Press Release
August 20, 2016

SEN. GRACE POE'S TRANSCRIPT on FPJ'S 77TH BIRTH ANNIVERSARY
Ambush Interview (10 a.m.)
20 August 2016

Question: Any message po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa inyong father?

Sen. Grace Poe: Ako'y nagpapasalamat sa mga patuloy na mga nakakaalala kay FPJ lalong-lao na ngayong kaarawan niya. Isang magandang selebrasyon ito para gunitain yung pelikula niya, yung mga nagawa niyang pagtulong.

Q: A few months after election 2016 how are you?

Poe: Okay lang. Siyempre nakakapalakas ng loob ang reunion na to. Parang sentimental rin sapagka't galing sila sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. Sabi ko nga mula Abra hanggang Zamboanga, maraming mga naririto. Salamat sa pagmamahal ninyo sa aking ama na hanggang ngayon ay patuloy pa rin naibubuhos sa aming pamilya.

Q: Yung legacy po ni FPJ very strong pa, sa primetime sa other network. How would you describe po na buhay pa rin yung influence niya, ni FPJ?

Poe: Salamat sa tanong mo kasi yun nga yung sinasabi, ang mga pelikula ni FPJ buhay ng karaniwang Pilipino. Yung ano bang kulang sa buhay natin, ano bang pinaglalaban natin, sino bang umaapi sa atin, tapos may lumalaban para sa atin. Kaya ngayon yung parang mga nangyayari ngayon, basta huwag lang nating kalilimutan na marami talaga tayong dapat ayusin sa ating lipunan pero siguro sa mas makatarungan rin at mas maayos na paraan.

Q: Nabanggit na ho ninyo ma'am yung mga kino-confront niyong problems like traffic. May update po ba tayo dun ma'am?

Poe: Oo, yung traffic magkakaroon tayo ng hearing sa Thursday. Kasi gusto kong madaliin na rin hindi lamang yung paglalakbay natin kundi yung solusyun dito sa trapiko. May mga specifics at tsaka mag susurprise visit ako sa isang terminal ng mga bus para makita kung bakit napakarami ng reklamo na hindi gumagana at meron akong natanggap na suhestiyon na mismo ang mga provincial bus operators gusto na nila tumulong para mag design ng sarili nilang terminal para alam nila talaga kung ano ang kailangan nila. Hindi magsisiksikan at hindi mahihirapan ang ating mga kababayan. Ito yung mga gusto ko pag-usapan kasama ni Sec. Tugade

Q: Ma'am kung buhay ang tatay niyo Ma'am by now ex-president na siya, ano sa tingin niyo ang maipapayo niya kay Pres. Duterte dito sa isyu po laban sa droga?

Poe: Sigurado ako ang tatay ko gusto niya talaga alisin sa lipunan ang mga nakakasira sa kinabukasan ng ating mga anak. Sigurado ako doon. Ayaw rin niya ng mga corrupt. Kung malalaman niyang corrupt, kaibigan man niya o kamag-anak sigurado aalisin niya yun. Pero si FPJ rin, alam naman natin mahinahon rin. Pagdating rin sa batas, kinakailangan ang lahat ng tao ay patas na representasyon. Sapagkat ang mahihirap minsan, wala ng salita salita, hindi na sila nakaka eksplika. Sa tingin ko kung buhay yung tatay ko, hindi niya talaga kalilimutan ang mga walang laban at mahihirap.

News Latest News Feed