Press Release
August 30, 2016

GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Ma'am yung hinihintay natin na hinihingi sa DOTr naisumite na po ba?

Sen. Grace Poe: Wala pa. Sa ating mga kababayan, humiling po sila ng dalawang linggo para maisumite yung kanilang mga plano at pangangailangan dahil lahat tayo talaga sawa na talaga sa traffic at lahat apektado, gusto na nating maipasa ito, pero hindi naman natin alam kung ano ang ipapasa kung hindi nila sinusumite ang proyekto nila kaya nais kong klaruhin, hindi po natin ito pinatatagal gusto namin itong maaprubahan agad. Ang problema, hindi namin alam kung ano ang aaprubahan namin dahil wala pa namang plano. Patuloy ang aming magiging technical working group and meetings sa mga iba't ibang sektor para yung aming mga makukuhang impormasyon at mga suhestyon nila ay maibibigay rin natin sa DOTr. Ngayon, kasama rin sa aming plano pagkatapos nila isumite ay tawagin lahat ng Metro Manila mayors at mga mayors na apektado rin sa Metro Cebu, Cagayan de Oro, Davao, at iba pang metro centers para maibigay din nila ang kanilang opinyo ukol dito sa mga plano ng gobyerno para maibsan ang problema ng trapiko.

Q: Ma'am yung hinihigi niyo po ba na tungkol dun sa proyekto, very specific ba?

Poe: Hindi. Sabi ko nga, bibigyan naman natin sila ng kaunting allowance. Hindi naman pwedeng lahat ay nakadetalye doon pero siguro yung mga malalaking proyekto katulad ng anu-anong mga tulay na idadagdag ninyo, anu-anong mga linya ng tren, anu-anong mga bus terminals. Lahat iyon dapat maayos na nakadetalye. Ngayon, kung meron man silang nais idagdag sa susunod, bakit naman hindi? Kami naman ay rasonable. Walang mangyayari kung gusto mo lahat, pati lahat ng detalye, hindi talaga magagawa iyon. Hindi natin pwedeng ubusin ang oras natin sa pagpaplano. Kailangan na natin umpisahan ang implementasyon at kailangan din nating masiguro na may deadline, diba? Kunyari, mayroon silang project--gaano ba katagal na nakabungkal ang kalsada na iyan? Kung sinabi nilang 6 months, lumagpas man sila ng 7 months, wag naman 8 or 9.

Q: Kailangan pa ba talagang specific yung mga projects?

Poe: Kailangan at least mayroong general idea kung ano yung mga big ticket projects na gagawin nila. Pero sabi ko nga, kung mayroon man silang ihahabol sa susunod, bakit naman hindi? Pero dapat ngayon sa pambungad, dapat meron na.

Q: Kunwari in the next year, two years, mayroon silang project na doon lang nila naisip yung solusyon?

Poe: Pwede naman.

Q: I-amend yung batas? Poe: Hindi naman kailangang i-amend basta nga kailangan ang mga probisyon ng emergency powers ay flexible to accept new possible solutions that they will come up with. On the other hand, what will be unchangeable is the duration because, you know, kailangan lang iyan sapat sa 17th Congress, hindi pwedeng lumagpas, at siyempre, kung iyong budget man ay maiiba at tataas, dapat may kaukulang eksplanasyon kung bakit ganun ang itataas. Yun lang naman. Tapos, huwag nating kalilimutan, ito ay bubuuin ng oversight committee rin sa Senado at Kongreso na magbabantay diyan para hindi abusuhin. Kukuha tayo ng mga kagalang-galang at magagaling na mga tao sa pribadong sektor na kikilatisin din ang mga kontrata na iyan. Para di niyo naman kami pagbibintangan niyan.

Q: May programa ng DOTr...hanggang kelan ninyo hintayin.

Poe: Sabi nila two weeks daw.

Q: Sinong sila?

Poe: Si Usec Kintanar ang nagsabi sa last hearing na hihingi sila ng dalawang linggo para i-submit ang kanilang plano. Pero kung kulang yun, maiintindihan natin dahil napakalawak ng problema. Pero mag-umpisa na tayo para at least habang binubuo nila ang buong plano meron na silang pambungad na ipapareview sa amin.

Q: Saka ire-resume hearing pag nareceive ito?

Poe: Iyon malaking hearing na kasama si Sec Tugade, oo. Magkakaroon pa ba tayo ng hearing before then? Tingnan natin basta ang importante, magkaron kami ng technical working meetings sa ibang sektor. Tingnan ninyo, nanood kayo ng hearing, nakita nyo may kanya-kanyang pinaghuhugutan, hindi kasya ang limang oras sa hearing para marinig ang problema ng bawat isang sector. Ngayon kung magkakaroon ka ng separate sectoral meetings, mas magiging organisado ang makukuha mo, ang lahat ng problema na yan at lahat ng dokumento na yan, ibibigay namin sa DOTr...

Q: Anong pagbabasehan sa technical working meetings?

Poe: Suggestions from different groups which can be a basis for the DOTr to amend or add to their perceived plans for traffic congestion.

Q: Ito ang pagbabasehan ng DOTr?

Poe: Baka makatulong...Kasama kasi sa isang epektibong solusyon ay konsultahin mo ang mga taong araw araw ay dinaranas ang mga problemang yan.

Q: On proposal na ilipat sa Clark ang domestic airport?

Poe: Kasama siguro yan sa kanilang proposal kung ililipat s Clark, pero ano ang kanilang alternatibong transportasyon? Maglalagay ba ng airport shuttle, train? Yung mga pashero di naman masyadong maabala kahit malayo ng paglilipatan. Hintayin natin sila, sila ang expert dyan.

News Latest News Feed