Press Release
August 16, 2016

Excerpts from Sen. Bam Aquino's PRIB interview

Sen. Bam: Natutuwa ako sa pronouncement ng Malacanang sa pagsunod sa Supreme Court. I think that's very encouraging. May mga apat na grupo na rin na nagpa-planong mag-file, may mga nag-file na. We hope na puwedeng pumasok dito ang Supreme Court.

Both sides are looking at it from a legal perspective. Parehong panig nakatingin doon sa probisyon kung sino ba dapat iyong maaaring mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

Para malinaw naman sa panig namin na tutol sa paglibing kay former President Marcos sa Libingan ng mga Bayani na mayroong mga clauses doon sa kung sino ang hindi puwedeng ilibing doon.

May isa doon nakalagay tungkol sa morality, may isa naman nakalagay tungkol sa pag-discharge o pagpapaalis na dishonorably. Palagay namin, pasok doon, nasasaklawan ng probisyong iyon iyong pagtutol kay President Marcos sa kanyang paglibing sa Libingan ng mga Bayani.

Of course, at the end of the day, talagang magde-decide diyan ang Supreme Court. Kasama namin, nakikiisa kami sa ibang petitioners, naghahanap ng clarification doon.

I'm happy to hear from Malacanang that they will follow what the Supreme Court will decide. We're hoping that the Supreme Court can step in and provide clarification.

Q: Ano ang nilabag na batas, bakit kinuwestiyon sa Supreme Court?

Sen. Bam: May motion sa Supreme Court sa pagklaro doon sa gagawing moves na ilibing si former president Marcos sa LIbingan ng mga Bayani.

Kaklaruhin nila iyan kasi parehong panig, nagsasabi na legal iyong kanilang gusto. Of course, may nagsasabi na nandoon kung sino iyong puwede, may nakalagay doon na presidents.

On the other hand, mayroon ding exemptions. Mga hindi puwedeng ilagay doon. Hindi lang kami, marami ring mga nagsalita na kung titingnan mo ang ibang batas natin, if you look at the law seeking for reparation sa martial law victims, if you look at the EO na gumagawa ng PCGG, if you look at some Supreme Court decisions, nakalagay naman doon na malinaw na malinaw na nagnakaw si former president Marcos sa ating bansa kaya nga tayo may PCGG kasi hinahabol pa rin natin ang P10 billion na ninakaw sa ating bayan.

Palagay ko, iyong mga ibang batas na nakalagay na iyan, iyong ibang Supreme Court decisions, palagay ko hindi man siya na-convict sa crime on moral turpitude, malinaw naman sa ating mga batas na nandiyan na iyan, naka-state na, tanggap na na mayroon talagang pagnanakaw na nangyari.

Of course, we also know about the human rights abuses. Iyong mga pinatay noong panahong iyon, ang mga ikinulong noong panahong iyon dahil enemy of the state daw sila.

Palagay ko, there's enough proof already to show na iyong exemptions sa kung sinong puwedeng ilibing, talagang dapat ma-exempt siya o dapat di siya masala doon.

I think right now, ang mga panig hinihintay ang magiging clarification ng Supreme Court tungkol sa isyung ito.

Q: Kapag ang Supreme Court pumabor na ilibing iyon, irerespeto naman niyo?

Sen. Bam: I think we need to respect the Supreme Court but at this point, iyong ugong ng tao, iyong kainisan ng tao, iyong pagkasuklam ng tao sa gawaing ito, palagay ko kailangang mas marinig pa ng taumbayan.

I think from now until Sept. 18, marami pang mga i-o-organize na activities. Maraming kailangang paglilinaw na gawin. To be frank, if you look at the surveys, marami sa mga Pilipino, OK lang sa kanila na ilibing si former president Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Palagay ko, ang ibig lang sabihin nito, iyong mga grupo po na gaya namin na tutol dito, kailangan pa kaming mag-double effort at double time na i-explain sa mga tao kung ano ba ang nangyari noong martial law at kung bakit tayo tutol dito.

Hindi lang tayo tututol na wala tayong rason. Malinaw naman na throughout our history, never nagkaroon ng panahon na 20 years nasa ilalim tayo ng isang pangulo, pinahaba ang kanyang panahon bilang pangulo ng ating bansa, nag-declare ng martial law. Over 70,000 ang nakulong, over 30,000 iyong na-torture, over 3,000 iyong napatay.

Iyong paglibing sa kanya sa Libingan ng mga Bayani, iyan po isang araw na ginagawang tama iyong mali. Palagay ko, sa ating panahon ngayon, mahirap makalimutan ang nangyari sa ating kasaysayan. Mahirap na ibahin iyong nangyari sa ating kasaysayan because sabi nga po nila, kung hindi natin rerespetuhin iyong nangyari ng nakaraan, were destined to repeat the same mistake at ayaw nating mangyari iyon.

Q: Tingin niyo ba, may pagkukulang din iyong education system sa pagturo sa martial law and as education committee head, is there something…

Sen. Bam: We actually filed a resolution looking into how martial law is taught in our schools. Even before this issue, a couple of years back, napag-uusapan na hindi malinaw ang pagtuturo ng martial law sa ating kabataan.

We want to find out from DepEd, paano nga ba ito itinuturo? Ano nga ba ang facts na sini-share? Palagay ko kasi, ang mga Pinoy, sometimes ayaw nating harapin ang bagay-bagay na masakit, ayaw nating harapin ang mga bagay na hindi maganda sa ating kasaysayan.

Maybe because of that, parang nag-ho-hold back tayo sa pagsabi sa ating mga eskuwelahan ano ba talaga nangyari.

Hopefully, during that hearing, malaman natin paano ba ito itinuturo, ano ba ang module na ginagamit, mayroong bang punto de bistang ginagamit sa pagturo ng martial law.

Again, iyong tungkol sa martial period sa ating bansa, napakalinaw na niyan. We have laws, we have Supreme Court decisions talking about the atrocities during that time, talking about magkano ang nanakaw, talking about iyong pagsira ng ating mga institusyon, how after martial law, almost 40 percent ng mga Pilipino, below the poverty line, napakalinaw na niyan and yet, hindi pa rin ito malinaw sa napakaraming Pinoy, especially sa kabataan.

I'm hoping this resolution will clarify kung paano nga ito tinuturo sa ating paaralan.

Q: When do you intend to do the hearing, before the scheduled burial ba?

Sen. Bam: We hope to do it by the end of the month, before September, or the first week of September.

Q: After you figure out how it is taught, what follows?

Sen. Bam: Iyon na muna ang gusto naming alamin, kung tinuturo nga ba talaga ito o baka naman hindi siya itinuturo at all. Kung paano ito tinuturo, anong subject siya tinuturo, anong edad siya tinuturo.

We also want to find out from our educators, kung ano rin ang tingin nila tungkol sa pagturo ng martial law sa ating kabataan kasi part ito ng ating kasaysayan.

Maybe in the 80s napakalapit pa niya from current time but today 2016, ilang dekada na iyong nakaraan, siguro naman na kaya nating masabi na being definitive and being very clear about it na hindi na tama na mangyari uli ang martial law sa ating bansa dahil noong nangyari iyan, ganito karaming tao ang nakulong, ganito karaming tao iyong na-torture, ganito karaming tao ang namatay, ganito karaming pera ang ninakaw sa atin.

We have to be definite about that. Of course, you can talk about the whole 20 years. Hindi mo naman masasabi na lahat nangyari doon masama. You can talk about some of the things that happened also, the gains in infrastructure, all of these things.

Pero kailangan naka-konteksto na during that time, ang ating basic rights talagang nawala, maraming tao talagang naperhuwisyo, maraming pamilya nasira, maraming Pinoy hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap. That has to be clear in our history books.

Q: Sinasabi mo lang ba iyan bilang isang Aquino?

Sen. Bam: Of the 70,000 na nakulong, isa lang doon si Ninoy Aquino, one out of the 70,000. Of the 30,000 na na-torture o nilagay sa solitary confinement, isa lang siya doon. At out of the 3,000 na namatay, isa lang siya doon.

Hindi lang ito laban ng Aquino, kung tutuusin. Maraming Pilipino ang naperhuwisyo dito.

News Latest News Feed