Press Release
September 3, 2016

Pahayag ni Sen. Nancy Binay sa pambobomba sa Davao City

Kaisa ako ng sambayanang Filipino sa mariing pagkondena sa pambobomba sa Davao City kagabi.

Acts that bring panic and fear do not have a place in our civilized society.

Nakikiramay at nakikisimpatiya rin ako sa mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi at nasugatan. Nananalangin ako na makamtan nila ang agarang hustisya at paggaling upang makapanimulang buhay muli.

Nananawagan din ako sa mga kababayan natin, lalung-lalo na sa Davao at mga kalapit lugar, na manatiling kalmado at ligtas sa lahat ng oras.

We must stand united to fight violence and terror. Let us all stand ready to lend our support in solidarity with the people of Davao.

News Latest News Feed