Information. Sapagkat yun na yung aking komite noon pa. At diyan papasok ang FOI. Pero mas mabuti nang malaman na lang ninyo pag official na.

Q: Do you support Sen. De Lima's investigation on extrajudicial killings?

Poe: Siyempre, kasama iyan sa trabaho ng Senado. Oversight. Tingnan talaga kung mayroong problema. Saka alam naman natin ang Senado mismo ang huling hantungan ng hustisya lalo na kapag hindi umuusad sa korte. Muli, sa ating mga kababayan, hinihiling ko ang inyong panalangin, unang pagbabalik sa Senado ng mga senador...Kasama na rin ako, mahirap ang pinagdaanan natin, pero pagkakataon namin ito na tulungan ang ating bayan na mas lalo pang maging maayos.

Q: Comment on SC decision on GMA?

Poe: Kung ano man ang nararamdaman ko dito ay hindi mahalaga. Dumaan ito sa proseso. Tayo man ay panig dito o hindi, iyan ang salita ng Korte Suprema, kailangang sundin. Pero dapat, hindi umatras ang gobyerno sa pakikipaglaban sa korapsyon. At dapat mas palakasin natin ang ating mga kaso, gumamit tayo ng mga abugado na magagaling para yung mga mayayaman ay hindi naman basta-bastang nakakagamit ng abogado na pakakawalan sila. Pero para sa akin, pag nakikita ng mga kababayan natin na ang nagkakasala ay napaparusahan ay natututo sila ng leksyon.

Maraming salamat.

News Latest News Feed