Press Release
August 3, 2016

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Kailan ang hearing ninyo for Emergency Powers?

Sen. Grace Poe: Next week, pero briefing muna ng DOTr, MMDA, tapos yung sa airport para malaman natin ano ba talaga ang problema nila, kung kailangan talaga ng emergency powers. Kasi ang gusto ko, dapat patas, mabilis, at transparent para pagdating ng bidding hindi naman pwedeng sabihing walang bidding na lang. Kung mayroong bidding, mabilis. Pero dapat yung bidding maayos, hindi pwedeng wala kang track record biglang gagawa ka ng kalsada o kaya nagrerepair ka ng train wala ka man lang experience. Yun yung mga bagay na mamadaliin natin.

Q: May date na next week, ma'am?

Poe: Tinitingnan namin ang Wednesday. Nagpadala na kami ng invitation.

Q: How many bills na ang na-ifile about emergency powers?

Poe: Sa emergency powers, parang tatlo yata. Hindi ako sure. Pero isa doon, Sen. Drilon ang nag file.

Q: Ano ang specific na gusto ninyong marinig from them--MMDA, etc.

Poe: Titingnan natin bakit. Papaano nila masosolusyunan ang traffic, ano ba ang mga balakid, ano ba ang mga problema nila, ang sabi ng iba yung right of way. Eh nagkakaroon ng issue sa purchasing of right of way. So yun yung isa sa mga iisipin natin. Tapos yung isa, siyempre yung mga suppliers. Yung mga nagbibid mismo, ang tagal-tagal ng bidding process natin. Paano natin mapapaikli na hindi din naman tayo dadayain.

Q: Ma'am may target date ka to finish the Committee Hearing?

Poe: Natapos natin ang Mamasapano nang mabilis. Sa tingin ko naman kung aaraw-arawin natin, matatapos agad iyan. Hindi naman siguro araw-araw. Mga every three days.

Q: Thank you, ma'am.

News Latest News Feed