Press Release
August 10, 2016

SEN. GRACE POE INTERVIEW TRANSCRIPT
DZMM Kabayan with Ricky Rosales

Ricky Rosales: Senator Grace Poe, Magandang Umaga po. Si Ricky Rosales po, live po tayo sa program ni Kabayan.

Sen. Grace Poe: Magandang Umaga sa iyo Ricky at sa lahat ng nakikinig Magandang Umaga po.

On emergency powers hearing

Rosales: Ma'am yung first hearing po ninyo mamaya, anong oras po ito mangyayari, Senator?

Poe: Alas-diyes po ng umaga ang ating pagdinig at inimbitahan po natin yung namumuno ng DOTC ngayon, Secretary Tugade. Yung sa MMDA rin po at pakikinggan natin ano ba talaga ang kanilang plano. Kasi siyempre bago naman tayo magbigay ng emergency powers kailangan malaman natin kung mayroon ba talaga silang plano at kung ano pa ang maaari nating matanong sa kanila.

Rosales: Ma'am Senator, initially kayo po may personal take kayo rito kasi diba natatandaan ko mayroon pa kayong participant observation sa MRT 3, ano ho. Before ho itong inyong gagawing hearing at marinig ho sila for sure nakalatag na rin ho yung isa submit nila sa inyo. Ano ang inyong personal take sa emergency power at kung maga-grant ito gaano po katagal? Poe: Kasi yung duration ng emergency power kung ibibigay po namin mga dalawang taon traditionally. Pero hindi yan basta-basta binibigay katulad niyan, yung nadidinig ko lang ay yung mga pinapahayag nila na sinasabi nila para mabilis daw paggawa ng mga kalsada na kailangan naman talaga natin. Kailangan daw wala ng bidding, medyo nakakatakot po yan sapagkat yan po ay nagbibigay-daan din sa korupsyon. Pwede naman kasi tayo mag open-bidding para nakikita rin ng ating mga kababayan kung sinu-sino ba talaga yung mga nakikilahok diyan. Kailangan may track-record; kailangan magaling. Di katulad ng kinuha noon, diba nawalan ng bidding yung MRT. Tingnan mo, yung maintenance pumalpak-palpak. Iyon yung mga bagay na dapat ay bantayan natin. At isa pa hindi lang naman sa paglalagay ng mga tren. Halimbawa, matagal ng sinasabi na dapat i-relocate na yung ating mga provincial buses ng Metro Manila. Sa ngayon po ang nangyayari tingnan natin, hindi masyado efficient yung naging plano na yun. Hanggang ngayon wala pa tayong North Terminal, yung atin namang isang terminal na gumagana na dito sa may Cavite marami pa ring nagrereklamo na hindi pa masyadong maayos. So iyon yung mga bagay na yun kasi may 45 provincial buses pa na nandito pa mismo sa loob ng EDSA at hindi lang naman EDSA pati yung mga gilid-gilid na mga kalsada nagiging problema kaya nababara lahat. At saka katulad ngayon, umuulan, yung ating mga kababayan sobrang kawawa naman yung bang tumatawid-tawid. Kung meron tayong elevated walk-ways para sa mga pedestrian katulad sa mga bansa ng Bangkok, pwede kang maglakad from one building to another na hindi na kailangang tatawid pa sa kalsada sa baba. Iyon yung mga bagay na sana may plano ang DOTC pag sinabing alam mo sinabi nga ng iba na wag kang masyado ambisyoso pero kailangan umpisahan natin ang pang matagalang plano at gawin natin yung pwede na nating gawin ngayon. Kung ang kanilang pakay ay maayos at makakatulong sa ating mga kababayan, mandato din natin na hindi tayo dapat madaya ninuman.

On MRT

Rosales: Opo. Sana nga Senator kasi medyo matagal na rin nating hinihintay ho ito. Medyo sa marami na ring balita parang nawawalan na kami ng update pero diba ho nung nakaraang din sa inyong investigation may mga recommendations na ho kayong ginawa, ano ho ba nangyari sa mga naka-pending na recommendation itong nakaraan ding administration, Senator.

Poe: Kasi yung isa sa unang rekomendasyon natin, palitan yung DOTC noon. Dahil diyan po nakabara lahat. Isa pa sa rekomendasyon namin noon, palitan yung service provider nung maintenance ng MRT. Isa pa sa rekomendasyon namin noon ay yung mga train na dapat madaliin na ipapasok na dito, meron na ring nade-deliver pero yung ating mga riles hindi pa rin nila pinapalitan. Hindi natin alam kung kaya itong mga bagong tren na ito. Ito po yung nakadismaya, nakaka-frustrate. Kasi kung ikaw ay nasa Senado pwede kang gumawa ng mga rekomendasyon at pag-aaral. Pero ang implementasyon ito po ay nasa ehekutibo. So lahat naman po niyan kung nasunod di sana nag-umpisa na. Kung matatandaan po natin, 2013 pa lang mayroon nang administrative order ang pangulo na dapat nang mag-allocate ng emergency powers. Hanggang ngayon wala pa ring lupa na napipili para makapagtayo ng mga bus terminals. Tapos alam ko meron ng isa sa Ayala, dito sa Taguig magkakaroon ng isa pa pero baka September pa ang umpisa. Kaya nga, nandoon ang ibang mga plano hindi naman naiimplementa.

Rosales: Oho. Iyon ngang lagi nating napag-uusapan dati rin iyong political will, Senator.

Poe: Mayroon na ngayon.

On having concrete plan

Rosales: Sana with emergency power may consequence din ho ito, ang political will, magkaroon din ng revamp. Magkaroon din ng emergency power doon ho sa mga tao. Doon sa mga appointments ng kasalukuyang nakaupo. Posible ho iyon, Senator di'ba?

Poe: Oo naman. Alam ninyo po kasama sa pagdinig namin, hindi lamang puro executives ang iimbitahin. Sa susunod na mga pagdinig ay kakausapin natin ang local governments. Iyong mga Mayors ng malalaking siyudad.

Rosales: Yes.

Poe: Kasi nga pagbabara ng mga side streets din. Nakita natin gumagawa ng effort sa Maynila. Pero, diba ang dami daw nabulok na mga gulay daw sa Baguio dahil hindi nga na-coordinate ang pagki-clear ng kalsada. Diba ang daming apektdo kasi. Kaya kailangan talagang may central plan. Iyong mga estudyante, iimbitahan din natin. Ano ba sa kanila ang mga convenient ways. Iyong mga cyclist. Iyon po, marami pong kailangang talakayin. Kung bibilisan po.

Rosales: Kung mailatag po nila ito. Kasi dito po sa balita ngayon para kasing sinasabi na kung hindi ninyo makita ang kongkretong plano ay baka medyo mag-alangan ho kayo. Baka hindi ninyo sila bigyan ng emergency power. Sa palagay ninyo ho iyon lang ba so far ang balakid, iyong detalyadong plano ho nila o among the senators mayroon pa ho kayong nakikitang problem sa mga lawmaker po natin?

Poe: Hindi, basta para sa amin nga kailangan may plano. Hindi naman puwedeng blank na cheke lang ang ibibigay mo. Kasalanan din naman sa ating mga kababayan kung maging pabaya kami. Kung may plano sila, kung hindi man detalyado na naisip natin, eh 'di magtulungan kami. Marami din namang ideya ang ating mga kababayan. Katulad niyan dahil alam nila na gagawin ko itong pagdinig na ito ay madaming mga experts ang nagbibigay ng kanilang mga pag-aaral. Ngayon, sawang-sawa na rin kasi tayo sa mga pag-aaral, so ang gusto rin natin ano ba ang deadline ninyo diyan? Magpapagawa kayo ng isang tulay, halimbawa. Gaano katagal iyan? Dahil hindi naman puwedeng sabihin na aabutin iyan ng siyam-siyam. Kailangan mayroong palugit rin para iyong ating mga kababayan may tinatanaw na pupuntahan natin. Iyon lang naman ang ating nais gawin. Basta, ayaw lang natin na inaabuso tayo. Ayaw naman natin na pine-petiks lamang ang trabaho.

Rosales: Senator, we wish you goodluck. Thank you very much for your time. Good morning po Senator Grace.

Poe: Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig.

Rosales: Thank you, Sen. Grace Poe.

News Latest News Feed