Press Release
August 23, 2016

Transcript of the Question/statement of Sen. Juan Miguel Zubiri during the Second Day of the hearing on Committee of Justice & Human Rights joint with the Committee on Public Order and Dangerous Drugs

"Natutuwa ako na kinondena ninyo ang extra-judicial-killings na vigilante killings. May misconception na ang lahat riding tandem naglalagay ng karatula ay mga police. Para mawala ang misconceptions, hanapin natin ang mga riding-in-tandem na namamaril na ito.

Hindi naisama ang nangyari na naging viral. Yung traffic violator hinuli, pinosas , si John De La Riarte, hindi drug lord, hindi pusher, hinuli lang ng HPG pero bago makarating sa presinto ay patay. nasa likod ang kanyang posas. The committee tackle this. To show public we don't tolerate these mistakes involving our forces.

Shot inside Police mobile Jeremiah Manogpog ng Task Force EDSA, HPG . Currently under administrative investigation. Dahil kahapon po ay pumunta sa akin ang kapatid ng namatay na humuhingi ng tulong.

Nakakalimutan natin lahat, isa sa key components against the war on drugs is the money. Pera. Sa iba't-ibang bansa tinitingnan nila at hinahabol nila dahil diyan nila nakikita ang sindikato ng mga drug lords. Sa Mexico, best practices po. Sa Guatemala exasperated na sila sa kanila drug problem dahil pinasukan na sila ng ibat-ibang drug cartels na ang suspect nila ang kanilang dating presidente at armed force chief ay lulong sa droga at drug protectors. Ang ginawa ng Congress nila sumulat sa UN anti crime task force na pasukan na ang kanilang bansa pwedeng humingi ng tulong.

Ang ginawa ng head ng task force na iyan, ay ipinasok sa isang highly-secured facility ang kanilang nahanap na 10 justices na hindi corrupt. Ang kanilang mga pamilya dinala sa Switzerland, sa Europe.

Within 2 years time, na-prosecute ongoing drug cases. Wala silang tinutukan kundi yung drugs.

Ang malaking tulong po nila ay dahil hiningi po nila ang AMLA ng ibat-ibang bansa. Ang tulong ng AMLA, with US help. Ang ginawa pala ng mga drug lords na ito, mga politico, generals, ay ang dami nilang pera at namili sila ng mga properties sa US, mga lupa sa Florida, mga mansion, mga yate. At, naglagay ng maraming pera sa ibat-ibang mga bangko sa US.

The US Federal Reserve seized money and assets. They used multiple approach kasama ang judicial approach, kinuha nila ang mga pera ng mga drug lords. It was so difficult to transact dahil nakabantay po lahat sa bangko. Pag may pumasok na transaction na malaki, hold. Kung hindi mapapakita na ikaw ay isang legitimate business, hold, at kung iyong pera na iyan ay hindi po mabigyan ng pinaggalingan,

Galit din po tayo sa mga corrupt officials. As the President exposed recently, ang daming generals, mayors, congressmen, appointed officials in the Executive are part of this drug mess that we are in.

That's why in aid of legislation, General, would you agree dapat na buksan na ang bank secrecy law. Dahil sa sobrang higpit ng bank secrecy law, tayo ay naging istambayan ng mga sindikato, magnanakaw, smugglers at illegal operators of different vices, dahil hindi sila nahuhuli.

General Dela Rosa (Yes.The PNP has nothing to lose. Everything to gain. Sens. Lacson and De Lima will author Proceeds of crime act. Sen. Zubiri will co-author amendments of the bank secrecy law and AMLA.)

We are also going to look into the AMLA as what had happened in the RCBC scam. Wherin 81 million dollars ang ninakaw sa Bangladesh pero walang red flag na nanggaling sa AMLAC.

Bakit po yung ating AMLAC may mga tseke na isa sa mga mayors na binanggit ninyo, nahuli isa sa mga sindikato. 500 checks totaling 500 million pesos. How can a mere local executive have 500 million dollars in the banks at any one time? Yan ang katotohanan.

First, we must amend the AMLA, strengthen the AMLAC and penalize the AMLAC for the non-compliance of the AMLA to the red-flag provisions.

Second, yung bank secrecy law ay luwagan na for all officials, elective and appointive including judiciary (kasi yun na nga ang sa Guatemala na out of 30 justices ay 10 lang ang not in the pockets.).

General, we are here to support you, na sana pag nakausap ninyo ang Presidente ay isama ninyo ang bank secrecy law amendments at AMLA. Dagdag ngipin po ninyo ito. Kasi kung uubusin ninyo ang mga pushers, genocide na iyan kasi 50,000 na yan.

You find the money, General, you'll find the syndicates."

News Latest News Feed