Press Release
September 13, 2016

Ambush interview of Sen. Leila M. de Lima

(On Veloso being on Indonesian death row)

De Lima: ...iba yung sinasabi sa Indonesia, if we are to believe in Jakarta Post. And then, iba rin yung sinasabi dito. Paiba-iba, yung kay Sec. Yasay, kay Sec. Bello (Abella), and a few others. And then the President himself, what does he have to say. Siya kasi talaga ang puwedeng mag-confirm kung ano exactly ang sinabi niya to President Widodo kasi kung ganun ang sinabi, if we are to quote him sinasabi ng...sino bang nag-e-explain niyan? I forgot...nababasa sa diyaryo, sa news, na 'we will respect your laws' and therefore, bahala na kayo. Parang ganun, something like that ang pagkakasabi.

Therefore, ang interpretation is go-signal na yun because what was the state of things before nakiusap ang Aquino administration noon? The state of things was that she was scheduled to be executed. Di ba, walo nga dapat sila.

And it was just in the nick of time na na-hold yung kanyang execution dahil nga, sinabi natin sa kanila na kinasuhan na natin ang kanyang mga alleged recruiters, and therefore, her testimony would be needed, would be essential in the prosecution of her alleged recruiters. At kailangan din siya para ma-trace na rin yung syndicate na yan responsible for the drug trafficking.

So, she was already sentenced, and she was sentenced to death. Kaya nga i-e-execute na siya. So that was the state of things.

But we found a reason to request for the deferment of the execution, at nakinig naman sa atin because ginagalang din ng Indonesia yung legal system natin na kailangan din natin si Mary Jane Veloso for purposes of the case or the cases filed against her alleged recruiters.

So ang pagkakaalam ko po, hindi pa tapos yung kaso na yan against the alleged recruiters. So bakit hindi ko po maintindihan kung bakit hindi subukan ng Pangulo ngayon na hingin muli categorically yung i-defer ang kanyang execution?

So yun na nga, i-clarify naman nila kasi magkakaroon ng ibang interpretasyon kung sinabi niyang 'ginagalang namin ang inyong mga batas so kung ano man ang dapat, gawin na'. That was really...parang, an implied go-signal.

So nalulungkot talaga ako dahil parang nasasayang or sinasayang yung naging mga last-minute efforts namin noon para ma-save ang isang buhay, na si Mary Jane Veloso.

Q: Ma'am, since si President Widodo na mismo yung nagsabi na ganun ang interpretasyon, do you see any coming back from this, I mean, do you see this or any rectification of the whatever misunderstanding or...?

De Lima: As I said, it's really up to the President. President Duterte can qualify. Hindi ho ba, narinig naman natin siya noon, bago siya umalis, or several days bago siya umalis na isa sa magiging pangunahing agenda niya pagpunta niya sa Indonesia, ay susubukan niya na...susubukan niya ulit na i-ano, tulungan si Mary Jane Veloso kung hindi...baka nga maski ata clemency, kung pupuwede.

So, bakit hindi yun ang ginawa? Bakit hindi yun ang nasabi? Hindi ko nga maintindihan bakit paiba-iba. Sinabi ho sa atin yan, di ho ba? Nasa news. If we are to believe those news reports that he was supposed to do that, that he will try again to intercede in behalf of Mary Jane Veloso, so bakit nagkakaganito? At bakit may announcement sa Indonesia na may go-signal na?

So dapat pag-isipan ho nang husto. Huwag naman ho sanang sayangin yung mga naging efforts, na gusto lang naman talaga natin tulungan yung isang kapwa Pilipino, na bigyan siya ng pagkakataon to prove na she was also a victim. Kasi yun ang pagkakaintindi namin sa kanya nung in-interview siya dati, noon. Kaya nga, inano namin, ginawa namin yung pinaimbestiga, and then finilean [filed] ko po ng kaso sa NBI yung illegal recruitment.

Q: Ma'am, yung sinasabi na some yellow members of the Yellow Group...

De Lima: Diyos ko, saan na naman kaya nanggaling yan? Kasi malaking kasinungalingan ho yan. It's just, again, a figment of their wild imagination. Walang ganung plot. Baka kasi ako lang ang nakikita na naman since LP nga ako, since Yellow ako, so siguro, ganyan na naman ang interpretasyon nila sa mga pinagagawa ko at mga pinagsasabi ko. Ano ho bang sinasabi ko? Ano ho bang ginagawa ko?

Ang ginagagawa ko, magre-resume tayo ulit o magre-resume na ho tayo ng ating Senate inquiry sa summary killings, sa EJKs. Tapos siyempre, nagsasalita po ako sa mga isyu na mga katulad niyan, yung mga plano, yung mga what...yung may nagpapanukala bang suspension of the habeas corpus, and then siyempre, itong Mary Jane Veloso case, and then a few other issues na kailangan ko naman talagang magsalita.

And I continue to condemn the daily killings. So siguro, ako ang tinitignan nila. Sa akin sila galit. And since Yellow ako, ang interpretation nila may plano akong i-oust o i-impeach ang ating Pangulo. So, saan naman po nanggagaling yan? Hindi nga kami nagmi-meeting yung mga so-called Yellow. Wala kaming mga meeting-meeting na ganyan. Kung mag-meeting man kami, hindi dahil magpaplano ng ganyan.

Q: So why do you think would he come out with such an allegation?

De Lima: I really don't know saan nanggagaling ang mga ganyang balita o mga information na yan.

Q: Baka dun sa nagbigay rin ng matrix?

De Lima: Baka nga, the same source.

Q: Ma'am, kung na-invite po ng Ethics Committee...

De Lima: I just have to see first, to know first what is the initial, preliminary action of the Ethics Committee. Ayaw ko naman basta-basta na lang nagko-comment diyan. I don't want to be misinterpreted, and I don't want to be construed as trying to influence my colleagues.

I respect my colleagues, I respect the Ethics Committee so I'll leave it to their good sense, their sense of fairness, their sense of judgment, kung ano ang gusto nilang gawin diyan sa complaint na yan, na sa tingin ko naman, ewan ko kung may substance yan, I really don't know because parang ini-echo lang naman yung mga akusasyon ng ating Pangulo tungkol sa akin.

Q: (On SET deliberating the electoral protest against her) How are you preparing for that?

De Lima: Well, I already filed my answer, my verified answer, originally, to the original protest. When the protestant filed an amended protest, I filed a verified answer to that amended protest. So makikita natin yung mga acts of harassment sa akin coming from all fronts.

Q: Ma'am, wala kayong counter protest?

De Lima: Di po ako kailangan mag-counter protest. Unang-una, hindi ko kaya. Magastos po ang counter protest. Pangalawa, wala naman po akong nakikitang tamang dahilan kung bakit may protesta.

Kung nakita niyo po yung protest niya, halos parang pareho rin ng grounds ng protest against the vice president sa vice presidential protest, na dahil nga daw dun sa unauthorized change of that hashcode by Smartmatic, na may dayaan na daw. Anong kinalaman ko diyan?

Unang-una, Comelec has cleared,several times already, the Smartmatic on that. The Comelec has already said so, na wala silang nakitang irregularity dun sa pagpalit ng hashcode.

Pero ayun yung pinaka-principal ground ng protest. Dahil daw may pinalitan, ergo, nandaya si Leila de Lima. Eh kung ganun ang ground, eh di ho ba dapat lahat kwestyunin? Hindi lang yung senatorial elections, hindi lang yung elections ko, yung pagka-elect sa akin, kundi pati yung election from the president all the way down to the lowest position.

Kasi kung ginalaw, assuming, even if we just have to lend some credence to that allegation na may nangyari diyan sa pagpalit na yan ng hashcode--na yun lang naman yung tungkol sa pagpalit ng letter n sa letter ñ, di ba--and then nagkaroon na daw ng dayaan. Eh di ba dapat prinotesta lahat, hindi lang ako? It's so absurd. Ano na naman yan? Lahat na lang ginagawa. Lahat na lang siguro po ginagawa.

Ayan, mag-start na rin ata yung House inquiry, tapos itong Ethics Committee, and then itong protest, and then doon sa House inquiry. Ewan ko kung ano pa yung mga klaseng fabrication of evidence ang ginagawa nila at this point dahil yung mga una, mga puro palpak.

Now, so what is this? Ano ba talaga? Hindi talaga ako tinigilan? Na hindi ako...ano, anong gagawin ko dapat, mag-resign? O barilin ang sarili ko, di ba? I won't do either. I cannot do that because I know in my mind that I am not at all guilty of anything that they are saying, especially my alleged connection to the drugs.

And then, ito ngayon na nandaya ako sa eleksyon? Ano ba talaga? Anong gusto nila? Paalisin ako dito? Madali sanang gawin eh, madaling gawin yun para tumahimik na rin ang buhay ko. But no, I'm not gonna give them that opportunity or the pleasure of seeing me "defeated" because I have done nothing wrong.

News Latest News Feed