Press Release
July 28, 2016

DZRH Interview of Sen. Nancy Binay

Sen. Nancy Binay: Magandang umaga po, Sir Deo, magandang umaga miss Karen at syempre, magandang umaga po sa lahat ng nakikinig ng inyong programa.

Question: Deo lang po Senadora, o kaya Mayor na lamang po (laughs).

Binay: O sige Mayor (laughs).

Question: Anyway Senadora, mukhang maganda ang gising ninyo ngayon. Naayos na po ba yung seating arrangement sa Senado, Senator Nancy Binay?

Binay: Deo, lagi namang maaga ang gising ko (laughs). Laging magaganda dapat ang gising nating lahat, di ba? Yung nangyari ho kasi nung the other day, medyo nagulat lang naman ako sa umpisa pero noong bandang huli, parang para sa akin, okay na rin atang katabi ko yung dalawa. Kung may pagbabago o walang pagbabago sa magaganap sa Lunes pagdating doon sa seating arrangement, okay na lang din sakin.

Question: Pero kahapon Ma'am, magkakatabi ba kayo nila Sen. Trillanes at Sen. Cayetano?

Binay: Hindi ho e. Wala ho kaming session kahapon dahil nagkaroon ng security council meeting.

Question: Oo nga pala.

Binay: Marami ho doon sa mga kasamahan ko ang naging bahagi nung naging meeting kahapon.

Question: Sino po ang nagdedesisyon Sen. Nancy Binay kung paano po ang seating arrangement ng ating mga Senador?

Binay: According to alphabetical order.

Question: Parang sa eskwelahan.

Binay: Oo, parang sa eskwelahan. Kaso ho nung Tuesday ho ang ginawa ho nung Senate Secretary tinanggal niya ho muna niya kami ni Sen. Alan saka ako doon sa upuan namin kasi doon ho uupo yung Majority saka Minority Leader. Nilagay niya ho muna kami doon sa bakanteng upuan sa likod. E ang natirang upuan ho doon sa likod, yung katabi ni Sen. Trillanes kaya nag-end up kaming magkakatabi doon sa likod na tatlo.

Question: Hindi ka ba magrerequest Sen. Nancy Binay Ma'am na doon sa nag-aarrange ng upuan na paghiwa-hiwalayin kayong tatlo para naman na hindi tuwing session e parang hindi kayo mapakali.

Binay: Ako, okay lang sakin pero alam ninyo ho ang nasagap ko nung Monday e mukhang mas hindi ata kayang tiisin nung dalawa (unintelligible).

Question: Actually si Sen. Alan Cayetano e yun daw ang sobrang masama ang loob. 'Bakit ninyo naman ako pinagitna dito?' Nasa gitna ba siya? Si Sen. Cayetano.

Binay: Nasa gitna ho siya (laughs).

Question: So sa inyo okay lang na hindi na babaguhin yung seating arrangement Sen. Nancy Binay ma'am?

Binay: Sa akin ho, okay lang. Para sa akin, pagpapatunay na, kumbaga, kailangan magkasundo at magtulungan kaming pare-pareho, di ba, kung ano man ang personal differences na pinagdaanan namin nung nakalipas na taon, kumbaga, lahat tayo mag move on na. Di ko naman sinasabi kakalimutan ko yung ginawa nila sa amin, we are all public servants kailangan para magkaisa yung bansa natin, siguro umpisahan natin, kumbaga our second home which is the Senate. Kung nagkakagulo kami doon, e what more pa sa labas ng bahay namin.

Question: Pero Sen. Nancy Binay, ayan ha, paano po noong unang session na una kayong magkatabi? Ginaya ba si PNoy at si GMA? Nag-isnaban ba kayo?

Binay: Dedma.

Question: Nagkamayan ba kayo? Wala ba kayong pansinan, walang kibuan? Ano hong nangyari?

Binay: 'Yun nga ho ang ikinalulungkot ho e, hindi po nagkaroon ng pagkakataon na may photo op kami noon. Kasi ho nung nandoon ako, biglang si Senator Alan umupo, so nagpicture taking kaming dalawa. Kaso lang ho, nung dumating na si Senator Trillanes, wala naman si Senator Alan. Saka hindi po umupo si Senator Trillanes doon sa upuan niya. Wala rin ho kaming picture na dalawa ni Senator Trillanes. So...

Question: Hindi sila nagkibuan?

Binay: Kami po ni Senator Alan...

Question: Nag-usap?

Binay: Nagbiruan. Kasi tinatanong niya ako...

Question: Anong sinabi?

Binay: Tinanong niya kanino ba mas parusa 'yong seating arrangement sa kanya o sa aming dalawa ni Senator Trillanes...

Question: Anong sabi po ninyo?

Binay: Sabi ko mukhang pareho (laughs).

Question: Ayan, so anyway, so okay lang sa inyo. Abangan natin kung babaguhin.

Question: Pero kailangang maging professional, 'di ba?

Binay: Sa tingin ko babaguhin kasi unang-una po si Senator Trillanes belongs to the minority. Sa seating arrangement, magkakasama ho 'yong majority, magkakasama ho 'yong minority. So for sure ho, si Senator Trillanes, sa harap na ho uupo 'yan kasama sina Senator Recto. Si Senator Alan na lang po ang 'di ko alam saan uupo kasi parang...

Question: Hindi mapakali.

Binay: Independent daw ho siya so...

Question: Parang sinisilihan yata ang puwet kapag katabi kayo (laughs).

Question: Pero at least sana makapagtrabaho na tayo, makapagsimula na daw tayo, senator, 'no?

Binay: Sabi ko nga ho, regardless kung anong seating arrangement, minor lang ho 'yan. Ang importante, magtulungan po kami pare-pareho.

Question: At saka malay ninyo, pagkatumagal-tagal kayong tatlo maging magkakaibigan na rin sa bandang huli (laughs)

Binay: Alam ninyo naman sa politika, 'di ba, there are no permanent friends nor permanent enemies.

Question: Anyway, Senator Ma'am, kayo po ay chairperson ng Senate committee on tourism. Okay ba sa inyo 'yong inyong komiteng napunta sa inyo? Paano ba ang naging distribution ng chairmanship ng mga komite? Marami ba ang kuntento o marami ang hindi satisfied sa distribution ng committee chairmanship?

Binay: Alam ninyo ho, hindi lang ako naka-attend nong huling caucus ng majority at napagusapan nga ho don 'yong distribution of committees and then lahat ho kami nagsignify ng kung ano 'yong mga committee na gusto namin. So, wala naman hong issue with other senators and automatic ibibigay na ho 'yong gusto mong committee. Nagkataon naman ho don sa tourism, parang wala naman hong issue sa iba kong kasamahan kaya nakuha ko po siya.

Question: Pero ito po ang inyong top choice? 'Yong puso po ninyo ba ay naroroon po ba sa committee na 'yon?

Binay: Ako kasi, alam ninyo ho, graduate po ako ng UP AIT so 'yon ho talaga ang pinagaralan ko for four years sa college.

Question: Ayon.

Binay: So more or less, I'm very familiar with the industry.

Question: Kamusta po si Vice President Jojo Binay ngayon?

Binay: 'Pag nakita ninyo po siya, hindi ninyo makikilala.

Question: Bakit?

Binay: Ang laki ho ng ibinata.

Question: Tumaba?

Binay: Hindi ho, batang-bata ho at hitsura ngayon.

Question: Ano po ba, nabawasan kasi ng stress? Ganon ba?

Binay: Bagay na ho sa kanyang mag-Boy Scout outfit ngayon kasi mukha na po siyang boy (laughs).

Question: Mukhang bumata. Siguro nabawasan ng stress, 'di ba?

Binay: Narelax na siya. Kung baga nabawasan ng problema, mga iniintindi.

Question: Ano po ang pinagkakaabalahan ng inyong ama, si former...

Question: Vice President Binay? Ano po ang routine niya ngayon?

Binay: Ganoon pa rin po. Nagwa-walking pa rin siya araw-araw. And then, ngayon po, nagrereport po siya doon sa law office. So, nag-ooffice na rin siya. I think po, inaayos niya iyong foundation... Alam ninyo, kung baga, nakasanayan na niyang tumulong sa ating mga kababayan so through this foundation po patuloy pa rin niyang tulungan ang ating mga mahihirap na kababayan.

Question: So, paanong tulong po ang gagawin niya, Senator Nancy Binay, Ma'am? Ang VP ba ay babalik muli sa pulitika at tatakbo bang mayor muli ng Makati? O vice president uli o kaya presidente ulit? Ano po ang plano niya sa pulitika?

Binay: As of the moment, hindi na po muna niya iniisip ang pulitika. Gusto na muna niyang mag-focus doon sa foundation. Siguro parang sinusubukan muna niyang tumulong as a private citizen kasi po for the past thirty years po, ang pagtulong niya is bilang isang public official. So, I think, susubukan muna niya as a private person sa pagtulong.

Question: Senator Nancy Binay, Ma'am, maraming salamat po at sandali lang...

[Plays Binay jingle... "Kay Binay, gaganda ang buhay..."]

Question: Ang pagtingin ba ng Binay, gaganda ba ang buhay sa ilalim ng Duterte administration, Senator Nancy?

Binay: I think po, so far naman po doon sa mga pronouncements ni Presidente Duterte talagang gusto naman niyang mapaganda ang buhay ng ating mga kababayan. Ang una nga niyang inaasikaso ay ang mga frontline services po na talagang diretsong nakakapekto sa ating mga kababayan.

Question: Senator Nancy Binay, Ma'am, maraming salamat at magandang umaga po sa inyo.

Binay: Thank you, thank you po.

Question: Si Senator Nancy Binay...

News Latest News Feed