Press Release
July 25, 2016

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT with dzMM

Question: Comment on President Duterte's SONA?

Sen. Grace Poe: Maraming mga partikular na mga sinabi...halimbawa, kasing simple lang na imbes hanggang tatlong taon lang ang lisensya, gagawin niyang limang taon. Yung passport, hanggang sampung taon. Pero sa tingin ko ang pinakamahalaga na sinabi niya ay ang pagkakaroon ng kapayapaan. Sabi niya, ito ang gusto niyang isulong at hinihiling niya ang ceasefire sa CPP NPA at ng NDF. Pangalawa, na itutuloy niya ang BBL--nagulat tayo doon, diba? Sinabi niya na ituloy natin ang BBL, tanggalin lang ninyo ang mga bagay na hindi kayo sang-ayon o laban sa Konstitusyon. Tapos nagbanggit din siya na magkakaroon ng libreng wi-fi sa maraming mga lugar at yung train natin ay mas bibilis daw at mas dadami...So, paiba-iba, pero lahat iyon, sa tingin ko, magmula doon sa kapayapaan hanggang doon sa pang-ekonomiya, bababa ang personal at corporate income taxes, napakahalaga noon.

On Passing an FOI Law

Q: Yung mga isinusulong nating panukalang batas, are they aligned with what the President is pushing for?

Poe: Oo naman. Nung ako, kung naalala ninyo, tumakbo rin naman ako, lahat nung mga sinabi niya ay naging pangarap ko rin. Na mabigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan, pero, para sa akin, sana nabanggit din niya na hinikayat ang kongreso na ipasa na ninyo ang Freedom of Information dito. Kasi napirmahan ko na eh. Kayo naman. Siguro ayaw din munang pilitin ng Pangulo yung mga ibang kongresista pero importante na may sinasabi ang Pangulo kasi nakita natin noong huling administrasyon, pag walang utos sa taas, medyo mabagal ang usad ng batas.

Q: Ano po ba ang difference ng EO ng Freedom of Information t'saka the Freedom of Information na batas?

Poe: Actually, kapag Executive Order lang po, ibig sabihin, kapag nagpalit ang isip ng pangulo ay pwedeng tanggalin ito. Ang batas, kahit na sino pa ang nakaupo diyan ay matagal iyan mabuwag. Pangalawa, ang executive order ng pangulo ay covered lang po ang executive branch, ibig sabihin ang gabinete niya at mga opisina nito. Hindi po covered ang Senado, Kongreso, o ang Judiciary. Alam po ninyo ay marami ding kurakot sa mga branches na ito, importante ay mabantayan din kaya para sa atin dapat talaga isang ganap na batas para pag nagkamali ka hindi lamang mababa ang parusa kundi mabigat-bigat rin para walang lulusot.

Q: Maraming salamat, ma'am.

News Latest News Feed