Press Release
August 17, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. VILLANUEVA's AMBUSH INTERVIEW AFTER ENDO HEARING

Question: Bottomline?

Senator Joel Villanueva: Ang bottomline is iba yung contractualization, iba yung contractual, it's a globally recognized scheme yung contractual, pero ang gusto nating pagtuunan ng pansin yung we're putting our workers on a precarious situation.

Q: Is there a need for remedial legislation?

SJV: There is a need. In fact I think sa labor code natin maaari nating pagtuunan ng pansin sapagkat may mga suggestions na rin ang Department of Labor kung paano masisiguro na may mekanismo tayo para malaman yung mga nagpapractice ng ganitong uri ng masama at kawalan ng hustisya

Q: Will you include the imposing of sanctions in the review of Labor Code?

SJV: Yes. Definitely we'd like to look at it but we want to be very careful at ito kasi gusto natin imention from the beginning na di natin intention na magpasara ng mga kompanya, mag discourage ng investors. Actually ginagawa natin ito dahil ito ay nasa batas. Global practice na ang contractual pero global practice din na hindi tinotolerate yung putting workers in a precarious condition.

Q: Idea sa appropriate penalty?

Well right now gusto nating pag isipan nang husto yan yung appropriate penalty kasi right now ang nangyayari we just compel the companies to regularize. Pag di naman nila ginawa yun, di naman sila makaka operate na. Pag di sila naka operate na, then you're saying tatanggalin na sa trabaho at mawawalan na ng trabaho yung workers nito. So there are many ways of doing it. We want to make sure na we listen to all stakeholders and we wanted to get the best possible solutions regarding this issue.

Q: Where do you draw the line sa sanctions?

SJV: Ang importante dito makita natin nang husto yung, kasi ang lumalabas kanina napakahirap malaman for the Department of Labor na may red flag na pala yan sapagkat na-cicircumvent yung law. Wag na natin pag usapan yung direct, yung dalawa nalang, employer-employee dun sa meron kang contractor. For example hinire ng isang mall si Juan dela Cruz after five months wala na siya pero after a month or two ihihire ulit sya. The same person, the same job description. Now kahit hindi the same person if you are hiring in the same job description na nawalan nito na, again, naipakita natin na may series na 555, 666 di po makatarungan yun, yun po ang dapat patawan ng kaparusahan.

Q: Ilang repetition ng 555 o 666?

SJV: Well yun yung hiningi natin kanina as we continue with the committee hearing, remember this is just an organizational hearing. We invited only the agencies, departments of the government just to get a feel and see yung kanilang position on this particular issue. Sa mga susunod na hearing magiging maganda talaga and it would be interesting to hear the side of our labor unions and the employers

Q: Doable ba ang pag resolve ng DOLE sa endo cases within a month?

SJV: Tinanong ko po kanina yun sa NLRC but they couldn't commit na magagawa nila ito in three months but they committed to expeditiously dispose these cases na ito and we also asked for a list and status ng mga pending dito sa NLRC specifically talking about the evils of contractualization.

Q: Sinabi ni Senator Drilon wag mag overreact, paano natin ibabalanse ito?

SJV: Tama po yun importante na siguro kung mapapansin nyo kanina during the hearing, three or four times sumisingit ako at binabanggit ko na ito po ay hindi ito anti employer. Eto ay pagtalima at pagsunod sa batas, pagiging moral at pag promote ng hustisya para sa ating manggagawa who is the lifeblood of any industry and any business of the country. Hindi ito naglalayong itulak ang ating mga negosyo para pataasin ang ating unemployment kundi it's more of redistributing the income of the employers of the companies to our workers na pinaniniwalaan nating lifeblood ng ating industrya. If we have a motivated encouraged worker, a regular worker, a worker with peace of mind, then you would be able to see an effective and efficient worker, in the end panalo dito ang kumpanya.

Q: Sa ngayon wala pang penalty...

SJV: Ilan po sa mga proposals at tayo ay patuloy pa ring humahanap ng makabuluhan at mas epektibong solusyon. Ilan sa mga proposals ang simplifying the classification of employer. Now you have a probationary, you have regular and you have a project based worker by then you would know after five, six months yung probationary dapat mag lapse na yun into regular. Now if you are being contracted, for instance, in a big company para maglagay ng bubong, at lumagpas ka na ng six months, 8 months ka na pero pagkatapos mo kasi ilagay ang bubong ng isang malaking kompanya na yun, tapos na yung so at least yung worker alam nya kung nasaan siya, nagiging komplikado etong mga bagay na ito pag pumasok na yung mga manning companies, etong mga contactors at ito ang nais nating pagtutuunan ng pansin sa mga susunod na hearing. Tignan natin kung ano ba maaaring gawin natin, kung may mekanismo ba na maaari nating iimplement. May suggestions na po ang Department of Labor kung paano matitignan at masiguro na sa pag implement ng program na ito mas mabilis nating makikita ang mga red flags na ito at matututukan natin.

Q: Looking at civil case pa rin, hindi criminal?

SJV: Well gusto po natin maging very careful dito. Ayaw po natin na unang una sa lahat ma iconvey ang maling mensahe, ang maling mensahe po kasi dito is that dinidiscourage natin yung investments, dinidiscourage ang mga maliliit na negosyante. Hindi po. Tayo lamang ay gusto nating ibigay ang nararapat sa ating mga workers. Yung pong contractual ay globally recognized scheme po yan so hindi po natin sinasabi na bawal yan at masama po yan sapagkat may mga bagay po na kailangan talaga ng contractual katulad ng mga nabanggit natin na examples. Kung ako po ay isang may ari ng isang resort sa Boracay then definitely tuwing summertime mas marami tayong ihihire at hindi ko naman po kakayanin na gawin silang regular agad agad so meron pong programa at probisyon na dapat tayong ibigay sa mga ganung uri ng industriya at mga kumpanya ngunit pagka the same person o kahit di same person but the same job description, pinapaulit ulit mo lang, dito po pumapasok yung endo, yung 555, 666, yung evils of contractualization yan po ang gutso nating itigil at itumba in relation na rin sa gusto ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.

Q: Assessment sa hearing?

SJV: Well napaka fruitful at napaka insightful ang mga ibinigay sa atin ng ating mga resource speakers coming from the different government agencies at especially yung sa DOLE, nakita po natin dito na glaring din ang job orders o yung evils of contractualization na nangyayari sa ating gobyerno. When I say gobyerno, di lang po sa national government kundi yung maging sa local government units kung matatandaan nyo po nung nag hearing tayo sa emergency powers, mismo si Secretary Tugade admitted na about 10,000 yung mga job orders sa loob ng DOTr at napaka challenging nitong ating kinakaharap na issue ng mga endo o evils of contractualization at muli gusto ko pong ipaalam sa ating kababayan kasi ho naha-highlight minsan yung maling kaisipan o depinisyon ng contractualization because the mere contractuals ay globally recognized po yan. Ibig sabihin po pag ikaw ay isang contractual sa kompanya at hindi po yun yung main business ng kompanya, hindi naman po masama yun. For example, kung ako po ay isang may ari ng isang resort sa Boracay marapat lamang na tuwing summertime mas marami tayong ihihire at hindi ko naman po kakayanin na gawin silang regular agad agad noh so meron pong contractual na tinatawag. Pagdating po ng wala na tayo sa peak season then meron din pong tinatawag na temporary layoffs kahit ikaw ay regular so ilan po sa proposals kanina ay yung classification ng mga empleyado at isa po dito yung isimplify ito. Maaring gawing tatlo na lamang. Probationary then after six months kung ikaw ay tapos at kailangan pa ng kompanya, ikaw ay dapat nang maging regular at yung sinasabi natin kanina na project based workers meanimg kung ikaw ay hinire for instance ng isang malaking kompanya para maglagay ng bubong para sa malalaking buildings kahit umabot ka ng 8-9 months at natapos mong lagyan ng bubong yung mga buildings na ito then tapos na yung iyong trabaho, so nandun yung tinatawag na project based scheme and again yung maling kaisipan ng ating kababayan na yung contractual e ibig sabihin mali po yun, ay di naman po accurate yun. Ang nais po nating itumba dito ay ung evils of contractualization o yung endo. Iha-hire ka, after five or six months tatanggalin ka, pagkatapos ihihire ka ulit. The same job description, the same person o kahit di same person but the same job description at kanina nabanggit talamak ito sa malls, sa food chains, even hotels and restaurants gusto natin itong tignan. Ang nakakalungkot nga po nabanggit din kanina maraming workers ang di maka express ng sentimyento tungkol dito for obvious reason because how can your report your own employers and complain against your own employer to the point na at the end of the day you would lose your job.

Q: Feeling nyo po ba may loopholes talaga sa labor-only contracting sa law?

SJV: May mga room and kanina it appears na there's a big room for improvement sa ating Labor Code at hintayin din natin yung 18-A yung report ng Department of Labor sapagkat dyan po makikita natin talaga dahil kanina tila baga mailap ang red flag na makita itong mga mekanismo na ito na o schemes na ginagawa ng mga kumpanya kasi iba pa po yung usapin na direct. For example, yung employer at employee iba pa po pag pumasok na yung third party, yung triangular scheme, yun pong manpower companies, yung contractor at dyan po makikita natin mas nagiging sistema na, nagiging institutionalized na mga kumpanya na dito dumepende at dito nga po nagyayari yung mga 555 o evils of contractualization.

Q: Timetable?

SJV: Kanina po dun sa amendments ng Labor Code we will continue with the hearing. Next hearing po napaka interesting po nyan. Kanina nga po it's just an organizational meeting and we only invited members ng ating government agencies and department. Sa susunod po na hearings mas magandang mapakinggan natin yun side ng laborers, mga labor unions natin and at the same time, yung ating employers. Gusto ko pong pagtuunan ulit ng pansin na ang Committee on Labor ay di po against employers, di dini-discourage yung, yun po ang magiging malaking mistake para tignan itong galaw ng komite na ito para i-discourage yung investments, i-discourage na magtayo ng negosyo ang ating mga kababayan. Hindi po, dahil isa po sa major reasons why we're doing this is to ensure na mas maraming trabaho ang malilikha natin, mas efficient ang ating workers dahil kung may peace of mind sila, may benepisyo sila, mas effecient sila mas productive sila, mas mabebenepisyo ang ating emloyers at mga negosyante yun po kasing nagsasabi na ito pa ang magpupush na itaas ang unemployment ay nirereject po natin yung ganung kaisipan sapagkat we wanted to promote employment. This is not to increase unemployment rate but this is just more of redistributing the income of our business firms to our workers to our laborers which is the bloodline of any industry or any company in this country.

Q: Timetable natin na maipasa ito?

SJV: Kung ako po ang inyong tatanungin, personally, gusto ko po by the end of the year magawa na ito. Two days ago, we had a meeting with President Duterte. I reiterated that we are seriously pursuing this measure to ensure na talagang, again, ang endo ay technically bawal ito pero nakita po nating lahat na ito ay patuoy na practice patuloy na nangyayari. Pinakamasakit na parte dito ay nangyayari din po to sa ating gobyerno.

Q: Ano napag-usapan sa meeting nyo with Pres. Duterte, especially on the war against illegal drugs?

SJV: Doon po sa meeting talagang 95-98 percent ay nag revolve around tax reforms ng current amdin napakahaba po ng presentation at ilan po sa ikinatuwa ko ay yung pag suporta ng ating pangulo sa pag revise ng income tax, lowering ng corporate income tax at dun naman sa medyo tinitignan ko po ay yung pagtingin sa exemptions ng Value Added Tax. Ilan po sa mga nabanggit, kasi po yung sa senior citizens medyo talagang sensitive po ako dun and yung sugary becverages naman I think it's a welcome development dahil ito naman ay para sa health natin. Dun sa real estate tax, magbebenefit ito ang LGUs natin so yun po dun umikot lamang, naging side talks lang po ang war on dangerous drugs. And we were told that drugs ...(inaudible) members or officials from LGUs, mga opisyales ng kapulisan. May papel po sya, mga pahina po yun nakita natin na, hindi po ganun kalinaw ang aking mga mata para mabasa ang mga nakalistang pangalan doon. Ang mga nabanggit lamang po ay mga local government officials at mga myembro ng kapulisan. If I'm not mistaken may ilang mayors, former mayors, congressmen and barangay captains.

Q: What did he say nung nilabas nya yung list?

SJV: I think someone asked about it. He said there's still a number of governmentt officials and police persons pero actually di ko po marecall na kung sinabi nya na I will make this public, etc. Kaninang umaga nung nakita ko yung news,uotal nasa news na rin po kaya ako nagsasalita...Di ko po narinig yung word na judge and prosecutors ang distinctly narinig ko po yung local government officials, former mayor, congressman, men of uniform.

Q: Paano nakakatulong sa ekonomiya yung malaman especially ng maliliit na negosyante na hindi naman talaga mali ang contractualization per se?

SJV: Tama po kayo nakakatulong ito sa ekonomiya, tignan po natin yung maliliit na negosyante, kanina po during the hearing I received tons of text messages coming from small businesses, MSMEs. Sa totoo lamang ho yan ang bumubuhay sa tin ngayon. Muli nais nating sabihin to dispel any fears na ito pong ginagawa ng committee on labor is just to ensure na nabibigyan natin ng tamang benepisyo at hustisya ang ating mga manggagawa na nagrerender ng maayos na trabaho sa kumpanya. Nakakalungkot na isipin na patuloy na practice yung 555, 666 and evils of contractualization, eto yung nais nating itumba. Nais nating suportahanan ang sinabi ni Pangulong Duterte na this must stop at nais nating suportahan ang DOLE na higit sa lahat maging epektibo ang ating regulatory function. Kung makita natin ang mga bagay na ito, mabigyan ngatin ng maayos na solusyon. We wanted to hear all the sides and we wanted to again, wala po sa akin di po ako genius di ko po sinasabi na nasa akin ang solusyon. Nais kong alamin yung pinkamalinaw na solusyon as soon as possible para matumba itong evils of contractualization.

Q: Ano yung first move nyo?

SJV: First move natin ay talagang tuluy tuloy at pabilisin itong mga hearings na ito. Hangga't maaari sa second, third, the most siguro fourth meeting tapusin na natin ito at dalhin na ito sa plenaryo at pag debatehan na sa plenaryo at I am urging the administration in Malacanang to certify this bill as urgent dahil sa nakita natin kanina na mga glaring instances na paglabag dito sa evils of contractualization.

Q: How important na magkaroon ng penalties?

SJV: Yung sa penalties, gusto natin maging sensitive dyan, at again gusto nating balansehin gusto nating marinig yung mga employers, ang samahan ng employers sa bansa, paano ba natin ito masosolusyonan, ano ba ang makatarungang paraan para tignan itong mga bagay na ito sapagkat I think they would also agree na if this is being practiced by some of their members, I'm sure di sila mag aagree dito, I'm sure they would do something about it at dahil yung mga di naman gumagawa nito, sila naman ang nagugulangan ng ibang kompanya.

Q: Pero may Department order and DOLE na pumapayag sa contract...

SJV: Yun nga nabanggit nila na di pa tapos ang 18-A na report, at nag commit naman ang DOLE na pagkatapos nito ay isa-submit nila sa committee ang report na ito at magbibigay sila ng rekomendasyon sa lalong madaling panahon para masiguro na meron tayong solusyon para matapos na itong evils of contractualization.

Q: Pwede naman irecall yung order na yun diba?

SJV: Kanina binanggit nila na mismo ang DOLE ay di tinotolerate ang 555 scheme na kahit ano pa mang industriya, anumang negosyo pag ito ay core part of the business, kunwari, kung bangko ka e yung teller gagawin mong contractual. Kunwari ikaw ay hotel, ang housekeeping department mo ay contractual at every 5 months papalitan mo sila with the same job description. Ito po ay di nila tinotolerate at dinadala nila ito sa NLRC at sa NLRC sila din ay nag commit na they will expeditiously dispose all these cases involving contract at endo. Binanggit din natin kanina kung kaya nila itong gawin in three months. Hindi pa sila macommit but they committed that they will do this as soon as possible and we will monitor also these cases na concerning contractualization.

Q: Working with Senator Bam on MSME issue on contractualization?

SJV: Definitely napakahalaga po nyan. Importante na di ito makita bilang isang paraan na i-discourage ang ating kababayan ma mag negosyo at itaas yung unemployment rate natin. Gusto natin as much as possible matulungan natin sila. May schemes nga na even kung ikaw ay regular, you could be given temporary layoffs so ito sana makita ng ating employers. Kanina nabanggit din yung importance ng pag promote ng enterprise based program kung saan natututo talaga nang husto yung ating kababayan habang nandun sila sa kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan. Napakaraming studies that say na kung ikaw ay nasa kumpanya at kung ikaw ay nag aaral o nag tatrabaho, mas mabilis mong maga-grasp etong mga bagay na ito. Mas magiging effective at productive ka, at pag ikaw ay effective at productive then laging siguradong may benepisyo ito sa mga kumpanya na magha hire sayo.

News Latest News Feed